XVIII

8 0 0
                                    

C H A P T E R: 18


CONSONANT P.O.V


"Tahong what's the problem- W-what the?! Consonant?!"

Liningon ko ang taong nasa likuran ng babaeng nasa harapan ko. Maluha luha nila akong tinignan. Parang hindi sila makapaniwala na may Dyosang nagpakita sa kanilang harapan. Samantalang shock lang ako para artistahin ang peg.

Yayakapin na sana ako ni Letter ng siyang layo ko naman ng katawan ko sa kaniya, at agad sinunggaban ng yakap si Drape. Anong akala niya?

Obvious naman ano? Nahulaan niyo ba sila?

Anyway . . . Grabeng ganap ngayong araw. Nakaka-iyak na nakakapanlumo.

"I miss you Crushiecakes!" Tili ko. Kinurot ako ni Bruha sa'king likuran. Masakit!

"Ayy wow! Malandi ka pa rin, mas inuna yinakap 'yong crush kesa sa'kin. Nang gigil ako sa'yong babae ka!" Agad kong kinalas ang yakap sa gulat na gulat pa rin na si Drape. At sinunggaban na din ng yakap si Letter. Magtatampo pa, akala niya naman tatangkad siya niyan. Naramdam ko ang paggalaw ng balikat niya senyales na tumatawa siya--- char. Umiiyak si Duwendita. Hinalikan ko siya sa ulo.

"M-masama ka talaga . . . tiniis mo kami. How dare you gurl?! Masama ka!"

"I know girl. Matagal na." Sabi ko naman with irap pa. Wala naman sa'kin nagbago. Umi-evolve lang ang kagaspangan ng ugali ko.

Napa-aray ako ng kinurot niya ulit ako, kaso sa puwet naman ngayon.

"Nakalimutan mo mga bayarin sa Bombay, bruha ka at ipinangalan mo pa kay Tahong ko!"

Napangiwi ako. "Friend. Seven years na iyon. Uso move on. Sana . . . kinalimutan niyo na lang utang ko. Atsaka atleast bago ako umalis naipamana ko sainyo ang 40 thousand kong utang."

Lalong umiyak si Letter sa sinabi ko. "H*lang talaga kaluluwa mo. Buwisit, hinanap ka namin! Linibot namin ang mga one million na preso sa buong mundo kasi naniniwala kami--- alam ng puso ko na sa prisinto ka lang namin mahahanap." Madrama niyang lintaya sa'kin with uhug pa.

Sinabunutan ko siya. Ginigigil din ako nito e.

"A-aray ko! Mapanakit ka talaga Consonant!"

Buwisit. "Walanghiya ka! Ano akala mo sa'kin? Criminal?!" Nanlalaking mata na tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Hindi ba- aray!"

Inalis ko na ang kamay ko sa pagkakasabunot sa kaniya. Inirapan niya ako ng makawala siya. At agad niya akong dinuro-duro.

"Pasalamat ka nga hinanap ka namin! Hinanap ka nga din namin sa mga sementeryo e. Sa libingan ng mga bayani . . . Pinakanahirapan kami ay noong pumunta kami sa taal volcano. You know, umaasang . . . baka sakaling nasa loob ka ng Taal . . . nagsusunog ng kaluluwa mo. Ganern."

Magsasalita na sana ako ng narinig ko ang malalim na boses at may halong iritasyon na kumuha sa atensyon namin ni Letter.

"We need to talk Consonant, explain everything to us what happened, hindi ko papalampasin ang ginawa mo sa'min ni Letter. You disappear for almost 7 years . . . at dito ka pa namin makikita."

Malungkot kong nginitian ang dalawa. Tama si Drape. Pero crush ko pa rin siya hanggang ngayon. Wala ng magbabago d'on. Guwapo pa rin si Crushiecakes e. Eksahedara akong suminghap.

"Crushiecakes, let me explain, oo, kasalanan ko pero . . . I'm back, puwede na natin ipagpatuloy ang naudlot nating pag-iibigan. Aagawin na kita kay--- aray! Joke lang." Sabay nila akong binatukan at ang sakit, ha! Napailing na lang si Drape habang nangingiti. Inakbayan nito si Letter na may ngiti din sa labi kahit umiiyak pa rin. Si Crushiecakes ang naging kasangga ko noon. At ang sister ko na si Letter na buang pa rin hanggang ngayon. Nakaka-miss din pala ang third party sa'min tatlo. Ayy love triangle pala 'yon.

"Your hair . . . it's back to original form, huh?" Tumango ako.

Magsasalita na sana ako kaso may naririnig akong nagsisigaw na akala mo may sunog at magugunanaw na ang mundo. Kilala ko na, kahit yata nasa outer space sila at nasa ibang lugar pa malalaman na malalaman kong nasa malapit lang sila sa'kin... Lukso ng dugo e.

"Mama! Mama! Mama? May dala kaming pancit!"

"Mama? Manong may nakita ba kayong... babae? Pero mukhang lalaki? Tama lang ang tangkad niya po e. Kulot ang buhok. May sungay at mahaba ang dila---- Ayy wala? Ayy opo! Tiktik po 'yon."

"Mama! Mama! Nasaan ka!? Papasabugin namin 'tong Mall na 'to kung 'di ka namin makikita!" Nagsigawan naman ang mga nakarinig.

"Joke lang! Kayo naman!"

"Mama! Where na u? Nandito na us?"

"Mga kambal pigilan niyo 'ko! Ayaw ni Mama magpakita---"

Busangot ang mukhang hinarap ko ang mga maliliit na pasaway. Two meters lang ang layo nila sa'kin. Mukhang kanina pa nila ako hinahanap. Agad naman nila akong nakita, lukso ng dugo talaga e. Sisinghalan ko na sana sila kaso bigla na silang nagsisigaw ng makita ako. Halos magkadapa-dapa pa silang lumapit sa'kin.

Napakunot ang noo ko ng mapansin ang mamula-mula nilang mata at ilong. Papaiyak na.

"Mama! Bruha si Mama!" Hinaplos ko ang mga buhok nila isa isa. Nakatingala sila sa'kin. "Sorry natagalan si Mama." Sabay ngiti sa kanila. Naawa naman ako ng bigla na silang nagsitulo mga luha nila with sipon. Nawala naman agad ang awa ko dahil sa mga sunod sunod nilang mga reklamo.

"Iiwan mo kami Mama? Sa sampung buwan mong pagdadala sa'min sa tiyan mo? Babalewalain mo na kami?"

"Paano Ma ang mansiones? Sino na ang maglilinis n'on?"

"Wala ka Mama utang na loob! Sampung buwan Ma! Sampung buwan? Ganoon gan'on na lang?"

"Aba Mama! Paano mga ari-arian natin? Ang apple watch ko?"

"Iyung mga hindi pa na lalabhan ng brief kong si spongebob. Paano iyon Ma?"

Hiding Vowels Where stories live. Discover now