Chapter 20

34.7K 1.7K 1.1K
                                    

Utos




Matapos nilang masabi ang gusto nilang sabihin ay iniwan nila ako doon. Sa sobrang takot ay hindi ko na nagawa pang pulutin isa-isa ang mga nahulog na prutas.

Gusto kong tumakbo pabalik kay August para magsumbong. Sobra ang takot na nararamdaman ko, pero hindi ko din alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Hindi ko alam kung kanino ako magsusumbong. Mas lalo kong naramdaman na mag-isa na lang ako.

Dumiretso ako sa palengke na wala sa sarili. Napansin kaagad 'yon ng mga kaibigan namin kaya naman lumapit sila sa akin para tanungin ako kung anong nangyari.

"Nakausap mo ba si August?" tanong ni Ruth.

Marahan akong umiling. Ramdam ko pa din ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa pananakot ng mga lalaki kanina.

"Hindi ka nanaman hinarap?" tanong ni Jade.

Kung minsan ay parang nawawalan na din sila ng pag-asa na magkaka-ayos pa kami ni August. Maging sila kasi ay napapagod na sa mga ikinikwento ko sa kanila.

"Alam...magpa-miss ka kasi. Wag kang pumunta ng ilang araw. Tingnan mo, magtataka 'yon," sabi pa ni Ruth.

Sinunod ko ang suwestyon nilang hindi magpakita kay August ng ilang araw. Pero wala namang nangyari, ako din ang sumuko sa huli.

"Ikaw na ang bahala dito, Rose," paalam ko sa bagong kasama. Siya yung sinasabi ni Ate Vilam na pamangkin niya na makakasama kong magbantay sa prutasan.

Mas bata siya ng ilang taon sa akin.

Naturuan ko naman na siya ng mga kailangang gawin kaya naman kampante na din akong iwanan sa kanya ang tindahan. Hindi naman ako nagtatagal sa tuwing umaalis ako.

Hapon na ng maka-alis ako. Madami kasing customer kanina kaya naman ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.

"Nandito ka nanaman," inis na bungad sa akin ng mga bantay.

"Nandito ako para kay August," sabi ko sa kanila.

Bayolenteng napakamot sa kanyang batok ang lalaking palagi kong naaabutan doon.

"Ilang araw kang wala, akala namin ay hindi ka na ulit magpapakita. Nangungulit ka nanaman?" inis na sabi nila sa akin pero hindi ko sila pinansin.

Dahil sa pangungulit ko ay pumasok na ang isa para ipaalam kay August na nandito ako.

"Galit si Senyorito August. Pero papasukin daw," sabi ng kasama niya kaya naman nagbago kaagad ang mood ko.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa may sala nila ay nakita ko na ang pagsalubong niya sa akin. Malalaki ang hakbang niya, mukhang galit nga talaga kagaya ng sinabi ng lalaki kanina.

"Wag ngayon, Vesper. May importante kaming ginagawa," galit na bungad niya sa akin.

Hindi ko pinansin 'yon. Ang mahalaga sa aking ngayon ay nakita ko ulit siya.

"Gusto ko lang dalawin ka...at may dala akong mga prutas para sa inyo," sabi ko.

Ni hindi ko nga alam kung anong itsura ko ngayon sa harapan ni August. Ni wala na akong oras na mag-ayos pa ng sarili ko.

Bumaba ang tingin niya sa mga plastick ng prutas na dala ko, gumuhit ang iritasyon doon.

"Hindi naming 'yan kailangan," sabi niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng kirot.

Alam ko naman 'yon. Sa sobrang yaman nila ay kaya nga nilang bumili ng mismong taniman ng mga prutas.

Tinalikuran niya ako at naglakad pabalik sa may salas nila. Sumunod ako sa kanya kahit wala siyang sinabi. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya ng makita kong nandoon si Vera at Jolina. Ni hindi ko kayang suklian ang tingin nila sa akin.

Nights of August (Sequel # 5)Where stories live. Discover now