Chapter 57

39.2K 1.6K 170
                                    

Fast




Para akong nakalutang sa ere habang nasisilaw sa flash mula sa mga camera sa harapan namin. Pinilit kong ngumiti kagaya ng ginagawa ni August. Panay din ang tawag ni Vera sa akin, at ilang mga kumukuha ng litrato para tumingin ako sa kanila.

Hindi ko alam kung anong magiging itsura ko sa mga 'yon, para pa din kasi akong nakalutang sa ere. Hindi pa din nagsi-sink in sa akin ang mga nangyari, hindi pa din nagsi-sink in sa akin ang ginawa ni August.

Nanatili ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko. Hindi na niya ako hinayaan pang malayo sa kanya matapos kong ibigay sa kanya ang matamis kong Oo. Karga pa din niya ang anak namin sa kabila niyang braso, kagaya niya ay parang handa din itong tumingin sa camera. Panay ang tawa, mukhang na-aaliw sa mga tao at sa mga flash na nakikita.

"Hey...ayos ka lang?" nakangiting tanong ni August sa akin.

Mas lalo niya akong hinapit para mapalapit sa kanya. Wala sa sarili akong tumango at tumingin sa harapan para ngumiti kasama sila.

"Mr. and Mrs. Escuel...dito," tawag ng isa para doon kami tumingin sa kanila.

Ginawa namin 'yon ni August. Ngayon mas ramdam ko na, ngayon mas nags-sink in na sa akin kung ano ba talaga 'tong mga nangyayari.

Tsaka lang ako nakasabay, inayos ko na ang ngiti ko para naman hindi ako magsisi sa huli kung sakaling lumabas ang mga litrato. Sigurado kasing kung saan saan ko 'yon makikita pagkatapos nito.

"Anak..." nakangiting tawag ni Nanay sa akin.

Kaagad niya akong sinalubong ng yakap matapos sabihin sa amin na sapat na ang mga litratong nakuha nila.

Sandali silang nilapitan ni August para kausapin, kaya naman dumiretso kaagad kami ni Verity kina Nanay na kanina pa naghihintay na matapos kami.

"Sobrang saya ko para sa 'yo..." emosyonal na sabi niya.

Dahil sa itsura niya at sa pagiging emosyonal ay kaagad din naman niya akong nahawa. Inilahad niya ang kanyang kamay tanda na gusto niyang makita ang sing sing na nasa daliri ko.

Matamis akong ngumiti, parehong bumaba ang tingin namin ni Nanay doon. Marahan niyang hinaplos ang kamay ko, bago niya pinasadahan ng haplos ang daliri ko kung nasaan ang sing sing.

"Ang ganda. Magaling talagang pumili ang batang 'yon," nakangiting sabi ni Nanay tukoy kay August.

"Kaya po pinili niya ako?" nakangising tanong ko kay Nanay.

Pareho kaming natawa na dalawa, hanggang sa lumipat ang paghaplos niya sa ulo ko. Tahimik lang si Verity na nakatingin at nakikinig sa amin. Nakatingin din siya sa sing sing na bigay ng Daddy niya kagaya namin ni Nanay.

Kung kumilos minsan ang baby ko ay para bang nakaka-intindi na talaga siya ng mga bagay bagay. Malakas ang pakiramdam ko na namana niya 'yon sa Daddy niya. Dati pa lang naman ay nakikitaan na ng lahat si August ng pagiging responsible, at maalam sa batang edad.

Kaya naman noon pa man ay hindi na lingid sa lahat na siya ang paborito ng Lolo nila. Hindi kaso kagaya ni Julio na masyadong tahimik, mysteryoso at hindi nagpapakita ng kahit anong interest sa mga bagay na hindi naman talaga niya gusto.

Kay Vera lang ata 'yon nagsimulang magpakita ng interest niya.

"Kuya..." Tawag ni Julio sa kanya tanda na kailangan na naming pumunta sa may conference room.

Kaagad na nagpaalam si August sa kausap niya, nilingon niya ako at tinanguan. Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka kami sabay sabay na lumabas sa kwarto na 'yon para pumunta sa conference room.

Nights of August (Sequel # 5)Where stories live. Discover now