Chapter 48

36.1K 1.5K 189
                                    

Close




Nanatiling kumportable si Verity habang karga ng Daddy niya. Kita naman ang pagpinta ng iritasyon sa mukha niya sa kaonting paggalaw sa kanya. Andyan naman kaagad si August para patahanin siya sa oras na nagbabadya siyang umiyak.

"Hindi po ba talaga kayo makaka-uwi ngayon?" tanong ko kay Nanay.

Tumawag siya sa akin para kamustahin si Verity. Sandali akong lumayo sa may kama, tumayo ako at humarap sa may bintana habang kausap siya sa phone.

Sinabi ni Nanay sa akin na gustihin man niyang umuwi kaagad ay baka madaling araw pa ang pinaka-maaga. Kahit nakaharap ako sa may bintana at kita ko pa din naman sa peripheral vision ko ang marahang pagtapik ni August sa pwetan ni Verity para palalimin ang tulog nito.

Kung minsan nakakarinig niya ng mga mumunting hikbi ay kita ko kung paano niya marahang hinahaplos ang likod ng anak namin, hinahalikan sa ulo at may binubulong.

"P-pero wala po kasi kaming kasama ni Verity..." alanganing sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni August, sadya 'yon para kuhanin ang atensyon ko. Ibinigay ko 'yon sa kanya, nakita ko kung paano siya nagtaas ng kilay na para bang tinatanong niya ako sa pamamagitan ng tingin niya kung anong tawag ko sa kanya.

Bukod sa tingin ni August at narinig ko din ang mahinang tawa ni Nanay sa kabilang linya.

"Andyan si August di ba?" tanong niya sa akin.

Marahan akong napatango kahit alam kong hindi naman 'yon makikita ni Nanay.

"Opo. Nandito po," pagsuko ko.

"Kaya wala ka dapat na ikatakot. Nandyan si August, hindi naman niya kayo papabayaan," sabi ni Nanay.

Alam ko naman 'yon. Pero iba pa din kasi talaga kung nandito si Nanay. Iba pa din yung presencya niya, nakakakaba pag baby na ang may sakit, nakakagaan ng loob kung kasama ko si Nanay na nagbabantay kay Verity. Kahit papaano ay nababawasan ang kaba ko.

Matapos ang tawag ay nanatili ang tingin ko sa hawak ko phone kahit tapos naman na ang gagawin ko do'n. Hindi ko lang talaga alam kung ano pang pwede kong ibang gawin, at kung babalik pa ba ako sa kama at tatabi kay August para bantayan si Verity.

May ilang oras pa ulit bago ko i-check ang temperature niya, wala pa din kasing ilang sandali ng pa-inumin ko siya ng gamot sa lagnat.

Sa huli ay binitawan ko ang phone ko dahil hindi rin naman ako makapag-focus. Lumapit ako sa tv, binuksan 'yon at hininaan ang volume.

Ramdam ko ang panunuod ni August sa bawat galaw ko, sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko. Maging ang pagbubukas ko ng tv ay hindi nakatulong sa pagiging awkward ng paligid. Hanggang sa muling umiyak si Verity.

"Basa ng pawis ang likod niya," sabi ni August sa akin kaya naman kaagad akong kumuha ng pamalit niya, kumuha din ako ng mga lumang diyaryo, pinunit 'yon sa sapat na laki para ilagay sa likod niya.

Ganoon ang ginagawa ni Nanay sa akin noon. Nung mga panahong walang wala pa kami, sobrang epektibo no'n dahil mabilis ma-absorb ng diaryo yung pawis kaya naman hanggang ngayon ay ginagawa ko din kay Verity.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni August dahil sa diyaryong nilagay ko sa likod ng anak namin. Imbes na magsalita ay hinayaan niya lang ako.

"Masama siguro ang pakiramdam kaya ganyan," puna ko sa pagiging iritado niya.

Kaunting galaw ay iiyak na siya. Pero isang buhat lang sa kanya ng Daddy niya, sandali lang siya nitong isayaw ay tatahimik na siya kaagad. Na para bang nakaramdam siya ng comfort sa bisig nito.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon