XLIV

27 3 4
                                    

C H A P T E R: 44

"THEY look exactly like you," pagbabasag niya sa katahimikan.

Tinaasan ko siya ng kilay at napa-cross arm. "Natural, sa'kin sila galing e, ako umire diyan."

Umayos siya ng pagkakaupo. Nakadekwatro ang loko, feel at home. Hinawi niya pa ang kaniyang buhok kaya nagmukha na itong magulo. Nakakainis lang dahil mas lumakas pa ang appeal niya.

Unfair din talaga ng mundo, ba't mukha siyang blooming habang ako hangard na haggard na?

Naiinggit ako.

Inayos ko din ang pagkakaupo ko. Cross legs kahit naka-t-shirt at simpleng short lang ang outfit ni akes. Inayos ko pa ang mamasamasa kong buhok at hindi pa maalis alis sa'king mukha ang nakataas ko pa ring kilay na lalagpas na sa bubong namin.

"You change," malinaw na narinig ko mula sa kaniya.

Hindi ko mabasa kung ano man ang emosyon na nakarehistro sa kaniyang mukha.

Pero nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong change ba na pinagsasabi ng tukmol? Iyung tinutukoy niya yatang Consonant dati ay mapagpanggap! Feeling lumugar sa buhay nilang mayayaman kahit alam niyang mahirap na mahirap siya. Ni pag aaral ng babaing 'yon na pabayaan para makabili lamang ng mamahaling gamit! Imbis kasi pambayad sa gastusin sa school hindi lamang naasikaso!

Isa siyang dakilang peke!

Plastik!

Napailing ako. Past is past. Hindi na ako katulad ng dati. Hindi na ako magtutwerk sa harap ng meeting niya with his employees para maakit siya. Hindi na ako magnanakaw ng mga brief at boxer niya para i-display sa'king kuwarto at ipapa-frame ko pa. Hindi na ako mag aaksaya ng oras na i-edit ang picture naming dalawa na kunyare nasa tuktok kami ng Mayon Volcano. Hindi na ako katulad ng dati na magba-vandalism ng mga pangalan namin sa dingding ng kumpanya niya para lang i-ukit ang Consonant ❤ Dalter Bold--- este Dalter Gray.

In short.

Hindi ko na siya pagnanasaan pa.

Tapos na ako sa pag-aaksaya ng oras ko para lang magpapansin sa matandang 'to!

Nakakapagod kayang magpanggap para matanggap niya lang. Kung hindi lang kasi talaga sa pag-ibig na 'yan! Tse!

Naiinis na naman tuloy ako. Kaya ayoko na uli makita itong si Dalter e! Tumataas dugo ko sa kaniya. Pinapainit niya ulo ko.

Naagaw sa kailaliman ng pag-iisip ko ang biglaan niyang pag-ubo.

Kita mo na? Matanda na siya! Kaya siguro gusto niya ng makilala ang mga anak ko ay dahil para maibigay niya na ang sa kanila ang last will testament.

Sana may maipamana din siya sa'kin, kahit isang simpleng black card lang tutal ako naman ang naghirap na manganak. Pumasok lang naman siya at nagpapaputok. Habang ako nag 50-50.

Siguro katapusan niya na, ano?

"Matanda ka na," bulong ko lang sana kaso mukhang napalakas at narinig niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"What do you mean by that?" Nahimigan ko ng inis sa sinabi niya.

Napairap ako at nag-flip hair. Bungol din talaga 'to. Siguro naging ganiyan siya dahil sa'kin? Hindi niya yata inakala na mayaman na ako.

In my dreams.

Nanlumo tuloy ako. Naalala kong may bayaran pala ako sa bumbay sa susunod na sabado. Inis ko siyang hinarap. Sana mabanggit niya na ang last will testament. Baka may ipamamana na siya sa mga bata . . .

Hiding Vowels Where stories live. Discover now