Chapter 18

8 1 0
                                    

Yana's Pov

"Good morning" bati ko sa mga kasama ko sa bahay

"Good morning bebe" sabay hawak kay butter na kumakawag ang buntot

"Mabuti pa paliguan mo yan pagkatapos mong mag almusal. Ilang araw ng hindi naliligo yan eh" utos sakin ni Mama

Tinignan ko naman si Butter na nagpapa belly rub.

"Maliligo ka daw bebe? Paliguan ka ni Ate tapos play play tayo sa kwarto mamaya" usap ko sa alaga naming aso

"Ma, tumawag pala si Papa sakin kanina hindi ka daw niya ma contact" napatingin ako kay kuya Nathan na pababa sa hagdan

"Nakausap ko na siya ngayon ngayon lang. Sige na kumain na kayo ng almusal at mamamalengke pa ako ano ba gusto niyong ulam?"

"Gusto ko ng sinigang sa bayabas" sabi ko

"Nag sinigang lang tayo nung friday mag caldereta nalang tayo" sabi naman ni Kuya Nathan

"Wala naman ako nung friday" nakangusong sabi ko

"Ma kare kare kaya ng maiba naman?" Suhestiyon naman ni Kuya Enzo na busy sa phone niya

"Ang dami niyong gusto mag gulay nalang tayo mahal ang karne ngayon" sabi samin ni Mama

"Okay ako sa gulay Ma! chopseuy o kaya pinakbet basta gulay" sabi ko

"O sige aalis na ako yung pinagkainan niyo hugasan niyo ayokong madatnan pa yan pagkauwi ko" -Mama

"Ma sandali samahan na kita magpapalit lang ako ng damit" nagmamadaling umakyat naman si Kuya Enzo papunta sa kwarto nila ni Kuya Gab

"Mabuti pa nga marami akong bibitbitin eh" -Mama

"Si Gab pala Ma?" Tanong ni Kuya Nathan

"Baka tulog pa alam niyo naman kapatid niyong iyon kapag walang pasok late na magising hayaan niyo na at mag almusal na kayo" -Mama

"Tara na Ma" -Kuya Enzo

Hinatid ko sila sa labas at pinagbuksan ng gate para makalabas ang sasakyan ni Kuya Enzo.

"Ingat" sabi ko sa kanila

Pinanood ko naman mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Kuya Enzo bago ulit ako pumasok sa loob ng bahay.

"Hindi pa naghiwalay sina Jessica at Lee?" Tanong ni Kuya sakin ng habang kumakain kami

"Kuya wala kang chance kahit maghiwalay sila ayaw ni Jessica sa mga Engineer, diba yung mga ex niya puro engineering student at ang sabi niya samin hinding hindi na siya magkakagusto sa mga engineering students" agad na sabi ko dahil alam kong magtatanong siya ng magtatanong about kay Jessica. Patay na patay kasi siya dun.

"Engineer na'ko pasado nako sa board two years ago hindi na ako engineering student" sabi nito. Pinaikot ko naman eyeballs ko

"Imposible parin maging kayo" sabi ko sabay subo ng sinangag at tocino

"Bakit naman magiging imposible hindi ko pa nga sinusubukan ligawan siya"

"Yun na nga eh paanong magiging kayo kung hindi mo naman nililigawan"

"Ayaw mo kasi akong ilakad sa kanya"

"Paano kitang tutulungan kung hindi ka naman nanliligaw?"

"Kaya nga ilakad mo'ko magsabi ka ng magandang side ko sa kanya"

"Kuya ginawa ko na! Kung ano ano na nga sinasabi ko sa kanya para ma impress siya sayo pero ikaw nagtatago naman. Inahin ko na nga siya sayo at bilib na bilib na nga diba? Pero anong ginawa mo? Ahh! Wala ka nga palang ginawa kasi para kang pipi na hindi nagsasalita" panenermon ko sa kanya

DESTINED TO BE YOURSМесто, где живут истории. Откройте их для себя