Virgin no. 28 (LAME chapter -__-)

Comenzar desde el principio
                                    

Tinikman ko yung SOUP na niluluto ko..

At pramis.. Wala talaga akong tiwala sa luto ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang unang nilalagay!

Kasi ba naman itong si Mint eh! Wala man lang instant sa mga Ref niya, kaya nung nakakita ako ng Patatas, yun na lang ginawa kong Soup, kaso.. may Potatas Soup ba?

Teka, usapang SOUP ba ito?

Kinuha ko yung sandok at tinikman yung niluluto ko na naging BROWN na.

Lasa, Lasa.. Hmm.. Pwede na, kahit mukhang di nakakaayang tingnan yung gawa ko..

"Polly.."

Kanina pa ako muntik-muntikang magulat dito! Kasi ba naman kanina pa siya nandito sa kusina. Tapos kanina pa niya sinasabi yung pangalan ko..

Humarap ako dito, habang nakapamewang at may hawak na sandok. Muntik pa akong matawa sa sitwasyon niya.

Yung ulo niya nakapatong sa dinner table, ang pula-pula ng Cheeks niya, at kung mas mapula pa yung Lips niya pag walang sakit, mas mas mas mapula ngayon!

"Sa kwarto ka na kasi magpahinga.."

"Ayoko. Tapos mas maganda pa ang View dito." At ang hayop! Tiningnan yung katawan ko na para akong tatalupan ng Buhay!

"Heh!" Tumalikod ako at hinalo ko muna yung soup dahil naginit ako bigla. "Doon ka na, ihaha---- MINT!"

Namalayan ko na lang na niyakap ako nito mula sa likuran.. tyaka pinatong yung ulo sa balikat ko.

"I Love You."


Bigla kong napatay yung niluluto ko! Ano raw??

I LOVE YOU?!

Paking TAPE!

"A-ano ba---"

"Joke lang."

PUSANG TINAPA! JOKE LANG?!

Teka, bakit parang nadismaya ako? bakit parang nanlumo ako? at bakit parang NAGAGALIT ako ng sinabi niyang "I LOVE YOU... Joke lang!"

"Umalis ka nga diyan!" Para akong kiti-kiting di makaalis pagkakayakap niya. "Ipapalo ko na talaga itong hawak kong sandok."

"Huwag.. Ang sakit ng ulo ko."

Sa bawat salita nito, nararamdaman ko yung mainit niyang hininga sa leeg ko..

The Virgin WriterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora