Chapter 26

37K 1.8K 1.1K
                                    

Vesper 2.0








Lahat ng bigat na nararamdaman ko ay unti-unting nawala dahil sa sinabi ni Damien. Para bang mula sa pagkakalugmok ay unti-unti akong nagkaroon ng pag-asa. Nakaka-gaan ng loob ang mga salitang sinabi niya sa akin. Na para bang sa mga panahong pakiramdam ko ay wala ng pag-asa...may dumating para tulungan kami.

"Magiging ayos lang ang baby ko, di ba?" tanong ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin. Mula kay Verity ay nilingon niya ako.

"Ayos lang siya, Vesper. Kailangan lang talaga niyang mag-stay muna sa incubator...pero ayos lang siya. Wag kang mag-alala. Ikaw naman ang magkakasakit niyan," puna niya sa akin.

Muli akong napabuntong hininga dahil sa sinabi niya. Ang kailangan ko lang talaga ay kasiguraduhan na maayos ang baby ko. Pag nasigurado kong walang problema ay nagkakaroon ako ng lakas ng loob.

Na-ikwento ko din kay Damien ang tungkol sa babaeng nag-aalok ng pera kapalit ng baby ko. Para daw hindi na ako mag-alala at wala na itong mabiktima pang iba ay sinigurado niyang hindi na muli pang makakapasok ang babaeng 'yon dito sa hospital.

"Ang ganda niya...kamukha mo," sabi ni Damien kaya naman ngumiti ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.

Kinamusta niya ako, kung anong mga nangyari sa amin simula ng umalis kami sa lugar na 'yon. Ikinwento ko sa kanya kung paano ako nagsimula ng bagong buhay para sa amin ng baby ko dito sa Manila.

"Sigurado akong hindi naging madali..." marahang sabi niya habang sinasabi ko ang lahat.

Tipid lang akong napangiti. Totoo naman, hindi naging madali, pero masasabi kong dahil sa hirap ng mga pinagdaanan ko dito ay naging matapang at matatag ako para sa amin ng baby ko.

Hindi nawala si Damien sa tabi namin ni Verity, kahit pa may trabaho siya ay hindi naging hadlang 'yon para mawalan siya ng oras sa amin. Nahihiya nan ga ako minsan, halos si Verity na lang kasi ang tinitingnan niya, para bang ang focus niya ay nasa kay Veirty na lang.

"Ang gwapo! G mo na 'yan," sabi ni Melanie nang makilala niya si Damien.

Kumunot ang noo ko. "Anong G?"

Inirapan niya ako bago siya natawa.

"Go mo na! Sagutin mo na," sabi niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

"Ano ka ba! Kaibigan ko lang si Damien. Hindi kagaya niyang iniisip mo..." suway ko sa kanya pero hindi niya pinansin.

"Ang gwapo gwapo talaga. Bagay maging Daddy ni Verity," kinikilig na sabi pa niya sa akin kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

Baka mamaya ay marinig siya ni Damien. Nakakahiya naman. Mabait lang talaga si Damien sa amin. Hindi ko nga alam kung paano siya mababayaran sa lahat ng kabutihang ipinakita at ipinapakita niya sa amin.

"Wag ka ngang ganyan. Baka marinig ka ni Damien...kung anong isipin," suway ko kay Melanie.

Pero masyado pa siyang nalulunod sa mga pagd-daydream niya. Kung wala lang siya boyfriend ay iisipin kong may gusto siya kay Damien.

"Malay mo naman! Bagay naman kayo...gwapo siya, maganda ka," suwestyon ni Melanie.

Hindi na lang ako umimik, inirapan ko siya at napailing na lang ako. Sa araw-araw na ginagawa kong pagmasdan si Verity ay napapansing kong lumalaki na din siya. Hindi kagaya noong unang araw na nakita ko siya...sobrang liit, awang-awa ako noong mga panahong 'yon sa itsura ng baby ko.

"Nasa kay Verity na ngayon ang focus ko. Wala na akong panahon sa mga ganyan...tam ana yung minsang nasaktan ako. Ayoko na ulit," sabi ko kay Melanie habang ang tingin ko ay nasa baby ko.

Nights of August (Sequel # 5)Where stories live. Discover now