XXXII

9 1 0
                                    

C H A P T E R: 32

CONSONANT P.O.V


"Ate Consonant, aalis na po kami. Ayaw namin makita ang pagmumukha ng mga anak mong jejemon---"

"O Mahal kong Ylang-ylang!" Napangiwi ang batang si Ylang-ylang. Nahihintakutan nilang tinuro ang mga anak kong papalapit na sa'min. Narinig ko ang masasama nilang hakbang. Dumidilim na din ang langit. Narinig ko pa ang imaginary kulog at kidlat na tatama sa akin.

Liningon ko ang mga kupal. No comment. Naka-polka dots na silang polo. Iyung tipong feel na feel na agad ang new year kahit bukas pa naman ang selebrasyon. May sarili kasi silang kalendaryo kaya ating unawain ang kanilang pag-iisip. Buwisit.

Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang mga damit nilang iyan. Pero sa oras na malaman ko talaga kung sino ang nagbibigay sa mga anak ko ay sasampalin ko ng back to back. With sasakalin ko pa mga leeg nila.

Pa cool lumapit ang mga anak ng dilim. May pahimas himas pa sila ng kanilang baba na akala mo mga balbas sarado.

"Hi baby ko Santan! You know I love chicken nuggets but I love you talaga!" Ngumuso nguso pa si Arkus ng makalapit sa'kin pero ang tingin ay nasa batang nakasimangot na sakaniya.

"Iniirog kong Catleya! Sinisigaw ng aking puso ang pangalan no! Muwah muwah!" Kumindat-kindat pa ang mata ni Uranus.

"Nagpapasalamat talaga ako dahil nabuhay ako sa mundo na ikaw at ako ay para sa isa't isa, Kalachuchi ko."Hindi din nagpapatalo ang Erkus na . . . Na pinaglalaruan ang pustiso ni Aleng Tabelbel.

Isa itong masamang pangitain. Napalunok ako.

"Magnolia, hindi man kita pag mamay-ari ngayon. Pero sayong sayo na aking heart. Pagmamay-ari mo na puso at kaluluwa ko." Si Ikarus na nakaluhod na ngayon at nakabukas ang dalawang braso na akala mo ibon with nakatingala pa sa langit.

Baliw.

Pagkatapos ng kanilang mabubulaklak na salita. Sumayaw sila ng sasara ang bulaklak. Ginawang pang reyna si Ikarus. Napailing iling ako at mahinang nagdasal. May mga saltik ang aking children. Kailangan ko na silang ipa-tingin sa albolaryo. Napapatampal na lang ako ng mukha sa mga pinagagawa ng mga anak ko.

Hindi pa rin tapos ang ka-cornihan ng mga totoy.

"Santan . . ." tawag ni Arkus. Hindi siya pinansin ni Santan, nakakahilo ang pagrolyo ng eyeballs ng batang ire.

"Kalachuchi," tawag naman ni Ezrus.

"Magnolia bhie," si Ikarus.

"Ylang-ylang . . . ko," Odanuz.

"Catleya, mahal?" Si Uranus.

Pinagbabatukan ko ang mga anak ko. "Tigil tigilan niyo nga ang mga Plorera cousins! Mga bata pa kayo, saka na ang ligaw kapag mga tuli na ang mga alaga niyong tweety bird!" Napakamot sila ng ulo. Busangot nilang tinitigan ang mga bulaklak na tinatarayan na sila ngayon, napansin ko ang pamumula ng pisngi ng mga anak ko habang nakatitig sa kanilang mga crush. Ang puputi naman kasi nila. Namana sa Ama.

Napatingala ako sa kalangitan at may nakita ako na nagliliparan na kalapati kaya agad ko silang kinawayan.

Speaking of Dalter. Wala lang. Nabanggit ko lang pangalan niya sa P.O.V na 'to. Wala kasi naikuwento mga anak ko sa nangyari noong nahim@tay ako sa pagkakaumpog sa b*bong pader. Nagising na lang ako ng nasa loob ng hotel room namin at natutulog sa ilalim ng kama. Nakagapos ang dalawa kong mga kamay sa'king likuran at lalo na din ang aking mga paa.

In short. Ginawa po akong hostage mga kababayan.

Samantalang ang mga anak ko ay mahimbing nagsisitulog sa malambot, malinis at malawak na kutson. Oo, ako na naman ang agrabyado. Buset. Tadtad ako ng salonpas kinabukasan dahil sa pagkangalay ng aking sexy body sa naging puwesto ko sa pagtulog ng araw na 'yon.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon