TWSS 9

1.2K 63 13
                                    

Cataleya Lily Abadino

Naka dapa ako ngayon sa kama ko while watching a movie on my laptop. My whole body is aching! Ilang araw na kami sunod-sunod ang practice para sa paghahanda namin sa mga darating na event for intrams. I'm not complaining, nakakapagod lang talaga.

Naputol ang panonood ko when I heard my Mom knocking on my door.

"Nak, mag-ayos ka na dahil kakain na tayo ng dinner maya-maya."

And?

I still can't bring myself to eat with her. Ilang araw na kami hindi nagsasabay kumain, hindi pa ba siya sanay? Halos hindi na nga kami magkasalubong dito sa bahay dahil ayaw ko siyang makita. Bahala siya diyan maghintay.

Wala naman na ko narinig mula sa kaniya kaya bumalik na ko sa panonood. Late na ko magdi-dinner para sure na wala na siya sa baba. I'm still mad at her because of the last time. I don't know kung kailan ko ulit kakausapin si Mom, all I know is I'm not yet ready. Hindi lang dahil sa pagsampal niya. Masama pa rin talaga ang loob ko because of everything. Nakikita ko pa lang yung buhay ko, naiinis na ko.

"Nak? Lumabas ka na diyan. Kakain na." Muling katok ni Mom sa pinto ko.

Hindi ko ulit pinansin ang pagkatok niya sa pinto ko at nag-focus na lang sa pinapanood. Pero kahit anong focus ko ay nauurat ako sa paulit-ulit niya na pagkatok.

"Nak! Tulog ka na ba? Gumising ka muna." Mas pinalakas pa ni Mom ang boses niya.

God! Bakit ba ayaw ni Mom tumigil? Nung mga nakaraang araw naman hindi niya ko pinipilit. Ba't biglang nagbago ang ihip ng hangin? I rolled my eyes because it's too irritating already. Akala siguro ni Mom kapag pinilit niya, mapapapayag niya ko.

"Baka po tulog na talaga? Bukod kasi sa studies niya, busy din siya mag practice sa cheerdance."

Napabangon ako bigla nang marinig ko ang boses niya.

"Ay gano'n ba? Sige tayo na lang kumain. Kwentuhan mo na lang din ako ng mga ganap sa school ng anak ko." Bakas sa boses ni Mom na excited siya makarinig ng kwento.

Bigla naman tumawa ang isa. Take note, hindi lang basta tawa. Tunog evil spirit siya. "Sure nay, marami ka pong dapat malaman sa anak niyo."

And with that, I can feel my blood draining from my face. I can't leave them alone! I'm powerless to let them be. Who knows what that bitch will tell my Mom? I sprang out of bed and rushed directly to the door. They were already on the stairs when I opened it. I purposefully shut my door loudly to grab their attention, and it succeeded because they both glanced back.

"Ano ulam?" I asked nonchalantly. Lumapit ako sa gawi nila but they are still standing on the stairs. "Wala kayong balak bumaba?"

"Ah sensya anak. Akala ko kasi tulog ka na. Mauna na ako para ayusin ko na agad ang mga ulam." Nagmamadali na bumaba si Mom sa hagdan, habang ang isa dito ay amuse lang na nakatingin sa'kin.

I raised my right eyebrow at her. "What?"

"Are you going to eat dinner with your nighties?" She smirked "With no bra? Laki ah?" Bumaba ang tingin nito. "Teddy bear?" Saad niya bago tumawa na pang-asar.

Nanlaki ang mata ko sa narinig at tinignan ang sarili ko.

Shit! Wala nga pala akong bra! And my underwear is full of bears!

Agad kong tinakpan gamit ang mga kamay ko ang dibdib ko. "Pervert! Bakit? Nagba-bra ka ba sa bahay niyo? It's too uncomfy kaya."

"Hindi rin, pero hindi ako nagsusuot ng panty na may teddy bear." Muli na naman siyang natawa. "Baby Catley."

That's What She Said (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon