XLVIII

13 3 1
                                    

C H A P T E R: 48


Nag-aayos ako ngayon ng bahay, todo kiskis ako kanina ng sahig at ngayon naman ay hawak ko ang walis tambo. Kami lamang dalawa ni Dalter ang naiwan rito na busy sa kaniyang loptop. Pansin ko nga rin ang segu-segundong paglingon sa'kin na hinahayaan ko na lang. Bahala siya sa trip niya, alam ko naman nakakahumaling ang aking beauty kaya let him be!

Hindi naman ako matutunaw.

Pagkatapos nila kanina mag almusal ay masama lang ang naging tinginan ng mag-ama. Ewan ko kung bakit sila may-war. Tatanungin ko na lang mamaya ang mga bata para hindi naman ako ma out of place sa kaganapan rito sa loob ng bahay.

"Consonant . . . is there anything I can help?"

Nanlaki ang mesmerizing eyes ko dahil sa pagtawag niya sa aking name. Grabe talaga ito. I can't believe this! Kaya slow ko siya hinarap. Pansin ko ang pag-awang ng kaniyang labi habang sinasayaw naman ng hangin ang putingn kurtina---sponsered by Letter D. Takas.

Feeling ko nasa drama kami ngayon. Feeling ko na isa ako na main character and I'm so pretty talaga!

Naalala ko, dati, hindi niya pa mabigkas bigkas ng maayos ang aking magandang pangalan. Hindi naman pangit ang name ko. Nakakatalino pa nga kaya bakit ayaw niya bigkasin.

Marami pa nga siya sinasabi na kuno nakakalimutan niya ang name ko or etcetera na puro kasinungalingan na ang mga reasons niya. In-short, hindi niya talaga ako kaya bigyan ng maliit na atensyon.

Huhuhu.

"Warawat?" Tanong ko. Kung maka Consonant . . . Bebe niya ba ko?

Umuling siya at nangalumbaba ng nakatingin sa'kin habang hawak pa rin ang kaniyang laptop. Tinaasan niya ako ng kilay at ganoon din ako sa kaniya. Sakto humangin na naman ng malakas na may kasamang ulan, kaya nanlaki ang mga mata ko na linapitan ang nakabukas na bintana para isara ito. Mahirap na mabasa ang mga gamit sa loob dahil sa malakas na tapuyas ng ulan.

Ang mga anak kong kyotikyot . . . Okay ba ang mga iyun do'n sa school? Kaya siguro umulan ng malakas ay dahil sa kanila e. Naghahasik na naman sila ng kasamaan sa kanilang klase. Sana okay lang ang mga pasaway.

"D-dalter . . . Pakibuksan ang switch ng ilaw." Utos ko sa kaniya habang busy ako sa pag-sara ng aming bintana.

Nag aalala ako sa mga anak ko, sana naman okay lang ang mga 'yun at huwag umuwing basang sisiw. Mahirap na kung magkasakit pa sila. Madalas kasi lahat nagkakasabay sabay kapag may dinaramdam Sabay-sabay e. Kahit lagnat dapat may groupings.

Sakto pagbukas niya ng ilaw saka naman nawalan ng kuryente. Napasimangot ako. Nakakainis, ha.

Minamalas malas ang pretty niyong bida.

Hindi na nga ako nakapunta ng palengke para makapag tinda ng isda dahil nakiusap sa'kin si Onyango na siya na muna ang gagamit ng puwesto ko roon, pinayagan ko na lang tutal naka-lagay na ang mga gamit niya kahit hindi pa ako sumasang ayon. Wala din hiya ang babaeng 'yun.

Kahit kailan din talaga . . .

Nangunot ang aking noo at naghanap na puwedeng gawin ilaw. Madilim ngayon sa loob dahil nakasara halos lahat ng bintana. Ang itura pa naman ng bintana namin ay iyung gawa sa kahoy na kailangan lagyan ng bakal sa gitna o susi para hindi mabuksan. Pagkatapos ko ayusin ang lahat. Nakita ko kung paano lagyan ng mga timba ni Dalter ang tumutulong kisame namin.

Nahiya ako ng ten percent %.

"Pasensiya na kung ganiyan 'yan, nakalimutan ko lang tapalan ng vulkaseal,"

Hiding Vowels Where stories live. Discover now