Chapter 27

9 2 0
                                    

Yana's Pov

"Huwag mo nga pala akong sunduin mamaya nagpapatulong kasi si Jessica sa Mall, siya na daw maghahatid sakin" Sabi ko kay Jax habang nag l-lunch kami.

"Sinong kasama niyo?" Tanong naman niya na tinignan ako

"Kaming dalawa lang hindi kasi pwede si Angie parang may usapan sila ni Carreon si Fiona naman may gagawin daw"

"Ano daw ba bibilhin niya? Kung gusto niyo samahan ko na kayo wala din naman akong gagawin"

"Ehh? Huwag na kaya naman naming dalawa"

"Bakit parang ayaw mo lang akong sumama?"

Nagkatitigan naman kami at tinaasan siya ng kilay. Nginitian lang niya ako.

"Hindi sa ayaw kitang sumama ayoko lang tinitignan ka ng iba" matapat na sabi ko. Kapag kasi sumasama siya samin lagi siyang tinitignan. Okay lang naman sa mga kaibigan ko at sa kanya sakin lang hindi.

"Ba't nila ako pagtitinginan marumi ba damit ko?" Tanong niya tsaka tinignan ang suot na damit kung may dumi

"Hindi naman damit mo ang problema yang mukha mo" pinaningkitan ko siya ng mata

"May dumi mukha ko?" Hawak naman nito sa pisngi at pinunasan iyon ng tissue

"Ewan ko sa'yo kumain ka nalang" sabi ko

Kaming dalawa lang magkasabay ngayon dahil marami pa akong tinapos kanina. Pinapauna ko na nga siya pero sabi niya busog pa daw siya kaya hintayin nalang niya ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami at naglakad papunta sa gymnasium. May practice game kasi sila mamaya at nandoon na ang team niya. Sana lang nandoon rin friends ko para may kasama akong manood.

Napangiti ako ng makitang nandoon nga mga friends ko sa may courtside. Kumaway ako sa kanila at nagmadaling lumapit.

Sumulyap naman ako kay Jax na iniwan kong nakatayo lang doon at tinawanan.

"Sige na magpalit kana ng damit doon lang ako sa mga kaibigan ko" taboy ko sa kanya

Lumapit siya sakin at sinabayan akong maglakad hanggang makarating sa mga kaibigan ko. Ang daming mga tao may mga taga ibang school din na manonood at susuporta para sa basketball team ng school nila.

Sanay na din akong pinag titinginan si Jax at minsan may mag hello sa kanya. Sanay narin ako sa mga parinig na ang swerte ko daw. Well, totoo naman.

"Hi Jax maglalaro ka ba?" Tanong ni Jessica

"Hindi eh, hindi naman ako kailangan dito" kumamot pa siya ng kilay

"Diba last year mo na kaya dapat ka lalong sumali sa game" -Angie

"Mas gusto kong manood at umupo nalang sa tabi ni Yana" -Jax

"Ikaw na besh ang mahaba ang buhok" -Fiona

"Para kang sira" sabi ko naman kay Jax

"Sus! Kinikilig ka naman" -Angie

"Ay sus! Sino kayang kinikilig sa'tin dalawa ngayon? Haha" sabi ko naman tsaka nginuso si Carreon na kakapasok lang suot ang jersey niya.

"Nakuha mo besh hahaha!" -Fiona

"Wiw the biceps tho" sabi naman ni Jessica na nakatingin kay Carreon

"Magtigil nga kayo hindi lang naman si Carreon ang kita biceps ah" namumulang sabi naman ni Angie

"Don't me besh alam ko kahinaan mo" natatawang sabi ko

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now