Chapter 28

44.9K 2.3K 1.2K
                                    

Happy New Year, Loves! I'm so blessed to have you always. For more years, and stories with you! take care always and love lots! -Maria. 



Selos



Sandali akong napatitig sa singsing na suot ni August. Halos maduling ako sa pagkakalapit no'n sa akin.

"Nakalimutan mo kaagad?" nakangising tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kailangan ko bang mahiya? May laman ba ang gusto niyang sabihin sa akin?

"Anong kailangan mo sa akin ngayon? Hindi ba't ikaw na din ang nagsabi sa aking wag na ako lalapit sa 'yo?" laban ko sa kanya.

"Exactly. Ikaw ang pumunta dito," bato niya pabalik.

Napaawang ang bibig ko. Kahit ang pananalita niya, kahit ang mga pangangatwiran niya, ibang iba na. Hindi ko na talaga siya kilala.

"N-nandito ako para sa trabaho," matapang na sagot ko.

Bahagya siyang humiwalay sa akin. Nagtaas siya ng kilay. Sandali niya akong pinagmasdan, mula ulo hanggang paa, muli ko nanamang naramdaman na sobrang liit ko. na malayong malayo ako sa kanya.

Kahit anong damit, kahit gaano kamahal pa, hindi talaga mapagkakaila na ibang iba si August sa akin.

"I can't let you get away with what you have done...that easily," seryosong sabi niya sa akin.

"P-pinagsisisihan ko na ang lahat ng 'yon. Anong kabayaran pa ba ang gusto mong makuha mula sa akin?" tanong ko sa kanya.

Balak ba niya akong ipakulong? Dahil sa ginawa kong panloloko sa kanya? Kung ipapakulong niya ako, paano na lang si Verity?

"Hindi pa ba kayo tapos sa akin? Hindi pa ba sapat lahat ng pagpapahirap na ginawa niyo?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko ma-iwasang hindi maging emosyonal nang maalala ko kung paano ako pinahirapan ng mga tauhan niya. Kung paanong gusto nilang kuhanin sa akin ang lahat, na kahit walang wala na ay uubusin pa nila.

Nanatili ang tingin niya sa akin, sa klase ng tingin niyang 'yon ay para bang muli nanaman siyang nakalimot sa mga ginawa nila sa akin.

"Hindi na tayo mag-asawa," giit ko.

Sinubukan kong itulak siya palayo sa akin, pero masyadong malaki ang katawan ni August, kung maganda na ang katawan niya noon, mas maganda ngayon.

Amoy na amoy ko din ang pabango niya, alam mo kaagad na mamahalin. Mas lalong lumakas ang dating niya sa suot niyang suit.

"Unfortunately, asawa mo pa din ako," sabi niya sa akin.

Mas lalong napaawang ang labi ko.

"P-paano? Pumirma na ako sa annulment paper," giit ko.

Lumayo siya sa akin at tinalikuran ako. Nanatili ang tingin ko sa kanya.

"Sa tingin mo papakawalan kita ng ganon ganon lang?" tanong niya pa sa akin.

"Sabihin mo na ngayon kung ano pang gusto mo mula sa akim para matapos na 'to," laban ko sa kanya kahit ang totoo ay natatakot din ako.

Ngumisi si August.

"Not now. Malalaman mo din sa susunod, sa ngayon I will let my wife explore. Do your things...but at the end of the day, sa akin ka."

"Hindi na mangayari 'yan," laban ko.

Nights of August (Sequel # 5)Where stories live. Discover now