Chapter 30

45.1K 2.2K 822
                                    

Tensyon








Napa-irap ako sa kawalan matapos kong marinig ang pag banggit niya sa pangalan ng baby ko. Pakiramdam ko kasi ay wala siyang karapatan. Kahit ang banggitin lamang 'yon.

"Magandang batang po si Verity, at sobrang cute..." kinikilig na kwento ni Melanie sa kanya na ikinagulat ko.

Inihanda ko kaagad ang sarili ko, hindi ko hahayaang may masabi pa siya tungkol sa baby ko.

Nakita ko ding nakikinig si August, para bang interisado siya dito. Na gusto niya ding malaman kung sino ba talaga si Verity.

"Kamukha nga po kasi..."

Bago pa niya ma-ituloy ang sasabihin niya ay kaagad ko nang tinakpan ang bibig ng aking kaibigan. Humarang pa ako sa harapan niya para panlakihan siya ng mata.

"Kailangan na tayo sa booth," yaya ko sa kanya.

"Pero..." pigil niya sa akin.

Gusto niyang iparating na wag kong putulin ang pakikipag-usap ko kay August dahil si August 'yan, na mas mapapadali ang buhay namin sa mga De Galicia kung may kapit kami kay August.

Hindi ganoon 'yon. Hindi naman naging madali ang buhay sa akin, naging asawa ko pa nga si August.

"Tara na, Melanie." Yaya ko pa din.

Mukhang hindi pa din talaga siya magpapapigil. Masyado siyang natuwa dahil sa presencya ng kausap.

Hinarap ko na si August kahit labag sa loob ko.

"Excuse lang po, Sir. Babalik lang po kami sa trabaho," paalam ko sa kanya ng hindi man lang siya tinitingnan sa mga mata niya.

Kinuha ko na din ang baby dress na binili ko para kay Verity. Nag-alok si August na siya ang magbabayad pero hindi ako pumayag.

Walang nagawa si Melanie kundi magpaalam na lang din sa huli. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang makalayo na kami kay August.

"Ano ka ba. Nakikipag-chikahan pa ako kay Sir August e," sita niya sa akin.

Hindi kaagad ako umimik, sinigurado kong malayo na talaga kami sa kanya bago ko kausapin ang aking kaibigan.

"Melanie, pwede bang wag kang magk-kwento ng kahit ano sa ibang tao tungkol kay Verity?" marahang taong ko sa aking kaibigan.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"B-bakit naman?"

Napabuntong hininga ako. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi pa ako handing sabihin ang tungkol sa nakaraan namin ni August, pakiramdam ko kasi ay mas lalo lang gugulo ang lahat.

"Ayoko lang na pag-usapan tayo. Ayoko lang na madamay si Verity sa trabaho..." magulong sabi ko. Kahit ako ay naguguluhan din.

"Ayaw mo bang malaman na may anak ka?" tanong niya sa akin na kaagad kong inilingan.

"Hindi. Hindi ganoon. Mahal ko si Verity, hindi ko ikakahiya na may baby ako...ang hindi ko lang gusto ay ang may maka-alam pang ibang tao na hindi naman importante sa buhay naming mag-ina," pagpapatuloy ko pa.

"Ibang tao kagaya ni Sir August? Na-iintindihan ko," pag sang-ayon niya sa akin.

Tipid ko siyang nginitian. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay.

"Para lang sa safety ni Verity," pahabol ko pa.

Hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.

"Oo naman! Ititikom ko ang bibig ko para sa inaanak ko. Alam mo namang mahal na mahal ko 'yon," sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon