3- Do You Know Me?

Start from the beginning
                                    

"Yes?" walang ganang sagot ko.


"Nasaan ka na? Buo ka pa ba? Hindi ka pa ba pinagkakaguluhan? Ano na ligtas ka ba? Diyos ko Ma'am Anya ako ang mamatay sa nerbiyos diyan sa ginagawa mo!"


"Relax okay! I'm tired Violet kaya pwede ba huwag mong dagdagan ang stress ko!"


"Saang parte ka na ba? Nakita mo na ba siya?"


I sighed. " I haven't reached the place yet."


"Ano?! baka naman nabura na sa mapa ng Pilipinas ang lugar na yan!"


"How I wish." I rolled my eyes.


"Bakit ba naman kasi kailangan mo pang pumunta diyan? Hindi ka na naman nag-iisip. Delikado yang ginagawa mo, dapat kumunsulta ka muna kahit sa pipitsuging lawyer man lang!"


I massaged my nape sa paulit-ulit na pagpapaliwanag sa aking kausap. "Violet, I have to see him myself. I want to make sure that everything will be resolved quietly. Kung kinakailangan kong makipag-negotiate para walang lumabas na issue ay gagawin ko. Hindi lamang pirma ang kailangan ko sa kanya. I need him to willingly participate in this case para mapadali ang pagpapawalang bisa ng kasal namin.What if during the process ay bigla siyang lumantad sa publiko?"


"Ay bahala ka na nga! Ang tigas ng ulo mo may mas madali namang paraan! Masyado kang takot na takot sa isyung wala pa man. Yan tuloy kaligtasan mo na ang sinusugal mo! Paano kung may mangyaring masama sayo diyan!"


Bigla akong kinabahan. The remoteness of the place is already creeping me out tapos dadagdagan pa nitong kausap ko. "Sige na Violet, mas lalo lang akong nati-tense dahil sayo!" I instantly dropped the call.


Itinuloy ko ang pagmamaneho. Napadaan ako sa makipot na kalsadang napapagitnaan nang matataas na bundok na animo'y anumang oras ay may tatawid na malaking ahas. Kinilabutan ulit ako. Nagmamadaling binuhay ko ang stereo at nagpatugtog ng malakas.


I hummed to entertain myself hanggang sa wakas ay natunton ko na rin ang lugar. Nabasa ko ang arko sa taas ng kalsada na may nakasulat na 'Villa Rafael'.


I was expecting a neighborhood.


Siguro naman for the past ten years ay nadagdagan na ang mga tao dito. But to my surprise, ilang kilometro na ang natatakbo ko matapos madaanan ang arko ay wala pa rin akong nakikitang kabahayan. Puro burol at malawak na niyugang nababakuran ng alambre lamang ang natatanaw ng aking mga mata.


Wala man lamang akong mapagtanungan.


I kept driving hanggang sa may makita akong mama na kumakawit ng niyog sa gilid ng burol. Dali-dali kong itinabi ang sasakyan but I made sure to park it in the area kung saan hindi ito mababagsakan ng buko.


Nilapitan ko ang mama. "Manong pwede hong magtanong?"


The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now