TWSS 16

1.3K 72 7
                                    

Cataleya Lily Abadino

Palabas na kami ng gate nang mapansin namin si Venila kasama ang iba niyang kasama sa Vlogger's club, naka-abang sila sa gate at halatang hinihintay kami. As usual, dala-dala nila ang mga camera nila. God! Nakakapagod na nga ang araw na 'to sa daming nangyari tapos eto pa sasalubong sa'kin pag-uwi.

"Here they are again. Akala ko pa naman makakapagpahinga na tayo." Reklamo ko as we get closer to them. "I don't have the energy to put on a fake smile right now."

"Just don't let them notice that you're unhappy to see them." Sagot ni Jupiter habang nakatingin sa kanila. "Let me do the talking."

Pansin ko lang, kanina pa mabait sa'kin si Jupiter. Kanina pa siya nagsho-show ng care sa'kin. Masyado naman ata niya ginagalingan? O baka naman may kasalanan 'to o may hihingin mamaya pag-uwi? Knowing her, hindi na ko magtataka kung may kapalit 'to lahat later.

When we came close to them, I grinned without thinking. Likewise, when Venila spotted us, she smiled broadly and appeared genuinely happy.

"Hi rainbow couple!" She waved her hand at us. "Ready na ba kayo? Tara na sa home sweet home niyo?" Taas baba ang kilay niya habang may mapaglarong ngiti.

"Are you already filming right now?" Tanong ni Jupiter, tukoy niya sa mga camera na nakatutok sa'min.

Umiling si Venila. "Not yet. They are just taking pictures of both of you. For documentation purposes. Masanay na kayo because everyday na may ganiyan." She smiled sweetly at us. "Wag kayo mag-alala, you won't notice it. Patago kami magpi-picture at mag-video sa inyo. Tho may mga times na syempre need namin lumapit."

I internally rolled my eyes. Everyday? Seriously? Bakit ba kasi naimbento yung club nila? Wala naman ambag sa school kung hindi chismis lang. At isa pa, hindi ba siya napapagod sa kakangiti? Wala naman nakakatuwa sa sinasabi niya.

And what did she say? Patago nila kami kukuhanan? So that means, need namin maging maingat lalo. Consistent dapat kami sa mga kilos at galaw namin dahil kung hindi, mahuhuli kaming dalawa.

"What about our car? Lalagyan din ba ng cam?" Jupiter asked again. Nice question, buti naisip niya itanong.

"Hindi na, as I said before, bibigyan pa rin namin kayo ng privacy. So no worries, hindi sa lahat ng oras may camera na nakatutok."

"I see. Let's go, sunod na lang kayo sa'min ni Cataleya." Jupiter gave them a small smile bago ako hilain papunta sa kotse niya.

Venila clapped her hands. "Kunin niyo na yung van dali!"

Every step seemed heavier, as if the ground beneath me had turned into quicksand, making each movement a heavy struggle. Parang ayoko na umuwi sa condo ni Jupiter, dahil once na nandoon na kami, start na ng nightmare ko about couple series.

"Okay na ba lahat? Naisakay niyo na lahat ng equipment? Sure kayong wala ng naiwan ah? Okay, move move move!" Rinig kong aligaga na saad ni Venila sa likuran namin.

I can't deny, I really feel nervous right now. Just thinking about there will be cameras that are focus on me everyday, is enough to trigger my anxiety. What if, because of this couple series thingy, they find out my secret?

"Cataleya." Napatingin ako kay Jupiter, naka kunot ang noo nito. "Ano pang hinihintay mo?" Mahina niyang saad, sapat lang na kami lang makakarinig.

Napatingin ako sa harapan at napansin na nakarating na pala kami sa kotse niya, napagbuksan na rin niya ako ng pinto. I shook my head to try to shake off my negative thoughts.

"Sandali lang kasi. Excited?" Pagtataray ko para itago ang kaba ko.

Pagkapasok ko ay hinihintay ko na isara niya ang pinto, ngunit yumuko siya para ikabit ang seatbelt ko. After that, she faced me.

That's What She Said (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon