Chapter 29

42.2K 2.1K 920
                                    

Name




Nakipagsukatan ako ng tingin kay August. Wala na akong ibang nararamdaman sa tuwing sinasabi niyang mag-asawa kami. Naguguluhan? Oo. Dahil kung mayroon mang dapat mas naka-move on sa aing dalawa tungkol sa nangyari noon ay dapat siya 'yon.

Siya ang nagpursige na mapawalang bisa ang kasal namin. Siya ang unang gumawa ng hakbang para mawalan kami ng karapatan sa isa't isa. Kaya anong ipinaglalaban niya ngayon?

Hindi ko nga nagawang ipaglaban ang karapatan ko noon na asawa niya, ni hind inga niya ako binigyan ng pagkakataong magdesisyon para sa relasyon namin. Ni hindi ko nagawang ipaglaban ang sarili ko dahil alam kong kahit anong mangyari...talo ako.

"Dati!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Hindi na ngayon," dugtong ko pa.

Sobrang manhid na ata talaga ang puso ko, wala na akong kahit anong maramdaman. Oo. may epekto pa din siya sa akin. Pero ang kagustuhan na bumalik kami sa dati? Hindi ko na mahanap sa sarili ko.

Takot na lang ata ang nararamdaman ko para kay August. Ipinakita at ipinadanas nila sa akin noon kung gaano sila makapangyaraihan. Na kaya nilang kuhanin ang lahat ng gusto nila...kahit sino man ang masagasaan.

"Yung karapatan mo? Hanapin mo doon sa pinag-iwanan mo sa akin," pahabol ko pa.

Wala siyang nagawa kundi ang manahimik.

Gusto kong ipakitang matapang ako, pero sa sobrang inis ay naluha na lang ako. Masyado talagang mababaw ang luha ko lalo na't pag ganitong nag-uumapaw ang aking atensyon.

"Ang dali sa 'yong sabihin 'yan. Paglaban ang karapatan mo kuno...na parang hindi ka naging duwag noong mga panahong kailangan nating maging matapang na dalawa para sa relasyon natin."

"Anong relasyon pinagsasabi mo diyan? Hindi mo alam kung ganoo kahirap ang pinagdaanan ko para lang makarating dito. Para lang maramdaman kong ayos na ulit ako. Sinubukan niyong kunin ang lahat sa akin di ba? Tapos ngayon meron na ulit...babalik ka. Para ano? Para ubusin nanaman ako?" umiiyak na tanong ko kay August.

Gusto kong maging matatag sa harapan niya, pero nauna ang iyak. Masyadong nag-uumapaw ang emosyon ko. Lalo na't nahaluan ng kaba at pag-aalala para kay Verity.

Marahas kong pinahiran ang luha sa aking mga mata.

"Lumayo ka sa akin. Ayoko na ulit makita ang pagmumukha mo," banta ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

Lakad takbo ang ginawa ko habang palayo ako doon. Nakakatawang isipin na ganoon ang mga katagang sinabi ko, kahit alam ko namang impossible, maliit lang ang mundong ginagalawan namin.

"Oh, Vesper. Anong nangyari?" tanong ni Melanie ng magkasalubong kami.

Kaagad ko siyang hinawakan sa kamay para hilahin palabas ng companying 'yon.

"Si Verity daw, iyak ng iyak, e."

Hindi na siya nagtanong pa tungkol sa pag-iyak ko. Inakala na kaagad ni Melanie na tungkol kay Verity kaya ako ganoon.

Pinilit kong pinakalma ang sarili ko. Pilit kong inalis ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng gaan sa aking dibdib dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Nabawasan ang mga kinikimkim kong galit at sama ng loob.

Kung minsan kahit anong kimkim mo sa tunay mong nararamdaman ay sasabog ka din talaga.

"Ang bilis ni Daddy Doc," puna ni Melanie.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon