Chapter 25

36.1K 1.9K 780
                                    

Doctor





Habang naglalakad kami pabalik ni Melanie sa pwesto ay hindi maalis sa isip ko ang babae kanina. Pamilyar ang mukha niya, maging ang pangalan niya ay ganoon din. Hindi ko lang talaga maalala kung saang eksakto ko siya nakita. Sa dami ba naman kasi ng iniisip ko ay nawawala na sa isip ko ang mga hindi naman ganoon ka-importanteng bagay.

"Kailangan nating bilisan. Kailangan nating maki-chismis," sabi ni Melanie sa akin.

Halos kanina pa nga siya nagsasalita, ni wala na akong ma-intindihan dahil ang isip ko ay lumilipad din sa kung saan.

"Uy, Vesper! Ayos ka lang ba? Ang lutang mo...baka lumipad ka na diyan," puna niya sa akin.

Tsaka lang ako bumalik sa wisyo. Inirapan ko na lang si Melanie at tinawanan siya.

Nagkakagulo sa hilera ng pwesto namin pagbalik. Lahat sila ay tungkol sa nangyaring clearing operation ang pinaguusapan. Ilan sa mga kasamahan naming tindero at tindera ay nakuhanan ng mga paninda.

"Saan kayo nanggaling na dalawa?" salubong ni Ate Aria sa amin.

Sasagot pa lang sana kami ni Melanie nang kaagad niyang baguhin ang topic. Mas concern pa siya sa mga paninda namin kesa sa aming dalawa. Ni hindi man lang siya nakunsensya na pinapwesto niya doon si Melanie kahit alam niyang pwedeng mangyari ang bagay na 'to.

"Wag na po tayong bumalik doon. Delikado."

Halos sarado ang tenga ni Ate Aria sa mga sinasabi ni Melanie sa kanya. Hindi daw muna kami magtitinda sa bangketa ng ilang araw, pero desidido pa din siyang gawin ang illegal na bagay na 'yon.

"Try niyo po kaya...kayo ang tumao doon," sabi ni Melanie sa kanya.

"Try mo kayang humanap na ng bagong trabaho," balik na sabi ni Ate Aria sa kanya kaya naman natahimik na lang ang kaibigan ko.

"Delikado po kasi talaga..."

Hindi niya pinansin 'yon. Kahit wala namang nakuhang paninda sa amin ay problemado pa din siya.

Ma-ingay ang paligid dahil sa nangyari. Ilang iyak at reklamo ang narinig namin. May mga nasugatan pa nga daw dahil sa pakikipag-agawan.

"Dinampot ang asawa ni Gilda. Nanlaban daw...sinubukan pang manakit," rinig naming kwento sa kabilang pwesto.

Alam kong mali ang gawaing 'yon. Pero minsan hindi ko din masisisi ang mga kasama namin. Sobrang hirap ng buhay, lahat naman ay gusto lang na kumita. 'Yon nga lang, ang batas ay batas.

"Uuwi na muna ako. Medyo napagod ako sa nangyari..." paalam ko kay Melanie.

"Tama. Pag stress ka, stress din si Baby."

Habang naglalakad pauwi ay muling pumasok sa isip ko ang babae kanina. Nakahawak ako sa sinapupunan ko, sana naman ay hindi masyadong na-apektuhan si Verity dahil sa ginawa naming pagtakbo kanina.

"Ang bilis nating tumakbo," natatawang pagkausap ko sa kanya.

Alam ko namang delikado. Hindi lang kasi talaga ma-iwasan ang mga ganoong klaseng pangyayari.

Naghanda na ao pag makapagluto ng hapunan namin ni Melanie. Habang hinihintay ko ang pinapakuluan ko ay abala din ako sa pagbabasa ng baby book na ibinigay sa akin sa may clinic kanina.

Marami akong natutunan doon lalo na pag labas ng baby ko.

"Kumpleto na tayo sa mga kailangan sa hospital," kwento ko sa kanya.

Nakalagay din doon yung mga gamit na kailangan kong ihanda sa oras ng panganganak ko. konting dagdag pa sa ipon.

Napangiwi ako pagkatayo ko sa pagkakaupo dahil sa pagsakit ng balakang ko. Yakap ko pa din sa kaliwang kamay ko ang libro habang nakahawak naman sa masakit kong balakang ang kanang kamay ko.

Nights of August (Sequel # 5)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora