Chapter 9

27.9K 1.5K 595
                                    

Wife


Para pa din akong nakalutang sa ere habang naglalakad kami ni August pa-uwi. Ilang beses na bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Hindi din halos nawala ang ngiti sa labi ni simula kanina. Gusto ko ding ipakita sa kanya na masaya ako, na kinikilig ako dahil sa tinagal tagal ng nararamadaman ko para sa kanya ay kami nan ga talaga ngayon.

Hindi ko magawang maging masaya ng totoo dahil pakiramdam ko ay may hangganan ang lahat ng 'to. Na habang tumatagal din ay mas lalong lumalaki at lumalalim ang kasalanan naming sa kanya.

"Si Nanay..." sabi ko sa kanya.

Sinubukan kong tanggaling ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin pero sapat na ang higpit no'n para hindi ko mabawi ang kamay ko sa kanya. Nilingon ko siya, diretso ang tingin niya kay Nanay. Mukhang wala siyang balak itago na kami na.

Nilingon ko si Nanay, mula sa tapat ng aming bahay ay nakita ko ang paghihintay niya na makalapit kami sa kanya, mula sa aming mga mukha ay bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay.

"Magandang hapon po, Nay," bati ko dito at kaagad na humalik sa pisngi niya. Ang kanang kamay ko ay hawak pa din ni August.

Nagtaas ng kilay si Nanay ng tumingin siya sa akin, nag-iwas ako ng tingin dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. Kahit pa alam naman nila na nanliligaw si August ay iba pa din pala.

"Sinagot na po ako ni Vesper," bungad ni August sa kanya.

Imbes tuloy na si Nanay ang magulat ay ako pa itong nabigla sa pagiging direct to the point niya. Sandaling napahinto si Nanay bago ko nakita ang ngiti sa labi niya, namula ang mata niyang muli siyang tumingin sa akin.

"Dalaga na talaga ang anak ko..." sabi niya na para bang hindi siya makapaniwala na may boyfriend na talaga ako.

Kahit ako din naman ay hindi pa din makapaniwala. Para bang ang bilis ng mga pangyayari kahit pa halos kalahati ng buhay ko ngayon ay kasama ko na si August.

Na baka kasi kahit pa malapit kami sa isa't isa ay alam ko sa sarili kong hindi pa talaga siya yung August Escuel na una kong nagustuhan. Siya si August na idinikta naming sa kanya, siya si August na ampon ni Tay Vinci, si August na hindi mayaman, walang mararangyang gamit, si August na hindi Escuel.

Tsaka ko lang siguro masasabi na totoo na ang lahat ng tungkol sa amin kung ganito pa din kami sa oras na bumalik na ang alaala niya.

Sobrang say ani Nanay dahil sa ibinalita sa kanya ni August. Masaya din naman ako, sa sobrang saya ay para pa din akong wala sa sarili. Kahit si Tay Vinci na hindi naming kasama ngayon ay nalaman kaagad ang tungkol sa pagsagot ko kay August.

"Basta...wag niyo munang gawin ang mga bagay na hindi pa para sa magkasintahan," sabi ni Nanay kaya naman kaagad na nanlaki ang mga mata ko.

Biglang namanhid ang buong katawan ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Hindi naman ako ganoon ka walang alam sa mga bagay na 'yon.

"Nay..." tawag ko sa kanya. Halos takpan ko ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

Hindi naman natinag ang katabi kong si August, kung nahihiya ako sa usaping 'yon ay parang normal lang sa kanya. Na para bang kaya niyang harapin si Nanay.

"Wag po kayong mag-alala, nirerespeto ko si Vesper," sabi ni August kay Nanay kaya naman halos sumabog na talaga ang mukha ko sa sobrang init.

Ni hindi ko na nga siya malingon dahil sa sobrang hiya ko dahil sa naging pag-uusap namin.

Marahang tumango si Nanay. "Alam ko naman 'yon. Alam kong nasa mabuting kamay ang anak ko sa 'yo, August. Ipinagkakatiwala ko si Vesper sa 'yo," sabi ni Nanay sa kanya kaya naman napanguso ako.

Nights of August (Sequel # 5)Where stories live. Discover now