Chapter 44

34.7K 1.6K 191
                                    

Kiss








Pinanlakihan ko ng mata si Melanie bago ko siya hinila para makapagtago din. Kitang kita ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha dahil sa naging reaksyon namin ni Nanay. Mula sa akin ay nilingon din niya ang ayos ni Nanay sa pagtatago.

"Tita Fae, bakit nagtatago din po kayo?" tanong niya kay Nanay.

Hindi nakasagot si Nanay, alam kong nahihirapan siyang sumagot.

"N-nahila ko lang si Nanay," sabi ko kay Melanie.

Tumango si Nanay dahil sa sinabi ko, kaagad na napatango si Melanie na para bang tinanggap niya ang dahilan na ibinigay namin sa kanya.

"Akala ko po nagtatago din kayo kay Papa August, e..." natatawang sabi niya dito.

Napa-iwas na lamang ako ng tingin. Wala naman din kasi ako sa tamang posisyon para sabihin kay Melanie ang tungkol sa nakaraan ni Nanay at Tay Vinci. Ni hindi ko pa nga din alam kung gusto pang balikan ni Nanay ang tungkol doon, o mapag-usapan man lang.

Ilang minuto pa ang lumipas ay muli naming napagpasyahan na sumilip sa may bintana, pero ginawa namin 'yon ng nakaluhod kaming tatlo para siguradong hindi kami makikita.

Ramdam ko ang tingin ni Verity sa akin, na para bang kahit tahimik siya ay nagtataka pa din ang baby ko kung anong nangyayari sa aming tatlo.

"Baby...wag," malambing na suway ko sa kanya nang hawakan niya ang kurtina at hinila hila 'yon. Bukod kay Melanie ay mukhang balak din ni Verity na ibuko kami sa aming ginagawa.

Abala si August at Julio sa pag-uusap, para bang nagtatalo pa din silang dalawa. Tahimik naman si Tay Vinci sa kanilang tabi na panay ang lingon sa aming bahay.

Pa-simple ko tuloy na tiningnan ang tahimik lang na si Nanay, wala pa din siyang kahit anong emosyon na ipinakita. Mukhang ayaw talaga niyang pagpakita ng emosyon.

"Aalis na yung bisita. Ang gwapo nung kausap ni Papa August," sabi ni Melanie.

"Si Julio 'yon, kapatid niya," sabi ko sa kanya.

Sumakay na ng sasakyan sina Julio at Tay Vinci. Mukhang nakumbinsi sila ni August na umalis na. Base sa alam ko at sa kilos na din nila ngayon, alam ko naman kung gaano niya kamahal ang kapatid niya, at alam kong sa nangyayari ngayon, ayaw niyang madamay 'to.

Tinanaw ni August ang pag-alis ng sasakyan nito, nang mahusto siya ay nakita pa namin ang muli niyang paglingon dito sa bahay bago siya muling pumasok sa kanyang bahay.

"Bumaba na tayo," yaya ni Nanay sa amin.

Wala kaming imik na sumunod sa kanya pababa sa may living room kahit hindi din naman namin alam kung anong gagawin namin doon. Umupo kami sa may living room, nagpahatid si Nanay ng ma-iinom at mirienda. Habang naghihintay kami ay muling tumayo si Melanie sa may bintana, mukhang hindi pa siya tapos na maki-balita sa  nangyayari sa kabila.

"Aalis na si Papa August?" tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Nanay, pero hindi na kami nag-abalang tumayo pa. Wala na kaming lakas na lumapit pa doon at magtago sa likod ng mga bintana.

"Nilabas na ng mga guard ang mga maleta niya. Mukhang sasama na siya pa-uwi sa kanila," sabi pa ni Melanie. Hindi na talaga namin kailangang tumayo pa dahil siya na mismo ang nagsasabi sa amin ng mga nakikita niya sa labas.

Bumaba ang tingin ko kay Verity, tahimik niyang pinaglalaruan ang teether na nakasabit sa kanyang damit na bigay ng Daddy niya.

Kung sakaling ngang bumalik si August sa poder ng Lolo niya ay dapat lang na matuwa kami. Isa lang kasi ang ibig sabihin no'n, nagka-ayos na sila ng Lolo niya kaya naman wala ng rason para pahirapan pa siya nito.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon