Chapter 5

10 3 0
                                    

Yana's Pov

May biglaang meeting mga teachers kaya naman tambay kami ngayon sa may food park at kumakain ng kwek kwek.

"Mga besh sorry kailangan ko ng umalis may meeting pa ang org namin ngayon eh" Sabi ni Fiona

Kasali si Fiona sa Delight ministries club at isa siya sa mga officers doon. Actually noong una ay ayaw niyang sumali doon kaso pinilit siya ng mommy niya dahil graduate din mommy niya dito sa MU at naging president siya ng delight ministries.

Sa Glee Club naman kasali sina Angie at Jessica at pinipilit din nila ako dati na sumali din sa org nila para sama sama kami. Gusto ko din kasama sila kaso nung araw ng audition bigla akong tinamaan ng hiya. Hindi ko kayang kumanta, sumayaw at umacting sa harap ng maraming tao.

Sa eSports club ko talaga gusto sumali kaso sa Democrats ako bumagsak. Hindi kasi ako nakapasa sa eSports at dahil mahiyain ako wala na akong ibang maisip na pwedeng salihan kundi ang Democrats Club.

"Sige besh ingat" sabi namin kay Fiona na inubos ang buko juice niya tsaka ngumiti samin at muling nag paalam.

"Kita kits nalang mamaya mauna na'ko" bangit nito tsaka kumaway pa samin

"Ingat" pahabol ko pang sabi at kinawayan ulit siya

"Ano naba balita sa inyo ni Dale nakita ko kayo kanina hinatid ka" Tanong ni Jessica habang sinusundot ang tagiliran ni Angie

Namula naman si Angie kaya nakisundot narin ako.

"Ayiieee lumalovelife kana rin besh ah" tukso ko dito

Pinipigil naman nito ang mga kamay namin habang tumatawa

"Wala lang yon nagkita lang kami sa may entrance tapos inalok akong ihatid ako haha" sagot nito na namumula at tumatawa dahil sa pagkiliti namin sa kanya

"Tagal ng nanliligaw ng tao sayo pag iyon nagsawa bye bye lovelife ka" Sabi pa ni Jessica

"Kapag huminto siya sa pagliligaw edi ibig sabihin hindi talaga kami meant to be" sagot naman nito

"Paanong magiging meant to be kayo kung sinusungitan at iniiwasan mo?" Sabi ko naman

"Nagsalita ang hindi masungit. Mas masungit kapa kaya sakin at ikaw yung nagtatago kapag nakita mo na sina Sid at Luke" bawi naman ni Angie sakin at ako naman sinimulang kilitiin

"Isa ka pa eh paano ka magkaka lovelife kung tinataguan mo mga manliligaw mo" Sabi ni Jessica na tinulungan si Angie sa pagkiliti sakin

"Bakit ako na naman napansin niyo eh si Angie at Dale topic natin ah" tumatawang sabi ko habang umiiwas sa mga kamay nilang kinikiliti ako

"Pareho lang kayo ano bang balak niyo sa college life niyo? Ayaw niyo ba maranasan magkaroon ng lovelife?" Sabi ni Jessica at pareho niya kaming kiniliti ni Angie

Tawa naman ako ng tawa habang umiiwas sa pangingiliti nila ng bigla akong may natamaan na tao.

Humawak ito sa dalawang balikat ko habang nakatalikod ako sa kanya. Napapikit ako ng mariin sa mata at napakagat ng labi bago unti unting humarap sa kanya para mag sorry.

"Sorry po" mabilis na sabi ko tsaka tinignan kung sino natamaan ko

"It's okay mag ingat ka nalang sa susunod" Sabi nito

Literal na napatanga naman ako sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at mas lumakas pa iyon ng nginitian niya ako.

"J-jax" nabulol na bangit ko sa pangalan niya

"Hi Yana! Pwede kaba inbitahin manood ng laro namin? Diyan lang sa may court"

Bumalik naman ako sa wisyo at tumingin sa nagsalita. Pamilyar ang mukha niya sakin at naalala ko na kasama siya sa Varsity team din namin.

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now