Chapter 47

35.7K 1.7K 204
                                    

Temperature








Nakipagsukatan ako ng tingin kay Auguts, pero sa bandang huli ay siya din ang bumitaw sa tinginan namin. Na para bang hindi niya kinaya ang bigat ng tingin ko sa kanyang punong puno ng iba't ibang klase ng emosyon.

"Kaibigan ko lang si Dennice, kaklase ko nung nasa America ako. Hanggang doon lang 'yon," paninigurado niya sa akin.

Ako naman ang nag-iwas ng tingin ngayon. Lumipat ang tingin ko kay Verity. Gumaan ang pakiramdam ko, nawala ang bigat dala ng galit, tampo, at sakit. Parang nabura ang mga 'yon nang makita ko ang inosenteng mukha ng baby ko.

"Gusto ko ding maging maayos ang pakikitungo natin sa isa't isa para kay Verity," pag-amin ko kay August.

Sumasagi na din 'to sa isip ko. Hindi namin namamalayan ang paglaki ni Verity. Magugulat na lang kami na darating ang araw na marami siyang itatanong sa amin tungkol sa tunay naming relasyon ng Daddy niya.

Ayaw naman naming lumaki siya na naguguluhan.

"Susubukan kong...susubukan kong kalimutan yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing nandyan ka. A-ayusin ko ang pakikitungo ko sa 'yo...para kay Verity," sabi ko.

Pagod na din ako, nakakapagod na ding dalhin sa dibdib yung bigat dahil sa galit at sakit. Gusto ko ng magpahinga, gusto kong tuluyan ng sumaya.

Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata ng muli niya akong tingnan.

"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na patawarin kaagad ako. Hindi naman ako nagmamadali, Vesper. Handa akong maghintay..." sabi niya sa akin.

Hindi na ako umimik pa, itinuon ko ang buong atensyon ko kay Verity ng yumakap ito sa akin at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Mukhang inaantok na ang baby ko kaya naman kailangan na naming pumasok sa kwarto.

Hindi ko na kailangan pang magpaalam kay August, mukhang nakita niya naman 'yon at alam niya na ang dapat mangyari.

"Inaantok na..." malambing na sabi niya kay Verity.

Sandali siyang lumapit sa amin para marahang haplosin ang ulo nito, alam kong mas lalong inantok ang baby ko dahil sa ginawa ng Daddy niya. Gustong gusto ni Verity sa tuwing hinahaplos ang ulo niya para makatulog siya.

"Good night na si Daddy," sabi niya dito.

Umusog ako para iharap ang anak namin sa kanya. Yumuko si August para humalik sa ulo nito.

"Good night," malambing na sabi niya.

Ramdam ko ang emosyon do'n. Na para bang tumayo ang balahibo ko sa klase ng boses niya. Pero mas lalo akong nabato sa aking kinatatayuan ng humilig din siya at humalik sa ulo ko.

"Good night, Vesper..." sabi niya sa akin.

Walang takot niya akong hinarap. Imbes na punahin siya sa ginawa niya ay para akong naputulan ng dila. Tipid na tango ang ginawa ko bago ako nagmamadaling pumasok sa aming kwarto.

"Anong sagot mo?"

Tinignan ko muna si Melanie bago ako nagkibit balikat.

"Wala? Wala as in...No?" giit niya kaya naman napa-irap ako sa kawalan.

"Hindi ko alam ang isasagot ko," pag-amin ko.

Parang sandaling nag-loading 'yon para kay Melanie bago niya ako muling pinaulanan ng tanong.

"Aminin mo nga sa akin...may gusto ka ba kay Damien?" tanong niya.

"Yung gusto na...pang-jowa ha," giit pa niya.

Nights of August (Sequel # 5)Where stories live. Discover now