Chapter 10

10 3 0
                                    

Yana's Pov

Nagising ako sa tapik at tawag ni Angie sa pangalan ko. Nagsisibabaan na ang mga tao sa loob ng bus at iilan nalang ang natitira kabilang na kami ng mga kaibigan ko.

"Puyat ka besh?" Tanong ni Jessica sakin

"Hindi naman. Sorry nakatulog ako" sabi ko

"Huwag kang mag sorry dahil nakatulog ka, mag sorry ka dahil ang sakit ng balikat ko dahil ginawa mokong unan" sabi ni Angie na minamasahe ang balikat

"Sorry besh haha" natawa kong sabi tsaka minasahe ang balikat niya

"Okay lang ang totoo nakatulog din ako haha" sabi naman nito

"Girls baba na tayo baka maubusan pa tayo ng mga tents" -Jessica

Pagkababa namin sa bus ay kinuha na namin mga bags namin na nasa compartment at sumali sa mga kaklase namin na nakapulong doon.

"Mga hrm section one dito tayo" tawag sa pansin namin ni Sir Carl. "Guys listen! I group niyo mga sarili niyo into two, babae sa babae at lalaki sa lalaki lang. Naiintindihan niyo ba? Bawal magkasama sa iisang tent ang mag jowa"

"Sir wala po bang malaking tent na kasya ang six person?" -classmate

"Sir pang four person po" -classmate

"Okay okay! Meron tayong isang big tent good for 10 persons na gagamitin namin ni Mrs. Dela Peña at ng 2 pang teachers at mga student in charge na magbabantay sa inyo. May 2 good for 6 persons din at the rest ay good for two person nalang. Walang good for 3, 4, 7, 8, 9 at solo na tent okay!

"Besh tayo nalang mag partner" aya sakin ni Angie tsaka nito pinulupot kamay niya sa braso ko

"Sige" nakangiting sabi ko

Pumila na kami para kumuha ng tent at si pumirma sa pinapa pirma ni Sir Carl na katunayan na may binigay silang tent samin ni Angie. Nakakuha narin ng tent nila sina Fiona at naghihintay nalang ulit kami sa sasahihin pa ni Sir Carl.

Nang mabigyan na lahat ng mga tents ay tinawag niya ulit ang atensiyon namin. Sasakay daw kami ng bangka papunta naman sa Anawangin island at doon mag se set up ng mga tents.

Sa di kalayuan ay nakita na namin yung mga bangkang sasakyan namin at may mga estudyante narin doon na sumasakay. Lima lang ang boat na naroon at kulang kulang isang oras daw ang byahe bago makarating doon. Walang choice ang iba kundi maghintay na may bumalik na bangka na masasakyan. Isa na kami sa walang choice dahil nag unahan na yung iba sa pagsakay ng malamang lima lang yung bangka.

"Sino may dalang payong? Ang init" sabi ni Jessica

"Girls scout ako besh pero never kong naisip magdala ng payong sa camping" sagot naman ni Angie

"Baka lang naman" -Jessica

"Hanap nalang muna tayo ng masisilungan" -Fiona

"Sama nalang kaya tayo dun kina Sir sa may puno?" Sabay nguso ko kung saan naroon ang adviser namin

"Sige dun nalang tayo" nagmamadaling naglakad naman si Jessica papunta kina Sir Carl

"Ang problema niyan baka maunahan na naman tayo sa next na boat na darating, nakabantay na yung iba doon eh" sabi naman ni Angie

"Di naman tayo aabutin ng gabi sa paghihintay kaya okay lang 10am palang naman" sabi ko

"True kaya chill lang tayo at huwag mag madali" -Fiona

Tulad ng sabi ni Angie naunahan nga kami sa mga bagong dating na bangka. Dahil mukhang matagal pa bago may bumalik na bangka ay binuksan ko muna ang phone ko at pinicturan ang dagat. Bigla naman nag pose mga kaibigan ko kaya pinicturan ko narin sila.

DESTINED TO BE YOURSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin