TWSS 30

1.2K 59 13
                                    

Cataleya Lily Abadino

Tahimik lang akong naka sandal sa may bintana habang naka dungaw dito. I keep myself busy by staring at the scenery of the road that we're taking. Paano ba naman kasi, may katabi ako dito na hindi sa malamang dahilan ay kasama namin ngayon. Ewan ko ba bakit kasama siya at bakit gusto niya sumama.

"Jupiter iha, gutom ka na ba? May dala kaming suman, sabihin mo lang." Pag-alok ni Mom mula sa likod, katabi niya si Dad na naka-idlip na.

"Ah ayos lang po ako. Tsaka ayos lang po ba na mag stop muna tayo? Bibili lang ho ng kape." Sinilip niya ng mabilis mula sa rearview mirror bago ibalik sa daan ang tingin. "Baka may gusto po kayo kainin, wag po kayo mahiya magsabi."

"Sige lang anak, wag mo kami intindihin dito. Salamat ulit at sinamahan mo kami maghatid."

I didn't know how we ended up like this. All I know is, hinatid ako ni Jupiter sa bahay dahil marami akong dala na mga gamit. After kasi nung last episode sa couple series, I slept in her condo for one night, then kinabukasan nag impake na agad ako. Though, may iilan pa akong mga gamit na naiwan do'n ngayon. Hindi ko tuloy alam kung kukunin ko pa ba or hindi na. Nagulat na lang din ako nung paghatid niya sa'min ay saktong nasa labas ng mansion sila Mom at naghihintay ng taxi. And of course, Jupiter as a good samaritan, hinatid niya sila Mom.

"How about you, lo- Cataleya?" Mabilis na napatingin ako kay Jupiter because she almost spit something embarassing. "Want some coffee? Inaantok ka ba?"

Umiling ako. "A coffee will do." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa labas. I find the stars more interesting than talking to her. I don't know, after nung series hindi ko na alam mararamdaman ko.

"I got it. I think there's a nearby coffee shop here."

I frowned at what she said. How did she know? Ako nga hindi na maalala kung ano meron dito. Ang tagal na rin nung huling punta ko dito. I didn't know na gala pala siya?

"You've been here before?" Takang tanong ko sa kaniya.

I noticed that her back straightened. "Ah no, I just saw the GPS earlier." I slowly nodded my head. Sabagay, makikita nga naman sa GPS. "Here it is."

Sa tingin ko malapit na kami dahil medyo nagiging familiar na sa'kin ung place. Unti-unti na rin nagiging bukid ung mga nadadaanan namin. Ilang taon na ba lumipas mula nung bumalik kami dito? Medyo blurry na rin sa ala-ala ko mga memories ko dito.

After namin bumili ng coffee, umalis na kami agad dahil baka lalo kami gabihin. Buti na lang talaga at saktong weekends bukas. Hindi rin nagtagal at nakarating na kami sa farm namin, kahit papaano naman ay may konting naaalala pa ko dito at masasabi kong malaki na rin ang pinagbago. Medyo lumaki na rin ang dating kubo na tinitirhan namin, I wonder kung ano na itsura ng taniman namin ngayon.

Napalingon ako kay Jupiter nang marinig ko itong nagbuntong hininga. "You okay?"

"Yes, inaantok lang." She said before giving me a smile. "So this is where you lived before, eh?"

"Ang liit 'no? Ang layo sa mansion na tinitirhan ko ngayon. Actually, this it used to be much smaller as far as I remember." I took a peek at Jupiter at Nakita kong busy ito maglibot ng tingin sa paligid. Her eyes mirrored something I couldn't pin point. "Do you have your own farm? Wait, let me rephrase that. May hacienda ka?"

"Other than the resort? None. My parents would like to invest in business rather than farming. I mean no offense."

"I get it, don't worry." I chuckled then tapped her shoulders lightly. "Bakit parang masyado kang tense?"

That's What She Said (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon