C H A P T E R: 26

NARINIG ko ang paos na boses ng isang- engkanto ba 'to?

"Ikaw ba iyan iha? Kapipe Marimar is that you na ba?"

Kaya pala! Si Mang Kepa-- Kepoy! "Mang Kepoy?" Nahihintakutan kong tawag sa matandang dugyot. Sinampal sampal ko pa mukha niya, siya nga! Nags'ya-shining shimmering ang kalbo niyang ulo. Bigla na lang siyang sumigaw at super baho ng hininga niya! Amoy patay na daga! Daga ba ulam niya lagi bukod sa pag-aadik tuwing hating gabi?

"Ikaw nga! Atulungan niyu aku! Mga madlang pipol!Siya ang criminal!"

Agad akong bumangon sa pagkakapatong sa kaniya. Dahil sa sigaw niya ay nagsitinginan at lingunan ang mga madlang pipol. May pinulot itong tarpaulin na mukhang dala-dala niya at binuksan ng matandang si Mang Kepoy. Bumungad ang--- ang pangit, ha?

"Ikaw itu diba? Ikaw itung nambudol sa'kin!" Sinimangutan ko siya.

"Hindi ako 'yan no! Mukhang engkanto 'yang nasa tarpaulin! Maligno 'yan!" Agad akong tumakbo papalayo sa kaniya pagkatapos kong sabihin 'yon. Sa pagtakbo ko may nabunggo na naman ako. At guess what!?

Nahalikan ko pa sa pisngi! Kadirdir!

Nagulat ako sa pamilyar na mukha. "Ka Uhug? Ang eks with benefits ni Aleng Tebelbel!" Mas natakot ako. Iyung malaki niyang mata na nakatitig sa'kin at namumula pa talaga. Malaki din ang bunganga niya. Mga halimbawa na nagma-m_rijuana sa umaga.

"Ikaw iha! Type mo ako no?" Sinuntok suntok niya pa ang lawlaw na tiyan at binibida pa ang lawlaw niyang muskels. Naka-topless kasi ang matanda at panot pa---- panot ang balbas niya sa baba. Katakot ano?

Ka-manyak din!

"Kadiri ka!" Singhal ko. Narinig ko ang matinis na boses ni Aleng Tebel? Sabi na! May namamagitan pa sa dalawa! Nakita ko siyang nakasuot ng pang sexy na damit. Napangiwi ako. Ang dugyot mga besh!

Sinampal ko si Ka-Uhug at tumakbo ulit. Narinig ko ang pagpito. Paglingon ko. Nakasakay sa 'di gulong na basurahan si Mang Kepoy with bodyguards and pulis. Nagmukha siyang lider ng mga kawatan. At nasisiraan na siya ng bait dahil pinaglalaruan niya pa ang basurahan with may pa broom broom pa. Kawawa ang mga kasama niya. Mga tagatulak. Kung mga broom broom akala mo talaga sasak'yan! Naghihingalong kotse kung gan'on.

Binilisan ko ang pagtakbo. "Habulin niyu ang criminal!" Sigaw niya pa. Ba't ako? Wala naman akong ginawa sa kaniya! Siya kaya ang mukhang criminal sa'ming dalawa.

Heto na naman! May nabunggo na naman ako. Naipulupot ko pa ang braso sa leeg niya. Hinigpitan ko pagkakasak_l sa kaniya. At para lang ako nakalambitin. Ang taas niya kasi! Halos mahigit ko ang hininga ng makita ang mukha ni--- Dalter? Tinakpan ko agad ang mukha gamit ang dalawang palad. Napa-OMG ako.

"You... ikaw iyong inaanak ko diba?" Nakakunot noo niyang tanong sa'kin. Uto-uto din talaga 'to.

"Hi Ninong? Penge ako 30k. " Bati ko sa kaniya. Sinimangutan niya ako. Narinig namin ang pangit ni boses ni Mang Kepoy. Ang living deodorant ng mundo.

"Budol budol 'yan!" Sigaw niya.

Agad akong umalis sa pagkakahawak niya at liningon si Mang Kepa--- nahulog na siya sa sasak'yan niyang basurahan. Una mukha at nakita ko kung paano ngumiwi ang mukha niya, parang paunti-unting nadudurog. Nakakaawa po mga kababayan ko. Kita kong may hinawakan ito kahit wala naman. Pero kumaripas agad ako ng takbo. Pero bago ako umalis ay pinisil ko pa ang braso ni Dalter. Kakakita pa lang namin kanina ah!

Napunta ako sa garden. Nakita ko ang maraming tao mga mayayaman at puwedeng mahihingian ng pamasko. Pasimple akong nagtago sa ilalim ng mesa. Tutal nakatutok naman ang mga atensyon nila sa stage, kaya hindi nila ako napansin. Nanlalaki ang matang bumungad sa'kin ang hindi inaasahang mga mukha. Hindi kayo magugulat dahil bumungad sa'kin ang mga anak kong may hawak ng ulo ng letson. May pinggan pa silang hawak na may lamang pasta at dessert. Hindi nila natuloy ang pagkain sa--- tenga ng baboy?

"Mama---"

"Shhhh!" Agad ko silang pinatahimik. At nginitian na parang si Chuckie. Kinuha ko ang hawak nilang tinidor at ginaya pa ang baliw na barbie. Ang barbie-dal na pandak at kulay orange pa ang buhok. Ang kampon ng kasamaan na barbidal.

Dito ko na wawakasan ang mga kasamaan nila sa mundo. Wahaha!

Hiding Vowels Where stories live. Discover now