Chapter 24

7 2 0
                                    

Jax's Pov

Pagkahatid ko kay Yana sa classroom nila ay dumiretyo na ako sa building namin, medyo malayo ang lalakarin ko pero okay lang naman.

Para akong tangang napapangiti sa sarili kapag naaalala ko ang nangyari kanina. Sino ba naman mag aakala na sa first lunch date namin ni Yana ay biglang susulpot ang pamilya ko.

"Bro! Kumusta date niyo ni bayaw?" Salubong sakin ni Val

"Ayos naman" sagot ko

"Seryoso yan lang sasabihin mo? Mag kwento ka naman!" Sabi pa nito

"Kumain lang kami yun lang" sabi ko tsaka umupo sa upuan ko

"Eh ano naman pinag usapan niyo?" Tanong naman ni Harry sakin

"May sinabi siya sakin na pinagtataka ko kasi siguradong sigurado daw siya na ako yung nakita niya" sabi ko habang nakatingin sa desk ng upuan ko

"Ano ba yung nakita daw niya?" Tanong ulit ni Harry. Tumabi at humarap naman sakin sina Felix at Val

"Nakita daw niya ako kasama ang girlfriend ko at ang sweet ko daw sa babae" kunot noong sabi ko

"Ikaw sweet sa babae kay Yana nga lang kita nakitang sweet eh" sabi ni Felix

"Bakit may naging girlfriend ka naba bukod kay Yana?" -Harry

"Wala" mabilis kong sagot

"Edi hindi ikaw yung nakita niya" -Harry

"Baka namalik mata lang si bayaw bro" -Val

"Sigurado daw siyang ako 'yon at nakita din daw ako ni Fiona" -ako

"Wala ka naman kinakausap na babae ah, may ka close kaba na ibang babae?" -Felix

"Sino bang babae ang close sa atin baka yun yung nakita niya" -Harry

"May mga ka close tayo pero hindi naman ka close ni Jax ang ilap kaya niyan sa mga chix" -Felix

"Hayaan niyo na tatanungin ko nalang ulit siya" -ako

"Ah bro nabasa mo naba yung ibang comments sa picture na pinost mo sa facebook? Ang daming mean comments" -Harry

"Sana lang hindi pa nabasa iyon ni bayaw sigurado malulungkot iyon" -Val

Agad ko naman tinignan ang facebook account ko at binasa mga comments na nandoon. Lahat ng mga hindi magagandang comments ay binura ko tsaka ko tinurn off commenting ang post ko. Hindi naman online si Yana kaya sana hindi pa niya nabasa yung mga mean comments sa kanya.

*****

Yana's Pov

Gaya ng napag usapan mag c-celebrate kami today at napagdesisyunan na gawin yun sa Kang Ho Dong after namin mag shopping. Sakay kaming apat ngayon sa bagong BMW X7 ni Fiona at nag dadrive na siya papunta sa Moa.

"Saan unang destinasyon natin?" Excited na tanong ni Angie

"Si Fiona ang taya kaya yung accessories na muna niya unahin natin" sabi ko

"No its okay, kung anong madaanan natin na gusto natin yun ang unang pupuntahan natin" -Fiona

"Sana lang naka sale pa ang Oriflame para makabili ako ng set" -Jessica

"Na try ko na Oriflame products okay naman pero mas hiyang ako sa Estee Lauder" -Fiona

"Ako din mas gusto ko Estee kaso ang mahal kaya MAC nalang ako and Shiseido" sabi naman ni Angie

"Okay Yana left the group" sabi ko. Napatingin naman sila sa'kin maging ang driver naming si Fiona

"Sinasabi mo?" -Jessica

DESTINED TO BE YOURSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora