C H A P T E R: I

CONSONANT P.O.V

GABI ng napagpasiyahan naming umuwi galing hospital. Ayos naman si Aleng Tebel. Stress lamang raw sabi ng Doctor kaya nahimatay. Kinabahan talaga ako ng maidala namin 'yon sa hospital. Akala ko nga makakapagsangla ako ng kidney para maipambayad sa bill ng hospital e. Sa'min agad kasi ang sisi. Napakamot tuloy ako ng leeg na ginaya naman ng mga anak ko---Hindi ko sila pinansin.

Nagkaisa lahat ng magkakapitbahay na ituro kami--- ang may kasalanan kung bakit nahimatay si Aleng Tebel. Puro rason naman ang mga anak ko na kesyo sa katabaan raw ng matanda kaya siya nahimatay. Na-stress ang doctor sa'min. Jusko! 'Di keri ang katalinuhan ng mga anak ko.

"Mama . . . anong ulam natin?"

Liningon ko si Erkus na nakatingala sa'kin. Sunod sunod din ang apat na lumingon. Pasimple kong kinuha ang buong isang daan sa'king bra. Napalinga-linga sila sa paligid at sabay-sabay na hinampas ang aking likuran. Kita niyo na? Parang hindi ko mga anak, no?

"Aray ko, ha!" Daing ko.

"'Eto si Mama! Kung may nakasilip sa patag mong dibdib baka namanyak ka na!"

Maluluha na sana ako sa pagka-tats (touch) sa sinabi ni Arkus kaso iyung patag talaga mga besh! Kung maka-patag na dibdib!

"Ay wow! Sorna, sino ba ina niyo?"

"Ina ka--- Talaga namin!" Sabay-sabay nilang saad habang nakangisi.

Kumunot ang noo ko. Ba't parang tunog mura iyon?

Sinabi ko na lang sa kanila na sa Mamihan na lang kami ni Ate Sugar kakain ng hapunan. Masaya silang nagsitanguan.

Magkakahawak ang kamay naming anim na tinahak ang daan papunta sa Mamihan.

Kakaunti ang tao ng makapasok kami sa kubo na kainan ni Ate Sugar. Lumiwanag ang mukha niyang pang clown sa kapal ng makeup ng makita kami. Kulay pink pa ang lipstick niya. Nginitian ko siya.

"Hello mga friend!"

Nagkatinginan kami ng mga anak ko. Ngumisi sila sa'kin at nagtawanan. Badtrip 'tong mga 'to. Inaasar na naman siguro nila si Ate Sugar sa isip nila. Maliit lang kasing nilalang si Ate Sugar Sweets (real name niya) mahilig magsando ng pula kahit maitim ang kilikili. Wala namang kaso sa'kin iyon kasi sino ba naman ako para manghusga diba? Anong mapapala ko sa maitim niyang kilikili na kulang sa hilod. Diba, wala? Kaya huwag man-judge!

"Hello Mommy Sugar!" In chorus na pagbati ng mga anak ko. Naiiling na lang akong umupo sa napiling mesa. Kumuha din ako ng dalawang upuan kasi kulang iyon sa table na pinili ko para sa'min.

"Anong order niyo friend?" May papisil-pisil pa 'to sa pisngi ni Odanus. Todo naman ngiwi ang anak ko. Pasimple akong bumelat sa kaniya.

"Iyung pang isang daan nga. Pahingi na din ng anim na pinggan, kutsara na din." Inilista niya agad ang order ko. May palista-lista pa siyang nalalaman.... hindi naman 'to restaurant. Etchosera din 'to si Ateng.

"Dine in? Ano pa?"

Wow. 'Dine in, yayamanin. '"Ano . . . Sprite, iyung 1.5 liters Mars." Hinawi hawi ko pa ang buhok.

"E isang daan lang a? Kulang 'to."

Pinakita ko sa kaniya ang ngiting uutang. "Mars naman. Ahe! Magpapasko na kaya, libre mo na." Sumimangot siya. May papadyak padyak pa siya ng paa. Pabebe nito.

"Gaga ka! December 21 pa lang!"

"Sorna! 25 na kasi ang nasa kalendaryo namin. Advance mo na ang pa-softdrink! Ninang ka naman ng mga anak ko e." Pagpapa-awa ko pa sa kaniya. Lalo siyang sumimangot.

"Ninang? E wala nga ako sa binyag ng mga anak mo! 'Di nga ako invited sa mga birthday nila. Chaka mo! Tse!" Sabay walk out niya. Napa-ubo ubo ako. Grabe naman sa alikabok iyung buhok niya. Halos magka-asthma ako! Maypa-flip hair pang nalalaman e tadtad naman ng dandruff ang buhok.

Pinagtawanan naman agad ako ng mga anak ko. Inirapan ko sila. "Anong nakakatawa?"

"Tinatanong pa ba 'yan Mama? Siyempre ikaw! Pang-komedyante mukha mo Mama." Sunod sunod naman nagsitawanan ang apat sa sinabi ni Arkus.

"Kupal kayo!" Pabirong susuntukin ko sana siya. Tawa naman ng tawa ang pasaway habang pinipigalan ako ng apat na sugudin ang Arkus. Sakal-sakal ako ni Ikarus, takip naman ni Erkus ang ilong ko. Samantalang hawak naman ng dalawa na si Odanus at Uranus ang magkabilaan kong braso.

"'D-di a-ako m-m-makahinga!" Awat ko sa apat. Tatawa-tawa nila akong pinakawalan. Hinimas himas ko ang leeg at masama silang tinapunan ng tingin. Nagsisi na ako ng 'di ako nakapagsimbang gabi. Naihiling ko sana na bumait ang mga anak kong 'to. Naghihirap na ang kalooban ko! Ahuhu 😭😭😭.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now