TWSS 28

1.1K 53 7
                                    

Cataleya Lily Abadino

"Anak, gising na pala. Ang aga mo naman ata? Maaga ka ba aalis?"

Tanong ni Mom pagkababa ko ng hagdan. Yeah, it's too early. Plano ko lang sana uminom ng water then babalik na sa pagtulog. I looked at my Mom and napansin kong may hawak na agad siyang walis at basahan. Palagi na lang talaga maaga nagigising si Mom, parang hindi nauubos yung gagawin niya sa araw-araw.

"Gutom ka na ba? Sandali, ipaghahanda kita."

Paalis na sana si Mom nang tawagin ko siya.

"Mamaya na po. Iinom lang ako ng tubig." Nakayuko kong saad habang palapit sa gawi niya. "I just went down to get some water."

Hindi ko na hinintay pa kung may sasabihin si Mom, nilagpasan ko siya at dumiretso sa kitchen. I can't help it, I'm shy. As much as I want to talk to Mom, pinangungunahan ako ng hiya. I just can't suddenly talk to her na parang walang nangyari.

I sighed when I realized that I needed to say sorry first.

Paakyat na ko ng hagdan ulit nang makita ko si Mom na nagpupunas sa sala.

I coughed a little to get her attention. "Akyat na po ko ulit."

"Sige anak, mag nap ka muna. Gisingin na lang kita." Halata sa boses ni Mom ang tuwa.

"Thank you." Hindi makatingin kong saad bago nagmamadaling umakyat sa hagdan.

"That's great, Cataleya. You're doing good." I whispered to myself habang papasok ng kwarto.

It's a great start, right? I'm making progress. Hindi man gano'n kalaki, but still, progress is progress. Everything starts in baby steps. Kung nakita lang ako ni Jupiter kanina, she would be so proud of me.

I immediately lay down on my bed. Pero imbis na matulog, I took my phone to the side table. Hindi naman na ako inaantok, scratch that, nawala na antok ko. I decided na magtingin-tingin sa soc med, sakto naman na nakita ko ang post ni red.

There are our pictures and videos nung vacation namin.

I clicked at it at tinignan isa-isa, napangiti ako dahil halata sa mga pictures kung gaano kami nag-enjoy. Ang dami pang wacky pictures, ang iba puro pangti-trip pa nila sa isa't-isa. Natigil ang pag scroll ko nang madaanan ko ang picture namin ni Jupiter, it was a stolen one. We're too close to each other while looking at something in her camera. Based sa suot namin, ito ata yung nag island hopping kami.

"Even in this kind of picture, she's still so gorgeous." I blurted out suddenly na kinagulat ko in an instant. What surprises me more is because na-zoom in ko na pala sa mukha niya ng hindi ko namamalayan. Tinigil ko na ang pagtingin ng pictures at in-exit na rin ang app. "Crazy, of course ako katabi niya kaya siya maganda." I rolled my eyes bago tinaob sa kama ang phone ko.

Nakatingin lang ako sa kisame habang pinapakiramdam ang sarili. I have this strange feeling while looking at our picture. I couldn't quite place my finger on it, it was like an enigmatic puzzle had been laid in front of me. Weird, kabag lang siguro 'to.

I was startled nang makarinig ng katok mula sa pinto.

"Nak? Gising na at baka ma-late ka."

That's What She Said (GxG)Where stories live. Discover now