Nagtinginan kami ni Tan para tanungin sa pamamagitan ng tingin ko ang ibig n'yang sabihin.



Ngumiti naman s'ya bago ngumuso. Parang may napagtanto.




“Ikaw. Kabilang ka doon sa dalawa. Kaya tatlo kayo sa last project mo.”





Naunawaan ko agad ang ibig sabihin n'ya. Napaayos ako ng tayo.




Tagal kong inisip kung bakit Project Fifty. Eh forty nine lang naman ang nasa record. Ikaw pala yung pang-50. Ang slow ko naman.” Tatawa tawa n'yang sabi at nailing.
Ano ng gagawin mo pagkatapos?”





Hindi ako sumagot.Sa halip, tumingin ako sa malayo.





Tatapusin mo lang? Tatanggihan mo ba ang offer ni Ms. Coreen?”


Oo. Tatapusin ko kung ano lang ang sinimulan ko. Isa pa, hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapagtago.”




Gaano ko man patunuging casual ang boses ay nauwi pa rin yun sa tono na may kaunting pagaalala.


“Pero malaki ang matutulong sa'yo ni Ms. Coreen. Posible talaga na hindi ka mahanap at makuha ulit ng mga taong yun. You know her capabilities and ways. Mapoprotektahan ka n'ya.” Nasa boses n'ya ang mainam na pangungumbinsi.




“Okay lang ako, Tan. Nakahanda ako.”




Bumaling ako sa kanya ng may ngiti sa labi. Alam kong nakikita n'ya yun sa mga mata ko. Pero kahit gaano ko man ipakita na ganoon, hindi pa rin maitatago sa kunot ng kanyang noo ang pagaalala tungkol sa'kin.



Siguro isang araw, masasabi ko sa kanya kung gaano ako kasaya na isa s'ya sa naging totoong kaibigan ko. Akala ko noon, si Ellie lang ang maituturing kong kaibigan sa buong buhay ko. Hindi ko man sabihin ng direkta, paulit ulitin ko mang sabihin na hindi ako nagtitiwala sa kanya, hindi ko maipagkakaila at maitatago na pinagkakatiwalaan ko naman talaga s'ya. In denial lang talaga ako.



“Sa tingin mo, anong gagawin ni Ms. Coreen kapag nagawa mo yung panghuli? May kinalaman pa rin sa kanya 'yun kahit papaano.”



“Alam ko. Binalaan naman n'ya ako noon.” I simply replied.


Hindi ko na ipinaliwanag pa ang mga rason o posibleng gawin pa ni Ms. Coreen. Ang mahalaga sa'kin, matapos ko na.





“Hindi ko alam kung mataas ba talaga ang IQ mo eh. Mukha naman kasing hindi mo ginagamit.”




Natawa ako ng bahagya dahil sa frustration n'ya sa kanyang mukha ang boses. Paulit ulit n'ya talagang dinidiin ang tungkol doon sa'kin. Hindi n'ya talaga matanggap.




“Pero mas kinakabahan ako dito sa 47 mo eh.”




Inangat n'ya ang ipad na kapit. Nagtaas baba ang kanyang daliri doon at mainam na nagbabasa. Saka s'ya umiling.



ELITESWhere stories live. Discover now