3- Do You Know Me?

Start from the beginning
                                    

Isinuot ko sa ulo ang aking sunglasses. Tiningnan ako nang lalaki mula taas hanggang baba. I'm wearing a comfortable clothes since alam kong madugo ang pagdadaanan ko. Grey off shoulder long sleeve tops with black underneath sleeveless shirt. Black leggings. Brown boots. Simple but I made sure to remain fashionable so I wore some catchy accents like necklaces and big earrings. I am Anya Tejero after all.


"Ano yun, miss?"


"By any chance, do you know where I can find Mr. Lander Rafael Valera?"


Napatanga ang aking kausap. Okay, no english please.


"Manong, kilala niyo ho ba si Mr. Lander Rafael Valera?" nakangiting tanong ko.


Tumango ito.


Bigla akong nabuhayan ng loob.


"Nandito pa rin ho ba siya sa lugar na ito?" sabik na wika ko.


Tumango ulit ito.


Nangislap ang aking mga mata. At least nagbunga ang aking pagpapakahirap!


"Pwede niyo ho bang ituro sa aking kung saan ko siya matatagpuan?"


Tumango ulit ang mama sabay turo sa gitnang bahagi ng niyugan.


"Huh?" takang sambit ko.


"Andun siya," sabi nito.


I couldn't react for a while. Masyado namang diretso kung sumagot itong si Manong. "Ah-eh... pwede ko ho ba siyang kausapin?"


"Halika, samahan kita." Binitawan ni Manong ang kawit at senenyasan akong akyatin ang burol.


"Huh? Ah- eh wala ho bang ibang daan?"


"Meron kaso iikot ka pa, malayo."


"H-hindi ho ba pwedeng siya na lang ang papuntahin niyo dito," nakangiting pakiusap ko.


"Hindi pwede. May ginagawa yun. Kung gusto mo maghintay ka na lang sa kanila kaso baka matagalan pa siya."


Ang co-cold ng mga tao dito!


"Eh mi alambre ho," turo ko sa bakod.


"Sumuot ka na lang. Huwag kang mag-alala walang kuryente to."


Wala akong nagawa kundi akyatin ang burol. Hirap na hirap ako sapagkat bumabaon sa lupa ang takong ng aking boots. Takot na sumuot ako sa alambre buti naman at medyo naawa si Manong hinawakan niya ito para palakihan ang awang.


Naglakad kami sa maliit na daanang napapagitnaan ng mga damo't nagtatasang mga niyog. Ingat na ingat akong humahakbang habang iniiwasang masagi ng anumang ligaw na halaman.


"Miss artista ka ba?" biglang tanong ng aking kasama.


"Hindi."


"Para kasing pamilyar ang mukha mo. Yung parang nakita na kita dati."


"Marami lang talaga akong kamukha Manong," wala sa loob na sagot ko.


"Ayun sila oh!" Biglang turo nito sa mga nag-uumpukang mga kalalakihan.


We approached them and everyone in that group looked at me with awed eyes. Dumadampot sila ng mga niyog at inilalagay ang mga ito sa malalaking sako. Isa-isa ko silang tiningnan. I didn't see any pleasing personality kung kaya't kinabahan na naman ako na baka isa na sa kanila si Lander. Lahat ay mukhang madumi at mabaho.


"Boss may naghahanap sayo!" sabi ng aking kasama.


"Sino?"


A shirtless guy suddenly stepped out from behind a huge tree. Bigla itong natigilan pagkakita sa akin.


I'm a bit tensed too habang tinitingnan ko ang pawisang lalaking nakatingin sa akin. His face still looks familiar but almost unrecognizable. He doesn't look cute and definitely not the boy next door type anymore.


He appears intimidating now. His facial features became sharper, stronger and manly. The eyes were fiercer. More define jaw lines and cheekbones. He's absolutely an adult now. Siguro kahit makasalubong ko siya'y malamang hindi ko pa rin makilala.


My eyes went to his naked body. He grew some muscles too. A well defined biceps and triceps. Broader shoulder. Firmer chest. Has that six popular muscles in the stomach. Another V torso guy. And I can tell from his faded jeans that he got some good legs too.


Don't get me wrong. This is just my usual initial reaction whenever I scout a male model. Good for him that he turned out this way. Among these people here, I can tell in a glance that he's at the top of the hierarchy.


Ilang saglit niya akong tinitigan hanggang sa unti-unting siyang napakunot ng noo.


I smiled naturally.


"Lander?" I uttered in a friendlier tone.


"Yes?" Pati boses niya ay bumilog na rin.


"Remember me?" Of course he does. I just want to display some humility that's why I'm asking.


Mas lalong lumukot ang kanyang noo. "You are?"


Muntik na akong matawa. He gotta be kidding me!


I looked at him smiling as if unaffected by his reaction. Ngunit nang makita ko sa mukha niya na tila totoo ngang hindi niya ako nakikilala, unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi.


"Miss may kailangan ka ba?" saad niya nang manahimik ako.


"I'm Anya. Anya Tejero." Wala nang paliguy-ligoy na pagpapakilala ko. I don't want to feel insulted. Siguro nga gumanda na lang ako masyado para hindi niya makilala!

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now