XXXVI

12 1 0
                                    

C H A P T E R: 36

CONSONANT P.O.V

HINDI ko alam kung bakit umabot ng ilang weeks--- este ng buwan na hindi nag update si Author! Ano na 'to? Tengga na lang ang aking madramang buhay?

Masama ang loob na lumabas ako sa silid ng mga bata.

Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ba ako pero may na aninag akong sumisilip rito sa bahay namin.

Linapitan ko ang isang bintana na nakatapat sa kuwarto ng mga kuto kong anak, inilabas ko ang kalahati kong katawan rito at madramang linanghap ang simoy ng hangin.

"The sun's come out🎵🎶
tomorrow--- hindi ko alam ang lyrics
pero, Tomorrow--- lalala. . .
Tomorrow,
Tomorrow,
I love yah!
Tomorrow🎵🎶"


Madrama kong kanta at ginaya pa ang boses ni Ms. Lea Salongga.

Proud akong ngumiti sa madilim na kalangitan at madrama din na suminghap-Ganito kasi iyung mga ginagawa ng mga sad gurl these days. Nakikigaya lang ako. Hindi niyo lang alam pero dream ko talaga maging theater actress. I remember nga e, when I was highschool pa, sumali ako ng drama club. Ginawa nila akong bato sa musical drama nilang Snowhite.

Astig ano?

Bida bida naman ako noon at agad kinuha ang spotlight ni Snowhite. Agad kasi ako nagpakitang gilas, nagback flip ako. Una kaluluwa kasi 'di ko keri ang buwis buhay na stunr. Kumanta na lang ako ng 'Maalaala Mo Kaya', with twerking.

Binagsak ako ng Mapeh teacher namin dahil sa ginawa ko.

Ginawa ko na raw kasing horror ang roleplay namin. Ang sama din ng ugali ng gurong 'yon. Hindi niya pinapansin ang talents ko!

Hindi ko naman kasalanan 'yon kung nagmukhang horror 'yung musical play! Dapat ako talaga ang bida d'on!

Sinara ko na ang kahoy na bintana namin. Na badtrip ako.

Mabisita nga teacher ko nung highschool. Sasali ulit ako sa drama club nila. Gusto ko ako na magtatago ng mga contribution sa school. Tapos uutangin ko muna. If ever na singilin nila ako. Promise, sa next life ko na lang sila babayaran. With additional 5 centavos at jeje pictures ko pa.

"Friend---"

"Ay tyanak!" Tili ko sa gulat. Agad akong yumuko at nakita ko sa'king paananan si Letter na nakatagilid ang ulo habang gulo gulo ang buhok.

Bruha ang gaga!

Tinatanong ko siya noong nagkita kami sa Centro kung nagsisinghot ba siya ng pinagbabawal na gamot. 'Hindi' naman ang naging sagot niya pero nakatanggap ako ng samp*l sa kaniya ng araw na 'yon.

"Umayos ka Letter. Gabi ngayon. Doon kita papatulugin sa labas ng bahay."

Inirapan niya ako. Nakita kong may inaabot siyang ipis sa paanan ko at agad niya na itong kinain. Joke lang. Itinapon niya lang ito sa may butas sa gilid ng bintana.

Tumayo na siya at tinuro ang nakasarang pintuan. Agad ko namang naintindihan ang ibig sabihin ng sinenyas niya.

"Maghugas ka muna ng kamay mo."

Tumango lang siya sa utos ko. Hindi ko na sa kaniya tinanong kung nasaan si Crushiecakes dahi nakita ko naman ito na pumasok sa kuwarto ng mga anak ko. Good luck na lang sa kaniya.






N♡TE: Next year ang update---- charot lang po!

Hiding Vowels Where stories live. Discover now