C H A P T E R: 25


CONSONANT
P.O.V


INAYOS muna namin ang pagkakainan sa lapag. Tulong tulong kami lahat. May naglalagay ng mga unan na puwedeng mauupuan. At ang mga bata na kung anu-ano na naman ang kinakalat. Iniinis na naman nila ako.

Hindi kami kasya sa mesa kaya doon na lang sa sala namin binalik ihain ang mga biniling foods ng mag-jowa. Tuwang tuwa ang mga bata sa mga pagkain. May borgor, prays, melkti at many more raw kasi. Nagtanong pa nga ang mabuting bata na si Arkus kung may feeds raw. Ipapakain raw kasi nila sa'kin. Hindi ako manok o baboy---- pero gusto ko magmura at itapon mga gamit rito sa loob ng hotel.

Liningon ko ang lima na busy sa pag-aayos ng mga kandila. "Mga anak, say hello sa Ninong Drape niyo at Ninang Letter." Liningon nila ang dalawa na nakaupo sa sofa na inaayos ang mga grocery nila kanina para sa'min.

"Sup Nong at Nang?" Bati nila sa dalawa. Nagsi-two joints sila at labas pa ng dila. Natawa si Drape at Letter.

"Ang cute naman! Ninong at Ninang niyo na agad kami! I'm so nata-touch!" Drama ni Letter, hinawakan niya pa ang puso niya. May papunas punas pa siya ng luha.

Ngumiti na lang ako ng pagkahinhin sa dalawa kong kaibigan. Inayos ko ang pagkakaupo sa sahig at hinawi ang kulot na buhok.

"Mga anak- anong turo ni Mama kapag nakita niyo si Ninang at Ninong?" Hindi ko pinansin ang masamang tingin na ibinibigay sa'kin ng mag jowa. Kilala na nila ako. At dahil mukha akong pera. Gets na gets na nila ang takbo ng mga laman loob ko sa katawan.

Ngumiti ang mga anak ko, sabay lahad ng dalawang palad na parang nanghihingi ng pamasko.

Proud kong binida ang dalawang kaibigan sa mga anak ko. "Mayayaman 'yan mga anak! Puwede niyong hingiin lahat lahat na gusto niyo!"

Napatakip sila ng bibig. Nangasim agad ang mukha ko. Ampaplastik din ng mga kupal na batang 'to.

"Ninong, pamasko ko po. One million na blue bills. Ibibili ko po si Mama ng deodorant, nanapak po amoy ng kilikili niya." Sabay sundot pa ni Arkus sa namamawis kong kilikili at pinasok sa ilong ni Drape. Hindi na naka-iwas si Crushiecakes. Napa hatsing pa siya at umuubo-ubo. Para siyang nasusuka. Eww. Ako ang nandiri sa nangyari sa kaniya.

"Huwag kakalimutan ang I-phone. Kailangan po kasi namin ipa-viral ang alatik-tik na mukha ni Mama e." Saad naman ni Erkus at hinawakan pa ang ulo ko para iharap sa dalawa. Narinig ko ang pag-crack ng leeg ko.

"House and Lot po sana, kapag magdadrama kami magkakapatid may mapupuntahan kami." Saad ni Ikarus na nagpapaawa.

"Kotse din po gusto ko. Iyong sports car. Kapag nainis kami kay Mama, puwede namin siyang iligaw." Walanghiyang wish ni Odanuz. Naiinis na kumamot ako sa leeg. Humihinga na ako ng malalim.

"Simple lang po ang hihilingin ko. Hacienda po. Gusto ko po ng may matataniman ng sama ng loob at may aanihin na kabutihan tuwing naghahasik kami ng kasamaan sa mundo," Uranus, nakadaop pa ang dalawang palad nito. Sumabat ulit si Ikarus.

"Ayy gusto ko pa po . . . Kahit eroplano na lang. Kasi balak talaga namin ihulog si Mama sa langit." Sabay-sabay nilang sinulyapan ang madilim na kalangitan. Ganoon kadilim mga ugali nila.

Tatayo na sana ako para sugudin ang mga anak ko ng sabay-sabay akong pinigilan ng mag-jowa. Nagsimula na namang ang pang-aasar nila sa'king mga kupal. Heto na naman sila! Inaaway na naman nila ako!

Nagsimula na'kong ngumawa. Kahit walang luha. "Waaaaa, kanina pa kayo!" Tinawanan nila ako, nagpagulong gulong pa sa sahig. Ipinag-uusapan ang ginawang panti-trip sa'kin kanina. Kesyo raw mukha raw akong aswang at baliw. Ginagaya pa nila itsura ko noong hindi ako makahinga sa pagtatakip nila sa'kin ng unan.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now