C H A P T E R: 41

CONSONANT P.O.V

MARAMING nagagawa ang pag-ibig. Sa sobrang dami, ayaw ko na lang mag-talk. Kung nabibili lang 'yan sa botika. Siguro ginawa ko na siyang vitamins.

Pero kung iisipin ko nga . . . marami naman talaga siyang kayang gawin.

May iba't ibang klase ng love na naka-depende sa mga tao na nasa paligid mo sa kung papaano nila ito maiintindihan. Kailangan mo rin tantyahin kung hanggang saan mo kayang mahalin- sa ganoon mo kasi naipapakita ang nararamdaman mo sa taong iyon e.

For example- ay ang mga anak kong tyanak. Iyung pagmamahal na hindi nawawala, hindi nasasaktan. Kalmado, kontento lang at masaya, may halong sama ng loob, inis at pagkairita... Ganoon kasi ang pagmamahal na nakukuha at nararamdaman ko sa mga anak ko.

Kadugyutan.

Charorot lang!

Pero iyung pagmamahal talaga na gusto mong ilaan sa lalaking gusto mo na maging iyo...

No comment.

Isang pagmamahal na nakakasakit.

Kita niyo naman na minalas ako.

Iyung love ko sa kaniya ay nakakawala ng kontrol. Hindi ko nakita ang mga posibleng nagawa ko dahil sa pagmamahal. Nabulag ako.

Para sa'kin kasi, tama iyon e kahit nakakairita na ako at mukhang desperada. Makuha ko lang siya- goods na sa'kin.

Hindi niya alam kung gaano kagustong gusto ko siyang maging akin at makasamang masaya na kaming dalawa lang. Pero sino ba linoko ko?

Lahat ng gusto natin hindi natin nakukuha ng madalian lamang.

Hindi ko nakuha ang pagmamahal niya . . . Pero madaya ang kupal kasi iyung kepay ko naman ang nakuha niya!

Napaisip tuloy ako kung nakapag ahit ba ako noong may nangyari sa'min?

Napasimangot ako.

Ang kadirdir ko naman kung magubat ang aking kifay ng mga araw na iyon!

Kung iisipin. Ang pagmamahal ko na iyon sa kaniya ay nauwi lang sa pagkatalo ko. At ayoko ng maranasan pa ulit 'yon sa maling tao at lalong lalo na sakaniya.

Naala ko pa. Bilang ko lang sa'king mga daliri kung ilan beses ako ngumiti- Pero hindi ko naman mabilang kung ilan beses ako nasaktan at umasa sakaniya.

Sa sobrang dami na nagagawa ng pag-ibig. Isa na roon sa kakayanan nito na gawin kang bobo at despereda. Tapos darating na lang sa point na masasaktan ka na lang hanggang sumuko.

Panahon lang din talaga ang makapagsasabi kung kaylan ka gagaling sa pagiging sawi mo sa pag-ibig.

So ano ang connect ng kadramahan ko sa previous chapter?

Honestly... wala naman.

Pero bakit nga ba ako nag dadrama at pilit maging sad gurl?

Oo nga pala... jejemon nga kasi ako- joke!

Inikot ko na lang ang paningin sa paligid. Napalalibutan kasi ako ng mga couples. Napairap tuloy ako.

'Di sila na!

Ibinaling ko lang ang aking atensyon sa mga kasama ko na nagdadaldalan. Serious kasi ang pinag uusapan nila kaya hindi ko kayang maka relate. Masisira ko lang ang usapan nila. Puro pa naman kalokohan ang nasa utak ko.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now