TWSS 3

1.7K 67 9
                                    

Cataleya Lily Abadino

I'm watching them as they practice the dance routine. We had already begun adopting the new dance. Naituro ko na ang first 30 secs ng song kaya eto tinitignan ko kung nakuha na ba nila before proceeding to the next. Bantay ko ang bawat galaw nila para habang mas maaga maitama, before their bodies can form the unfit habit.

"Naza! Straight your hand! Hindi pantay sa iba. Masydong mababa sayo!"

"Yes captain!" I pointed at Naza and checked her line after niyang ayusin ito. Tumango ako nang maitama niya agad ang posture ng kamay niya.

So far naman mabilis nilang makuha kaya hindi kami gano'n natagalan at nahirapan sa bagong step. But for sure mahihirapan kami sa mga stunt.

"Okay break!" Sigaw ko tsaka pinatay ang music.

I heard them sigh with relief and witnessed some of them collapse on the grass dala ng pagod. Pinandilatan ko na agad sila ng mata bago pa nila simulan magreklamo.

"Grabe ka talaga, captain. Masiyado mo na kaming pinapagod." ​Reklamo ng isang guy sa squad. He's one of the large guys who's throwing us up in the air.

"Kesa naman magkalat tayo sa oras ng performance." Kinuha ko ang Gatorade sa bag ko tsaka uminom.

​Damn, feels good. Thank goodness it's not too hot today para pa ngang uulan dahil medyo madilim ang langit. Shana sat beside me, inabot ko sa kaniya ang Gatorade na iniinom ko nang matapos ako na agad naman niyang tinanggap.

"Hala!" Sigaw ng isa sa mga ka cheer namin.

We panicked as the rain began to fall unexpectedly. Kaniya-kaniyang dampot kami ng mga gamit namin. Hindi ko na rin nagawang ipasok ang towel ko sa bag. Because the raindrops were so heavy, I could feel my body getting wet.

"Let's go sa gym!" Sigaw ko. "Fuck!" Sabay naman kami napamura ni Shana habang tumatakbo sa gym.

Nakaka-inis naman! Napaka-wrong timing naman ng ulan. I hate getting wet pa naman. Gano'n na lang ang pag-ikot ng mata ko dahil saktong pagpasok ko sa gym ang captain ng volleyball ang bumungad sa'kin.

She turned to face me while bending down. She was just picking up the ball when I caught her sight. Wala na bang isasama pa sa araw na 'to? Pansin ko lang, lagi na lang nasisira ang araw ko dahil sa kaniya.

Sabay pa kaming napairap nang tuluyan na siyang makatayo and she flipped her hair bago ako talikuran upang pumunta sa mid court.

I'm pretty sure it would be satisfying to choke her! Yung tipong pang gigigilan ko ang leeg niya hanggang hindi na siya makahinga! Siya na ata pinaka mayabang na nakilala ko.

"Mamaya mo na 'yan patayin sa tingin, maupo muna tayo. It's tiring to just stand here, my bestfriend Catley." She wrapped her arm over me and drew me to the nearest bench.

Nginitian ko naman ang ibang varsity player na nakaupo dito. Friendly naman sila maliban lang talaga sa captain nila. I don't mind their presence, except for her. Siya lang ang namumukod tanging inaayawan kong makasama sa iisang lugar.

Prenteng umupo ako tsaka inilagay sa gilid ang bag at pinatong ang towel ko dito. I grabbed my pouch from my duffel bag and checked my face to see whether it needed to be retouched. Napa-smile naman ako dahil maayos pa rin ang itsura ko, ​I don't look haggard. Binalik ko ang mirror sa bag when I'm satisfied with my look.

That's What She Said (GxG)Where stories live. Discover now