TWSS 2

2.1K 69 6
                                    

Cataleya Lily Abadino

Hinila ko ang kumot to cover my face. I'm still sleepy pa, I don't want to wake up yet. But someone is disturbing my peaceful sleep. Paulit ulit pinapalo ang binti ko. I tried to ignore it, kaso sobrang kulit talaga.

"Inaantok pa ko! Five more minutes please."

"Anong five more minutes ka diyan! Male-late ka na anak. Bumangon ka na diyan."

Sumilip ako mula sa ilalim ng kumot. It's my Mom. "Ma, please? Five more minutes."

"Pangatlong five mo na 'yan." Really?! "Dali na bumangon ka na." Inalis niya ang kumot na nakatabing sa'kin.

"Fine, I'll just do my morning rituals."

"Oh sige, bilisan mo ha. Mauna ka na kumain at maglilinis pa ko ng CR."

Lumabas na si Mom ng kwarto, habang ako ay dumiretso na sa CR to do my morning rituals. I took a good look at myself in the mirror. Nilapit ko ang mukha ko nang mapansin na may eyebags ako. Fuck! Kasalanan 'to nila Shana, pinuyat nila ako kagabi! Hindi kasi makapag hintay yung chika nila, pwede naman later sa class.

Napailing na lang ako at tinuloy na ang paghilamos ng mukha ko. While I'm wiping my face with my towel, napansin ko na paubos na ang mga ginagamit ko for my skin care. I'll buy na lang kapag nagkaroon ako ng free time. Papasama ako kanila Shana sa mall.

Nang matapos ako sa mga dapat kong gawin sa sarili ko, dumiretso na agad ako pababa para kumain. Pagbaba ko ng hagdan napansin ko agad ang isa sa mga paborito kong figurine dito sa bahay. It's an Eiffel tower made of glass. It's so beautiful! Lumapit ako dito at hinawakan. Soon, I'll see you in person.

"Nak! Jusko ka! Bitawan mo nga 'yan." Nabigla ako nang biglang sumulpot si Mom mula sa likod ko. Maingat niyang kinuha sa kamay ko ang figurine. "Hindi ba ang sabi ko sayo wag mo hahawakan 'to? Paano kung mabasag mo?"

"Ma naman! Tinitignan ko lang." I crossed my arms on my chest. Hindi ko naman babasagin. Masyadong OA OA si Mom.

"Mahal 'to, nak. Nag-iingat lang ako. Pwede mo naman tignan nang hindi hinahawakan." Binalik niya na ito sa pwesto. "Limited edition pa 'yan."

"Fine. Hindi na. Where's my breakfast? Hindi ka po sasabay?" I asked while I made my way to the kitchen.

Nakasunod naman si Mom sa likod ko. "Hindi pa ko tapos maglinis ng CR. May kinuha lang ako sa likod. Sige na mauna ka na at baka ma-late ka pa."

Iniwan na ulit ako ni Mom. Well, it's always like this. We barely eat together at breakfast. Masyado kasing masipag si Mom. She could just clean it later and eat with her daughter, but she picked that over me. Malapit ko nang isipin na she doesn't want to spend time with me. I just can't understand why we can't eat together. Marami naman siyang oras for that.

I ate my breakfast quietly. Everything has already been put on the table. Mom had also already prepared my hot milk. Masarap magluto si Mom pero masaya sana kung sabay namin kinakain. I sighed, I had never gotten used to it. Even Dad is not always home, busy siya masyado sa work. He barely came home. Kapag umuuwi naman siya, madalang kaming magkita.

"Bye Ma! I gotta go!" Paalam ko bago lumabas ng mansion.

Saktong paglabas ko ng gate ay siyang pagdating ng kotseng maghahatid sa'kin sa school. Thankfully, wala akong nadatnan na traffic sa daan kaya mabilis akong nakarating. Nang makaparada ito sa tapat ng school gate ay bumaba agad ako.

That's What She Said (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon