TWSS 12

1.2K 59 5
                                    

Cataleya Lily Abadino

Simula ng nai-post sa Vlogger club ang about sa'min mas dumoble ang mga tumitingin sa'kin. Not all the stares are bad though. May mga sumusoporta sa'min. I never imagined that I would be linked with Jupiter. Nakakagulat na may mga shipper din na naglabasan, kaya nakakatuwa.

"Captain dapat sinabi mo na rainbow ka pala eh 'di sana ikaw na lang niligawan ko." Sabi ng baliko namin ka-cheer na si Dianne. "Eh 'di sana hindi ako broken ngayon!" Kunwaring naiiyak pa niyang saad. "Lintik na pag-ibig! Nalingat lang ako pinagpalit agad ako!"

Ang kwento niya kasi sa'min, 1yr and 4months na daw sila but then biglang lumipat ng tirahan ang gf niya kaya nauwi sila sa LDR. 2months pa lang silang LDR tapos bigla na lang niyang malalaman na may boyfriend na ang ex niya habang sila kaya ending nauwi sa hiwalayan. Poor Dianne, dinadaan na lang sa tawa kahit nasasaktan.

I can't with the cheater. What's wrong with letting your partner know that you no longer love them? You must make a decision! You can't have both of them. It's not an excuse na mahal mo pa rin yung partner mo kaya hindi mo maiwan at mas pinili na lang na mag-cheat. The hell! Kung mahal mo tell them the truth, as respect man lang. Hindi yung kunwari ayaw mong masaktan pero sa ginagawa nila mas lalo lang nagkakatrauma ang mga niloloko. ​Kaya marami ng takot sumugal sa love na 'yan. It's all bullshit. I mean the people are.

"Catley! Pahinga na tayo!" Reklamo ni Naza na pawis na pawis na. "Nahihilo na ako kakahagis nila sa'kin." I shook my head dahil nagpaawa pa talaga siya.

"Fine!" Naghiyawan naman sila nang patayin ko ang music. I playfully roll my eyes at them. Mga tamad talaga pagdating sa practice.

I stuff my towel and energy drink into my duffle bag and slinging it over my shoulder. Hinihintay ko matapos sila Shana na mag-ayos nang magsalita si Dianne.

"Saan na kayo niyan?"

Some of my cheers answered her by going home ang iba naman pupunta sa kung saan-saan. Nalipat sa'kin ang tingin ni Dianne at tinuro ako.

"No need na Captain. Alam ko naman di-diretso ka sa Captain ng puso mo." Naghiyawan naman ang iba, samantalang ako na-cringe-han sa sinabi niya.

Like duh! Ano pinagsasabi niya!? Nakakakilabot!

Dahil sa sinabi niya kinailangan ko tuloy do'n dumiretso. Wala sana akong balak dahil pagod na ako pero ugh! Nakakainis! Kailangan namin maging tunay na couple sa harap nila.

"Let's go?" I turned my head to my bestfriend Shana na naghihintay sa'kin. "Sa bahay ko ba?"

"I can't. I have to go to my girlfriend." Muntik na akong masuka sa huli kong sinabi. My gosh lalagnatin ata ako sa mga pinaggagawa namin.

"Sige Captain! Ako na bahala kay Shana my one and only. Mag bebe time muna kayo ni Captain Ashtyn." Sumingit si Naza at umakbay kay Shana. "Mag bebe time din kami—ouch naman!" Shana rolled her eyes after niyang sikuhin ang katabi.

"Bawi ako." I kissed both of their cheeks before saying my goodbyes.

Busangot na nagpunta ako sa gym kung saan nagpa-practice ang volleyball. I don't care kung marami nakatingin at ganito ang expression ko. They know I'm tired, sila na mag-adjust.

"Captain! Nandiyan na bebe mo!" Bungad ng isang ka-team niya pagpasok ko sa gym kaya ang iba ay napatingin sa'kin.

After she spiked the ball, she turned to face me and pointed to the bench across from where her teammates were sitting. Hindi pa man ako tuluyan nakakalapit nang batiin ako ng iba. I greeted them back with a smile. I'm okay with her teammates, I don't have a problem with them. Sa isa lang talaga ako may problema.

That's What She Said (GxG)Where stories live. Discover now