Chapter 45

38.3K 1.7K 288
                                    

Driver




Na-excite kami ni Melanie nang malaman naming nakabalik na sa Pilipinas si Damien. Kahit pa naka-uwi na ay hindi pa muna namin siya makikita dahil mula sa airport ay dumiretso siya sa kanilang Hacienda para ayusin ang ilang negosyo doon.

"Mukhang mas lalong mahihirapan si Papa August na suyuin si Mommy Vesper," parinig ni Melanie na kunwari ay si Verity ang kausap niya.

Hindi ko siya pinansin, nanatili akong nakahiga sa kama habang abala sa mga message ni Damien.

"May karibal na si Papa August...sino kaya ang kakampihan ng Baby Verity namin? Si Daddy Doc o si Papa August?"

"Melanie, walang ganoon. At wag mong sabihin 'yan kay Verity..." suway ko sa kanya pero pinanlakihan niya lamang ako ng mata at inayos ang pagkakakarga sa baby ko na hanggang ngayon ay nag-iingay pa din dahil sa sagot niya.

"Hindi ma-iiwasan 'yan. Kailangan lang natin maghanda...lalo ka na."

Kumunot ang noo ko, umayos ako ng upo sa itaas ng kama para harapin siya.

"Saan naman ako maghahanda? Kaibigan ko si Damien."

Muling nanlaki ang kanyang mga mata, mas malaki kesa kanina.

"Sa 'yo. Pero si Doc, hindi ganoon. Alam mo 'yan," paalala niya sa akin kaya naman hindi na ako naka-imik pa.

Si Melanie ang nakapagpatulog kay Verity, kaya naman nang ma-iayos na niya ang pagkakahiga nito sa gitna ng aking kama ay nagpaalam na din siyang babalik na sa kanyang sariling kwarto.

"Teka, sabay na ako sa 'yo...kukuha lang ako ng tubig," pagpigil ko kay Melanie.

Sinigurado ko munang maraming nakaharang sa palibot ng kama ni Verity bago ako sumama kay Melanie palabas.

"Kain ng kain ng chichirya, e..." sita ko sa kanya kaya naubos ang isang pitsel ng tubig ko.

Tinawanan niya lang ako.

"Hala, madilim na sa baba..." pananakot pa niya sa akin nang makita naming wala ng ilaw sa baba at madilim na din ang hagdanan.

"Hindi ako takot," pagbibida ko sa kanya.

Sa dinamirami ng pinagdaan ko sa buhay ay matatakot pa ba ako sa multo?

Matapos kong sabihin 'yon ay handa na sana akong yayain siyang samahan ako sa baba, pero nakita kong halos bumigat na ang talukap ng mga mata niya dahil sa antok kaya naman hinayaan ko na si Melanie na bumalik sa kwarto niya.

Humigpit ang hawak ko sa pitsel habang pababa ako ng hagdan. Mabilis ang lakad ko papunta sa may kusina, pero bumagal 'yon nang mapansin kong bukas ang ilaw doon, mukhang may tao.

Nag-alinlangan pa ako kung tutuloy ako o hindi, pero masyado ng tuyo ang lalamunan ko para hindi ako maka-inom ng tubig.

"Oh, akala ko tulog na kayo," puna ni August ng mapansin niya ang pagpasok ko.

Kakatapos lang niyang magtimpla ng kape. Malalim na ang gabi pero nagkakape pa siya. Wala ba siyang balak na matulog?

"Kape?" alok niya sa akin na mabilis kong inilingan.

Nag-iwas ko ng tingin sa kanya at dumiretso sa may ref para kumuha ng bagong pitsel na may lamang malamig na tubig. Ramdam ko pa din ang pananatili ni August sa likuran ko, hindi ko alam kung ano pang hinihintay niya.

"Pasencya ka na kung hindi ka kumportable na nandito ako sa inyo," pagbasag niya sa katahimikan.

"H-hindi naman sa ganoon," laban ko.

Nights of August (Sequel # 5)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang