C H A P T E R: 21


"LETTER-" nagulat ako ng sinampal niya si Drape. Sumimangot ang isa, nag-thumbs ako kay Drape kung okay pa ba mga organs niya. Maluha luha siyang umiling. Kawawa . . . binaling ko na lang ang tingin kay Letter. Gusto niya magdabog pero dahil mahal ang mga gamit ay yinakap niya na lang ang upuan. Sira*lo din.

"E bakit? Totoo naman ah! Pakasarap sa buhay 'yang kuya mo! Paasa pa! Bakit? Akala mo hindi ko alam kung paano niya paasahin si Consonant? Kapag sinabi niya na ang gusto niya na . . . i-di date lang niya ang kaibigan ko kapag maikli ang damit nito todo sunod naman si Consonant na mag-suot ng maikli! Kapag sinabi niya na ang gusto niya ay payat at sexy kasi ang pangit ng body shape ni Consonant ay kailangan niya pang gutumin ang sarili! A-at noong sinabi niya na alisin ang Cartaphilus sa p-pangalan niya . . . Kasi pangit raw at hindi kaaya aya pakinggan. Pina-alis niya- kapalit lang ng ipinangako niyang siya ang sasama sa pagma-martsa noong graduation namin noong senior high. Pero hindi naman siya d-dumating. Walang nagsabit ng medal sa kaniya. Pinagbutihan pa naman ng kaibigan ko ang award na 'yon . Drape . . . Nagmukhang kawawa si Consonant. "

"Sana kasi, hindi niya na lang pinapaasa ang kaibigan natin. Bakit? Porket ba napapahiya siya lagi tuwing binibisita siya ni Consonant ay kailangan niya ng ganiyanin siya?"

Napayuko ako at napangiti. Hindi ko na siya magawang kontrahin. Napaka-bobo ko ano? Ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan na 'yam. Kaya puro may "Us or Uz" sa hulihan ng pangalan ng mga anak ko. Kasi doon iyon nanggaling . . . Consonant Cartaphilus Dante.

Cartaphilus kasi pangalan ng Papa ko, samantalang Consonant Vowel naman sa Mama ko. Iyon ang sabi noon ng ampunan bago mamatay ang dalawa sa aksidente. Ipinangalan nila sa'kin ng mga magulang ko ang kanilang pangalan, dahil ganoon raw nila kamahal ang isa't-isa.

Kasama kasi noon sa aksidente ang isang nakaligtas na madre na siyang kumupkup sa'kin. Pero hindi naman ako nagtagal sa ampunan dahil noong nawala ang mga madre ay naging mahigpit at nanakit na ang mga pumalit na bagong nangangalaga sa'min. Umalis ako at nanirahan sa kalsada dala ang pangalan na 'yan.

Ang totoong mga pangalan ng mga anak ko ay sina Vowel Arkus, Vowel Erkus, Vowel Ikarus, Vowel Odanuz, at Vowel Uranus.

Alam kong naiinis kayo dahil sinunod ko ang sinabi ni Dalter tungkol sa pangalan ko, kaso wala e. Patay na patay talaga ako sa kaniya. Gan'on ang love? O ganoon lang ako nabobo sa love?

Sabi ko noon. 'We need to do whatever our lover wants nor their needs to make them happy and contented,' at heto naman si ako sa present day. Nagmukha ba akong happy sa piling niya? Hindi! Pero diba, kahit ubos na ubos ka na gagawin mo pa rin talaga ang lahat-lahat para sa taong mahal natin.

Kasi bukod sa mahal natin sila ay masaya tayong ipinaparamdam kung gaano sila sa importante sating life. Sa sitwasyon ko naman, bukod sa mahalaga siya sa aking marupok na heart, ginagawa ko ang lahat kasi natatakot akong mabalewala at umaasa na may posibilidad na puwede kami kahit papaano.

Kabaliwan na nga ang ibang nagawa ko at mali iyon. Marami akong realization. At hindi dapat ganoon ang definition ng Love.

Matutong aralin ang Let Go, sauluhin ang kahalagahan ng sarili at hindi pinipilit ang pagmamahal kung wala ka naman talagang chance sakaniya.

Napakamot ako ng ulo. Ayaw ko ng alalahanin 'yon. Napapadrama ako ng walang sa oras at wala sa tamang lugar.

I know na ang bobo ko talaga sa PART noong sinu-sunod ko lahat ng utos niya para mapagbiygan niya lang sa mga kahilingan ko. Kaso ni isa- nganga! Wala siyang tinupad!

Matagal na ang 7 years, kaya tama na . . .

Nginitian ko ang dalawa. Hindi ko na magawang umiyak sa mga ala-alang iyon. Pagod na din kasi ako. Ang priority ko na lang ay ang mga bata. Iyon lang ang importante. Wala ng iba.

"Letter hayaan mo na nga ang mga 'yun. Ako ang may kasalanan. Ginusto ko lahat ng ginawa ko kaya t-tama na, saka matagal na din naman."

Padabog ulit na naupo si Letter habang naka-cross arms. Pinalis niya pa ang luha sa mukha niya. Nagpapasalamat ako kasi after 7 years ng pagkakawala ko dulot ng heart broken ay nagkita-kita pa rin kami. May pa sobra pa nga. Dahil special sila.

May limang mga pasaway e.

"Sino ama ng mga anak mo? Lima pa naman," malungkot ang ngiti ni Drape ng itinanong niya sa'kin ito. Gusto ko ngumiwi sa tanong niya. Hindi pala talaga halata na kambal lima at hindi din kasi kamukha ng tukmol niyang kapatid.

"Kaya nga, mabuti nga't naka-move on ka na. Mukhang kinasal ka na din Friend. Masaya kami ni Talong. Pero sino ba ang nakakuha ng ginintuang tahong mo? Ipakilala mo kami sa mga anak mo. Dali!"

Ngumiti ako ng pilit. Tinawag ko ang mga anak kong nasa counter na ng restaurant. Kaya hindi nila gaano napansin ang pagdadabog ni Letter dahil umabot na roon ang paghahasik nila ng kasamaan. Nangugulo na.

"Mga anak!" Tawag ko pa ulit. Nagsitakbuhan sila papalapit sa'kin.

"Grabe friend. Kamukhang kamukha mo sila. Sure ba na mga anak mo 'to? E mukhang mga kapatid mo lang- Hello, sino ang panganay sainyo?" Bati niya pa.

Sumimangot ang lima at lumapit sa'kin. Hindi pinansin si Letter. Pinansin na lang nito ang jowa na nakatulala.

"Hoy Talong natulala ka---"

"Their eyes . . . pare pareho kami ng kulay ng mata."

Hindi ko sila pinansin dahil may humawak sa buhok ko. Si Arkus. "Mama? Sino panganay sa'min? Diba lima kami sa tiyan mo?"

Narinig ko ang pagmumura ng dalawa sa narinig. Napangiwi ako. Sana gets na nila. Lumingon sila sa'kin. Tumango tango na ako sa kung anong iniisip nila. Matatalino naman sila kaya okay na 'yon.

"What the!!? Hoy Consonant! O my gosh! Don't tell me? Ano? What the! Talong grabe? Puwede ba 'yon? Hoy! Ayaw ko kompirmahin---" sumabat na ako.

"Totoo. Quintuplets- limang bata ang pinagbubuntis ko. Okay na? Puwede na kayo huminga. Bawal sumigaw, ha?"

Namumutlang tinuro ni Drape ang limang bata. Masama ang pagkakatingin ng mga 'to sa Tito nila slash Ninong na din. Tiba-tiba ang makukuha nilang pamasko r'yan. Wahaha.

"H-how? W-what? May nabuo!? Hindi lang isa ang tinago mong pamangkin sa'kin kung hindi lima. May sa maligno ka talaga--- aww!" Sinampal ko ang walanghiyang si Drape.

"Bakit ba? Alam ko ba? Ang healthy healthy ng Kuya mo! Magtaka ka kung anim 'yan--- hoy! Letter ang jowa mo nahimatay na!" Nahihintakutan kong sigaw sa kaibigan.

"Mama? Magkaka-count down na ba kami?" Hindi ko pinansin si Ikarus. Pero nagsisimula na sila mag-count down. Sa pangunguna ni Erkus. Pinalibutan nila ang tiyuhin at nagsisigaw sa pagbibilang. Naka-two joints pa sila!

"Yow 99,999! Odanuz in the house! XL!"

"Chiki-chiki! Alibang bang! Nang 99, 998! Ako'y pinanganak!" Uranus.

"99,997! No comment! Arkus! Ang fafa?" Arkus.

"99,996! Ang cute ko'y walastik!" Ikarus.

"Break it down! Yowwwww!"

Napatampal ako ng mukha. Narinig ko pa ang mala-Vilma Santos na iyak ni Letter. "No! Hoy Talong! Malayo ang hospital my gosh ka! Gumising ka diyan. " Naiinis na sigaw ni Letter. Na-iiling na lang ako. Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong kakausapin. Kung manghihingi na muna ba ako ng tulong o patitigilin ang mga bata sa pagbibilang at pag-ra-rap nila. Naihilot ko ang noo ng bigla na lang umalingaw-ngaw ang theme song ng 'Titanic'. Gusto ko ihampas ang cellphone ni Letter sa mukha niya. Dumadagdag pa sa sakit ng ulo ko!

"Every night in my dreams. I see you, I feel you🎶🎶" Wala na. Hashtag stress. Narinig agad ng mga anak ko ang kanta. Agad agad silang nagsi-ayos ng posisyon at ginaya si Rose at Jack ng titanic. Nakasimangot si Odanuz ng walang s'yang maiyakap pero ng makita niya ako ay agad siyang luampit sa'kin. Agad siyang yumakap mula sa likuran ko na pilit na pinapataas ang dalawang kong braso.

"Mama naman ih!" Reklamo niya ng pinapabigat ko ang dalawang braso. Buset na mga batang 'to! Hihimatayin ako sa mga kalokohan nila.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now