Chapter 38

7 1 0
                                    

Yana's Pov

Habang nililibot namin ni Sis. Anna ang kumbento ay pinapakita nito kung ano ang nandoon at kung para saan iyon. Bawat daanan namin na pintuan ay hinihintuan namin at iniisplika kung anong lugar iyon.

Nakakamangha ang buong lugar lalo na kapag nalaman mo ang istorya nito. Ang huling pinuntahan namin ay ang mga silid aralan kung saan nag aaral ang mga bata. Tanging silip lang ang ginawa namin sa bintana dahil ayaw namin makaabala sa klase nila.

Ang sabi ni Sis. Anna hanggang grade 4 lang ang elementarya nila. Maliban kasi sa kulang sila sa mga silid aralan at mga materyal na bagay tulad ng libro ay kulang din sila sa mga guro. Apat lamang ang guro nila dito at lahat sila ay mga madre, boluntaryo nilang ibinibigay ang serbisyo nila upang makatulong sa mga batang nasa pangangalaga nila.

Ang huling pinuntahan namin ay ang kabilang building kung saan naninirahan ang mga bata na tinawag nilang Munting Tahanan.

Pumasok kami sa isang silid kung saan naroon ang dalawang sanggol na limang buwan at sampung buwan na gulang pa lamang. May mga kasama din sila na mga batang nasa edad dalawa hanggang apat na gulang rin ang naroon. Mukha naman maayos ang lagay nila at may dalawang madre rin na naroon na tila tagabantay nila. Pinakilala ako ni sister Anna sa kanila at nalaman ang mga pangalan nila.

"Ang alam ko po makukulit ang mga bata lalo na sa mga ganitong edad, hindi po ba kayo nahihirapan sa pagbabantay?" Tanong ko kina Sis. Jenny at Sis. Rose.

"Natural sa mga bata ang pagiging makulit lalo na itong si Dylan na napaka bibo" sagot ni Sis. Rose na hinimas pa ang ulo ng tinutukoy na bata. "makukulit at malilikot pero mababait naman sila, kahit mga paslit pa sila ay marunong naman silang sumunod sa utos yun nga lang kailangan mo talaga ng mahabang pasensiya" dagdag na sabi nito

"Kung tutuusin mas matitigas ang ulo ng mga mas matanda sa kanila, minsan ay nahihirapan din akong sawayin sila kaya't minsan hinahayaan ko nalang lalo na't kapag pagod ako. Mabuti nalang at may mga nagbobolontaryo na tumulong sa'min na tumingin at mag alaga sa kanila, dahil kung kami lang talaga ay mahihirapan kami" sagot naman sa'kin ni sister Jenny.

"Curious po ako, ilan po ang mga batang nandito at inaalagaan niyo?" Tanong ko pa

"Dito sa silid na'to may pitong bata ngayon, hanggang sampu ang pwedeng laman nitong silid nila. May tatlong silid pa dito kung saan doon naman ang ibang bata, 15 ang mga batang babae na may edad 7 hanggang 16 na taon samantalang ang mga lalaki naman ay 9 na may edad 6 hanggang 11 taon" sagot ni sister Jenny

"Ang dami po pala nila, pero bakit po may 16 years old na? Ayaw po ba nila magpa ampon o wala lang gustong umampon sa kanila?"

"Ang pinakamantandang bata dito ay si Kristina, labing dalawang taon siya noong iwan siya ng kapatid niya dito. Noong bumalik ang Kuya niya noong nakaraang taon ay ayaw naman nitong sumama at sinabing mas gusto niyang manatili dito. Sinusuportahan naman siya ng kapatid niya sa lahat ng gastusin niya, sa katunayan maging ang Kuya niya ay volunteer din dito" sagot pa ni Sis. Jenny

"Karamihan sa mga batang edad sampu ay nananatili na talaga dito sa'min. Aalis nalang kapag sumapit ang ika labing walong taong gulang nila para harapin ang buhay sa labas ng tahanan. Minsan may mga dumadalaw sa kanila ang iba naman sa kanila ay wala na kaming balita, ang tanging dasal na lamang namin ay mapabuti sila" sabi naman ni Sis. Rose

"Hindi rin naman kasi namin pinipilit ang mga batang magpa ampon kapag ayaw nila. Kadalasan ang mga may ayaw ay mga lalaki at ang mga teenager na. Ang mga mabilis ma ampon naman ay ang mga bagong silang pa lamang hanggang edad anim na taon. Ngunit kapag tumuntong na sila sa ika pitong taon nila ay tinatanong namin sila kung gusto nila dun sa mga taong tumitingin sa kanila na gustong ampunin sila. Pinapayuhan din namin ang mga gustong umampon na dalaw dalawin ang batang napupusuan nila kahit isang beses lang sa isang linggo upang maging pamilyar ang mga bata sa kanila" Sabi naman ni Sis. Jenny

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now