TWSS 26

1.1K 57 13
                                    

Cataleya Lily Abadino

"Wala na bang naiwan?!"

Busy silang lahat sa pagsakay ng mga gamit sa bangka, maliliit lang na bangka ang sasakyan namin kaya mahahati kami sa grupo. Habang ako ay busy sa pag-aayos ng mga dadalhin na gamit namin ni Jupiter. Camera lang naman ni Jupiter 'to tsaka mga goggles at lotion na gagamitin namin.We're going to do island hopping and snorkelling later. Medyo kinakabahan nga ako dahil I have never been underwater, and I'm also afraid of the creatures below the sea.

I wonder kung ilang island ang pupuntahan namin.

"Red! Yung ihawan nandiyan na?!"

"Oo!"

"Siguraduhin mo kung hindi ikaw iihawin ko mamaya!" Pagbabanta ni Naza.

Napalingon ako sa kanila dahil halata sa mga boses nila ang excitement. Well, sino bang hindi? Kahit ako rin naman excited. Hindi lang dahil sa pupuntahan o gagawin, nakaka-excite dahil sila ang makakasama ko. I'm looking forward sa mga mabubuo naming memories together.

"Naka ngiti ka diyan? Excited?" Jupiter came out of nowhere. She was holding two vests.

"Yup. Next time, let's do this with my squad."

Nilapag niya ang life vest sa mesa. "Okay, let's do that. But for now, wear this."

I was startled when she suddenly drew closer to me. She put the life vest on me, but I'm not sure if it's just me who is too influenced by our closeness or if she's just taking too long. While I let her do it, I was only gazing down. Later, she yanked out her life jacket, forcing me to get close to her.

"Is it too tight?" She asked.

Inangat ko tingin sa kaniya. Nahigit ko ang hininga ko nang mapansin kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't-isa.

"Sikipan ko pa ba?"

I pushed her lightly. "No, it's fine." I coughed a little while I distanced myself from her. "Thank you."

"Sure? Okay na ba 'tong mga gamit? Isasakay ko na sa bangka." I nodded. "Okay, stay right here. I'll be back."

"Wait, yung life vest mo."

"That's why babalik ako." She smiled before she grabbed our bag and went to the boat.

I sat as I watched her walk to the boat. Shana came to my side, nakasukbit ang bag niya sa right shoulder niya.

"Titig na titig ah?" Pang-aasar ni Shana.

I jokingly rolled my eyes. "Silang lahat tinitignan ko."

"Wala naman akong sinasabing sa iisang tao lang." She smiled playfully as she took a seat next to me. "Napaghahalataan na masyadong in love."

I shrugged my shoulders as a response. I still can't believe na paniwalang-paniwala talaga sila sa'min ni Jupiter. Are we that good? Sabagay, kung iisipin parang mag girlfriend talaga ang turingan namin sa isa't-isa. Minus the patagong asaran at bangayan.

Maya-maya pa ay umalis na si Shana nang mapansin niyang pabalik na si Jupiter dito sa pwesto ko. Nang-asar pa nga siya, dapat ko na talaga sanayin ang sarili ko sa mga pa ganiyan nila.

"Let's go?"

I took her vest na nasa gilid ko lang. "Wear this first. Sa lahat ng makakalimutan mo eto pa."

That's What She Said (GxG)Where stories live. Discover now