TWSS 18

1.3K 70 11
                                    

Cataleya Lily Abadino

Hindi pa man ako nakakapasok sa gym rinig ko na ang hiyawan na naggagaling do'n. Nagmadali ako lalo at baka hindi ko na maabutan ang first set. I excused myself sa mga taong nakaharang. Hindi naman ako nahirapan dahil kilala nila ako. Perks of being popular.

Unang hinanap ng mata ko ang scoreboard and good thing first set pa lang. 15 and 19 in favor of Ashton U, of course. Kinawayan naman ako ng ibang ka-team niya na nasa bench at tinuro nila ang first row and they mouthed na do'n ako maupo.

When I took my seat, I turned to face Jupiter, who was occupied with watching for the ball to be served. She had incredible concentration. Actually lahat sila. First game pa lang masiyado na silang seryoso. Halatang pride talaga sila ng school. Kahit sino ang kalaban they're giving their best. Unlike kanina nakakaramdam ako ng boredom pero ngayon kulang na lang palitan ko sila sa gitna at ako na papalo ng bola sa sobrang intense ng laban nila. Kahit papaano pala magaling din yung nakalaban nila tho halata pa rin na mas lamang ang Ashton.

"Love!" Sigaw ko nang matapos ang set nila, but I guess she couldn't hear me dahil na rin sa lakas ng mga hiyawan. Pero maya-maya lang tumingin siya sa gawi ko. Maybe her teammates told her that I was here.

​Ang kaninang seryoso niyang mukha napalitan ng ngiti at kumaway. I gave her two thumbs up, telling her that she was doing a good job. Mukha naman nakuha niya dahil kumindat ito.

Surprisingly, the game went off without a hitch. Because of Jupiter, the second and third sets ended early. Panay ang score niya. She made a point on every set the setter handed her.

"Grabe si Captain, iba pala talaga pagnanonood ang love of her life. Walang palya oh." Rinig kong pang-aasar sa kaniya nang lumapit ako. "Yan na ang love mo."

She turned to face me, and I greeted her with a hug. "Nice game, Captain." Mahinang bulong ko.

"Thanks." Bahagyang humiwalay ako sa kaniya at ngiting-ngiting mukha niya ang bumungad sa'kin. "I thought you wouldn't make it."

"Of course I'll be here. Papanoorin ko ang every game mo." I pinched her cheeks. "Mahirap na." Pahabol ko.

"Right." She said. Nagtaka naman ako dahil magbago bigla ang mood niya.

"I bet you are tired. Magpahinga ka na lang maaga mamaya." I said to her and motioned for her to turn away from me. Kinuha ko ang towel sa bag ko at pinunasan ang likod niya. I even placed a fresh cloth on her back.

"Do you want to stay here late or want to go home?" She drank the gatorade that I had in my hand. And she drank it without a second thought.

Ang kapal talaga hindi man lang nagpaalam.

Naiiling na hinayaan na lang ito tsaka sumunod sa kaniya. I waited for them to wrap up talking and congratulating one another sa tabi niya. Panay lang naman ang ngiti ko pag napapatingin sila sa'kin. Alangan naman na sumabat ako. Anong alam ko.

"Maybe just go home? We are both tired, yeah?"

"Yeah I guess." Pagsang-ayon niya.

I'm completely exhausted. Even though it's only the first day, I'm already drained. Buti na lang bukas hindi kami magpe-perform. I'm just a normal student tomorrow, walking around. Hindi ko na kailangan magtiis sa basketball para maghintay sa half time. 

That's What She Said (GxG)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu