Chapter 16

8 2 0
                                    

Val's Pov

Pinapanood namin ang pag alis ng bankang sinasakyan nila Angie. Sa totoo lang guilty ako sa nangyari at nahihiya lang akong aminin. Pero natauhan naman ako dahil sa pangaral nina Jax at Harry sakin. Alam ko naman naiintundihan ko kaso yung ego ko kasi.

"Gamutin na muna natin yang mga sugat mo bago natin ligpitin yung tent natin" -Jax

"Huwag na bro malayo 'to sa bituka" -ako

"Paano kapag nalaman ni Yana na di natin yan ginamot anong sasabihin ko sa kanya?" -Jax

"Divorce ang abot mo bro" tumatawang sabi naman ni Harry

"Maiba ako kailan mo ba aaminin kay bayaw na ikaw si Godfather?" Tanong ko

"Ang malala niyan baka dahil sayo i divorce siya ni Yana hahaha!" -Harry

Isang siko sa sikmura naman ang inabot ni Harry na nagpatawa sakin. Okay lang mahampas ng mga chix huwag lang masiko ni Jax. Promise mga bro masakit

"Bilisan niyo na diyan ng maaga tayong matapos" -Jax na diretyo lang paglalakad

Pagdating namin sa tent nag aayos na ng mga gamit nila ang mga kasama namin. Kami heto wala pang ligo at gagamutin pa raw nila mga kalmot ko. Sa totoo lang mahapdi talaga kaya kung ako sa inyo isipin niyo muna ng maigi ang sasabihin niyo dahil kung hindi baka matulad kayo sa'kin. Nabawasan tuloy ng 1% kagwapuhan ko.

"Pero seryoso bro nakakatakot palang magalit ni bayaw natuliling yung tenga ko kanina sa sampal niya" -ako

"Buti kamo mabait pa siya kung kapatid ko sinabihan mo ng ganoon baka mahospital ka ng kalahating buwan" -Harry

"Kasalanan mo naman kasi buti nga naunahan ako ni Yana kung hindi mabubugbog kitang hayop ka" -Jax

"Alam ko oo alam ko mali ako, lagi kasi niya akong inaasar kaya akala ko hindi siya mapipikon kaya ganoon sinabi ko" paliwanag ko

"Hindi siya napikon. Nasaktan siya sa sinabi mo" -Jax

"Hindi ko naman gustong saktan siya kaya nga nag so sorry ako sa kanya ayaw lang niya akong pansinin" -ako

"Huwag kang hihinto sa pag so sorry hanggat hindi ka niya pinapatawad idadamay mo pa si Jax sa problema mo eh. Baka nakakalimutan mo best friend ni Angie si Yana" -Harry

Napatingin naman ako sa nakakunot na noo na si Jax na nakatingin sakin.

"Ako na ang bahala kay Yana ayusin mo nalang ang problema mo kay Angie" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Jax

"Ano ba'ng plano mo bro?" Tanong ni Harry kay Jax

"Magpapakilala na ako sa kanya sa lunes" -Jax

"F*ck bro! Hindi ko alam kung maaayos ko na problema ko kay Angie bago mag lunes!" -ako

"Parang tagilid bro kung magtatapat kana sa lunes, parang negative" - Harry

"Wala na akong magagawa may usapan na kami" sabi ni Jax tsaka seryosong tumingin sakin "huwag kang mag alala basta ipakita mo lang kay Angie at sa mga kaibigan niya na seryoso ang pagsosorry mo"

"Asahan mo bro" tipid na sagot ko

"Okay na yan! Magsiligo na tayo baka abutin pa tayo ng gabi dito" -Harry

"Dapat pala naligo muna tayo bago ginamot sugat ko" kumakamot sa ulong sabi ko

"Huwag ka nalang maligo sanay ka naman sa amoy mo hahaha" -Harry

"Gago kahit hindi ako maligo ng isang taon di ako mangangamoy" sabi ko naman

"Ganoon ba? Huwag ka nalang maligo at ligpitin mo na yang tent para pagkatapos namin maligo wala na kaming gagawin" nakangising sabi ni Jax

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now