Chapter 12

30.8K 1.4K 1K
                                    

Handa








Panay ang sulyap ko kay August pagkatapos ng tanghalian. Nakikipag-kwentuhan siya kina Bruce at Lino. Masaya akong makita na nakikipag-tawanan siya sa mga ito. Mukhang na-adopt kaagad naming ni August ang buhay dito.

Hindi ko naman nakakalimutan si Nanay. May mga pagkakataon pa din na na-iiyak ako sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataon na matahimik at mag-isa. Kung nasaan man si Nanay ngayon, wala akong ibang gustong sabihin kundi mahal na mahal ko siya.

Na kung papapiliin ako ng magulang sa susunod na buhay, siya pa din ang pipiliin ko. Na sobra akong nagpapasalamat sa kanya dahil kahit hindi naging madali ang buhay para sa aming dalawa ay hindi siya sumuko para sa amin.

Na kahit hindi kami minahal at inalagaan ni Tatay ay hindi naman ako nagkulang sa natanggap kong pagmamahal mula kay Nanay.

"Kailangan mo talagang bantayan ang asawa mo, Vesper. Yung mga ganyang galawan ni Susan...mga galawang hindi susuko hanggang hindi nakukuha ang gusto nila," sabi nina Ruth at Jade sa akin.

Hindi ako naka-imik, pakiramdam ko naman ay hindi ko kailangang mag-alala sa bagay na 'yon. Hindi din naman kasi ipinaramdam sa akin ni August na kailangang kong mag-alala, o mag-selos kay Susan at sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya.

"Mukhang matino si August, hindi kagaya ng iba..." sabi pa ni Jade na kaagad kong sinang-ayunan.

Pakiramdam ko, kung may magiging dahilan man kung may pag-aawayan kami ni August ay hindi 'yon tungkol sa babae. Tungkol 'yon sa totoong katauhan niya.

Muli akong napatingin sa kanya, tahimik siyang nakikinuod sa pinapanuod nina Bruce at Lino sa mga cellphone nila. May cellphone na din naman kami ni August, de-keypad, hindi kagaya ng mga mayroon ang mga kaibigan namin.

"Bumili naman kayo ng cellphone na pwede kayong mag-picture. Mas matanda pa sa lola ko 'yang phone mo, e," sabi ni Ruth.

Hindi ko na lang pinansin, hindi pa naman importante 'yon ngayon. Nag-iipon din kami ni August, nagpapadala din kasi kami ng pera kay Tay Vinci para tulong na din sa kanya. Hindi naman namin siya kayang pabayaan kahit pa sabihin mong bumukod na kami sa kanya.

Si Tay Vinci pa din naming 'yon. Hanggang ngayon ay medyo ma-ilap pa din ako sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadamdamin ang pagkawala ni Nanay.

May isang delivery pa sina August bago sila bumalik sa palengke at tumulong na magligpit ng mga paninda para maka-uwi na kami.

"Nangingimbita ang tiyahin ko sa kabilang bayan, fiesta. Punta tayo..." yaya ni Ruth sa amin.

Sinasama din nila kami sa mga lakad nila, alam kasi nilang bahay at pwesto lang kami ni August. Kung may mapupuntahan mang ibang lugar ay dahil 'yon sa trabaho.

Kaagad na tumingin sina Bruce at Lino kay August para kuhanin ang sagot niya. Abala ako sa pagliligpit ng mga prutas pero naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.

"Punta tayo?" tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti at tumango. Dahil sa isinagot ko ay maging ang mga kaibigan naming ay natuwa.

Hindi ako mahigpit kay August, kung minsan nga ay pinapayagan ko siyang sumama kina Bruce at Lino na makipag-inuman. Umiinom siya, pero hind isa punto na uuwi siyang halos wala ng malay.

Kontrolado ni August ang mga ginagawa niya, alam niya kung kailan hindi na niya kaya. Hindi naman niya ako pinahirapan kahit pa nagkaroon siya ng mga kaibigan. Pinaparamdam niya sa akin na ako pa din ang priority niya.

"Bukas na lang!" paalam ng mga kaibigan naming ng kailangan na naming maghiwalay dahil iba ang daan pauwi sa kanila at iba din ang sa amin.

Kumaway ako sa mga kaibigan ko, ganoon din ang ginawa ni August. Natawa pa kami nang makita naming kung paano kumapit si Ruth sa braso ni Bruce na para bang tuwang-tuwa nanaman 'to na makakapag-solo na silang mag-asawa.

Nights of August (Sequel # 5)Where stories live. Discover now