Chapter 8

27.7K 1.4K 580
                                    

Monthsary





"Magka-birthday kami..." malungkot na sabi ko bago tumulis ang nguso ko.

Tiningnan ko si August, nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya papunta sa pagtulis ng nguso ko. Mas lalo siyang ngumisi dahil dito.

"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya.

"Tumutulis nanaman 'yang nguso mo," puna niya.

Imbes na tanggalin 'yon ay tinakpan ko na lang ng kamay ko ang bibig ko para hindi niya makita. Mas lalong natawa si August dahil sa ginawa ko.

Hindi kaagad naayos ang bisikleta ni August dahil kailangan pa ng pera para mapalitan ang gulong niya. Kaya naman pagdating ng lunes ay nag-jeep na kami papasok sa school. Punuan na kaya naman halos sumiksik na lang kami para lang hindi ma-late.

Magkatabi kami ni August, halos kalahati na lang ng pwet niya ang naka-upo kaya naman panay ang tanong ko sa kanya kung ayos lang siya.

"Vesper, ito ang regalo naming sa Kuya mo," sab isa akin ng mga kaklase ko.

Hindi ko din ala m kung paano nila nalaman kung kailan ang birthday nito. Sumama ang tingin ko sa mga tsokolate at love letters na inabot nila sa akin.

"Fans din kami ni Ate Angel at Kuya mo," sabi nila sa akin at parang kinikilig pa.

Ginawan pa talaga nila ng loveteam ang dalawa. Sinimangutan ko sila, dapat ay tigilan na nila 'yon. Dahil sa paglalapit ng pangalan nilang dalawa ay napahamak tuloy si August. Baka marinig nanaman sila ng boyfriend nito at pag-initan nanaman si August.

Pagdating ng uwian ay muling ipinaalala sa akin ng aking mga kaklase na ibigay ko daw kay August ang mga regalo nila. Nag-duda pa sila sa akin na baka kainin ko ang mga tsokolate na para kay August.

"Oo na, hindi ko 'to kakainin," giit ko sa kanila.

Palabas na kami ng school, buong akala ko ay sasama sila sa akin palapit kay August, pero nang makita nilang nasal abas na 'to ng school at naghihintay sa akin ay para silang mga bula na bigla na lang nawala sa likuran ko.

Natawa ako, masyado silang nahihiya kay August.

Nakatingin siya habang hinihintay ang paglapit ko sa kanya, bumaba ang tingin niya sa mukha ko mula sa mga dala ko bago siya nag-taas ng kilay.

"Kanino galing ang mga 'yan?" masungit na tanong niya sa akin.

"Sa mga classmates ko," sagot ko sa kanya.

"Lalaki?"

Marahan akong umiling. Tsaka ko lang nakita ang pagaliwalas ng mukha niya dahil don. Nagtaka siya ng iabot ko sa kanya ang mga 'yon.

"Happy birthday daw sabi ng may mga crush sa 'yo sa classroom namin," sabi ko sa kanya.

Labag man sa loob ko ay hinayaan ko na lang. Para naman 'yon sa kanya, masaya kayang makatanggap ng mga regalo.

"Sabihin mo salamat," sabi niya sa akin.

"Ayoko nga. Ikaw na ang magsabi," pagtanggi ko.

"Sa 'yo na ang mga tsokolate," sabi niya sa akin.

Kinuha niya lang ang mga sulat at iniwan sa akin ang mga pagkain.

"Ayos lang ba sa 'yo na basahin ko?" tanong niya sa akin.

Syempre hindi. Pero wala naman akong magagawa dahil sulat lang naman 'yon. At mas lalo din akong humanga kay August dahil sa pagiging appreciative niya. Kung ibang lalaki lang 'yon ay baka hindi na pinansin ang mga sulat.

Nights of August (Sequel # 5)Where stories live. Discover now