Chapter 36

7 2 0
                                    

Yana's Pov

Alas onse na ng gabi ng maihatid ako ni Jax sa bahay. Kanina pa kami nag goodnight sa isa't isa pero alas dos na hindi parin ako dalawin ng antok.

Nakangiting binalik balikan ko ang nangyari kanina at napapanguso pa satwing maaalala yung halik niya.

Sa playground din pala kami nag dinner at pinaghandaan talaga niya. Hindi ko alam kung paano niya naisip ang dinner na iyon dahil sobrang organized talaga. May mga musician na tumutugtog sa piano at violin, may mga naka uniformed na chefs din. May tatlo din na waiter ang nagsilbi sa'min.

Nang matapos kaming kumain ay bumalik kami dun sa swing at binalikan yung mga alalang bumalik sa'min. Napag usapan pa namin kung paano ko siya utusan na gawin ang mga homeworks ko habang busy ako sa paglalaro. Napaka bata ko pa noon na wala pa sa isip ko yung crush crush at ang tanging gusto ay maglaro lang. Hayahay ang sarap balikan yung panahon na bata kapa.

*****

Balak ko sanang magsuot nalang ng jeans ngayon kaso sabi ng mga friends ko ay mag d-dress daw kami kaya heto sinuot ko ang matagal ko ng nakatagong chiffon slim floral dress bowknot short sleeve. Hindi ko talaga hilig magsuot ng mga dress pero kapag kailangan may masusuot naman ako. Dipende rin kasi sa pupuntahan at mood ko ang mga sinusuot ko.

Isang malakas na busina ang narinig ko sa labas kaya naman nagmadali akong sumilip para tignan kung sino. Hindi naman ako nagkamali at nakita sina Fiona, Angie at Jessica sakay ng dalawang sasakyan.

"Ma, nandito na sila alis na kami" paalam ko

"Bakit hindi mo muna sila papasukin?" Sabi nito

"Huwag na Ma, usapan namin 3:00 pero mag f-four na oh!" Sabi ko naman na nagmadali ng lumabas. Nakasunod naman si Mama sa likuran ko.

"Hi Tita!" Bati ng mga kaibigan ko kay Mama na  bumaba pa sa mga sasakyan nila at nagmano kay Mama

"Kaawaan kayo ng Diyos. Sige na lumarga na kayo at mag iingat kayo sa daan at sa pupuntahan niyo" sabi naman ni Mama

"Opo Tita mag iingat po kami, ihahatid nalang po namin si Yana mamaya hindi rin naman kami magtatagal sa party" sabi naman ni Fiona

Nagpaalam na ulit ako kay Mama at sumakay sa kotse ni Jessica. Pinasunod naman kami nina Fiona sa likuran nila dahil hindi namin alam yung address na sinabi niya.

"Besh may itatanong pala ako, may problema ba Kuya Nathan mo?" Seryosong tanong nito sa'kin habang nakatutok ang mga mata sa daan.

"Hindi ko alam wala siyang sinasabi, may sinabi ba siya sa'yo?" Taning ko naman sa kanya

"Wala naman parang ang weird lang niya this past few days. Nag t-text kasi siya sa'kin at minsan nag c-chat din na di naman niya ginagawa dati" sabi nito

"Ano ba sinasabi niya sa'yo?" Usisa ko

"Araw araw may narereceive akong good morning sa kanya sana daw maganda ang gising ko. Sa tanghali nag t-text din siya huwag daw akong magpapagutom tapos kapag gabi sasabihin niya sana daw maganda ang naging araw ko, huwag daw akong mag puyat tapos goodnight. Ano ba nangyari sa kanya? Ang tagal na namin magkakilala pero hindi naman siya ganoon dati. Promise besh kinikilabutan ako. Lagi nalang kasing ganoon sinasabi niya paulit ulit lang" Sagot niya. Gusto kong matawa pero pinili ko nalang tumahimik muna

"Sana tinanong mo kung okay lang ba siya, nagrereply ka naman ba sa kanya?"

"Noong una nag rereply ako ng good morning, nakakahiya kasi kung hindi ko siya replayan. Iniisip ko rin kasi na baka may gusto siyang ipasabi sayo o may ibibilin siya"

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now