Chapter 46

34.2K 1.5K 396
                                    

Bisita








Walang imik akong kumawala sa yakap ni August. Kagaya ng sinabi niya kanina ay hinayaan ko siya mag-isang ayusin sa likuran ang mga pinamili namin.

"Ayos ka lang?" marahang tanong ni Melanie pagkapasok ko sa sasakyan.

Tahimik na nakakandong sa kanya si Verity na abala sa pagsubo sa teether na bigay sa kanya ng Daddy niya.

Marahan lang akong tumango at nag-iwas na ng tingin sa kanya. Gumalaw si Verity mula sa pagkakakandong sa Ninang Melanie niya para lumapit sa akin.

Tipid kong nginitian ang baby ko at kinuha siya. Pinakandong ko siya paharap sa akin, nag-ingay siya at itinaas ang hawak na laruan para ipakita sa akin. Naramdaman namin ang pag-galaw ng sasakyan nang isara ni August ang pinto sa likuran.

Dumaan siya sa aking gawi bago siya dumiretso sa driver seat. Nanatili ang tingin ko kay Verity, napansin ko ang paglingon niya sa amin.

"Ok na kayo? Uwi na tayo?" tanong niya, pero ramdam ko ang tingin niya sa akin.

Dahil mukhang nahalata ng katabi kong si Melanie na wala akong balak na sumagot ay siya na ang sumagot para sa akin. Tango ang isinagot niya dito kaya naman mas lalong nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Ang pag-iingay na lang halos ni Verity ang naghahari sa loob, at ang ilang beses kong narinig na pagbuntong hininga ni August.

Pag tumitingin ako sa kalsada ay kita ko ang pagsulyap niya mula sa may rear view mirror. Hindi ko na lamang pinagbibigyang pansin.

"Music...Music tayo," pagbasag ni Melanie sa aming katahimikan.

Tumango si August sa kanya at kaagad na binuksan ang car stereo. Nakuntento na kami sa ingay na dala ng mga kanta. Kung minsan ay hindi pa napipigilan ni Melanie na sabayan 'yon.

"Wag mong limutin pag-ibig sa 'kin, na iyong pinadama. Pintig ng puso 'wag mong itago, 'wag mong limutin pag-ibig sa 'kin," sabay niya sa kanta ng Hanggang Ngayon na version ni Kyla.

Masyadong nadala si Melanie ng kanta kaya naman sa huli ay tinawanan na lang niya ang sarili niya. Dahil sa kalokohan niya ay wala din tuloy sa sarili akong natawa.

Nakitawa ako kay Melanie. Nakita ko nanaman ang tingin ni August sa akin na para bang sinisigurado niyang ayos lang ako. Na ayos na ako matapos ang nangyari kanina.

Tinulungan naman si August ng mga kasambahay pagka-uwi namin. Tinanong ko kaagad kung nasa bahay pa si Tay Vinci pero naka-alis na daw at nasa kwarto na niya si Nanay.

"Akyat lang kami sa kwarto, Melanie..." paalam ko sa kanya.

Dumiretso kaagad si August sa kitchen kasama ang mga kasambahay para dalhin doon ang mga pinamili namin. Medyo madami 'yon kaya naman mabigat, kailangan talagang siya ang magbuhat.

Hindi ko na hinintay pa na makabalik siya, dala si Verity ay umakyat kaagad kami sa kwarto para makapagpahinga.

Ramdam ko ang pagbabago ko, pakiramdam ko ay hindi na din ako 'to. Hindi ko na kilala ang sarili ko, masyado na akong kinakain ng galit ko.

Mas mabuti sigurong lumayo muna ako kay August hangga't hindi ko pa kayang kontrolin ang emosyon ko sa tuwing nandyan siya.

Pareho kaming naka-idlip ni Verity matapos naming makapagpalit ng damit. Ginising na lamang kami ni Melanie dahil pinapatawag na kami ni Nanay sa baba para maghapunan.

Kumpleto na kami, pero si Melanie ay may hinanap pa.

"Si Papa August, wala pa..." puna niya.

Napansin ko din 'yon. Pero hindi na lang ako umimik.

Nights of August (Sequel # 5)Where stories live. Discover now