XXXV

11 1 0
                                    

C H A P T E R: 35


THIRD PERSON P.O.V


TULONG tulong ang lahat na ayusin ang mesa na kanilang pinagkainanan. Hindi maawat ni Consonant ang mga anak na nagaliligalig at nag-aasaran na naman.

Natatawang kinuha ni Drape ang mga pinggan at inako na ang hugasin. Madramang suminghap si Consonant at pinapayan pa ang sarili. Napaupo pa siya sa sahig at madramang tumingala sa Crushiecakes.

"Your my savior talaga." Maarte niyang wika with punas ng luha sa mata.

"Bruha ka pa rin hanggang ngayon." Irap sa kaniya ni Drape na mangiwingiwi sa pinagagawa niya. Asar na asar niya naman tinapunan ng tingin si Letter na tinatawanan siya ng bongga bongga at tumatalsik pa ang laway.

Kadiri.

"Buset pa rin kayong dalawa ano?" Naiinis niyang lintaya habang inaayos ang suot na daster.

"Hindi mo sure Consonant! Hindi mo sure." Tatawa-tawang sambit ni Letter na pinagpapalo ang balikat niya. Halos mapasinghap siya sa sakit---- mukhang matatanggalan pa siya ng braso sa pagpalo ni Letter. Nangingiwi niyang kinurot sa braso ang kaibigan. Pagkatapos ng kanilang asaran. Busangot ang mukhang linapitan niya ang mga anak na nagsasayaw kahit kakain pa lang.

'Kita mo 'tong mga 'to, plano pa yata magka appendix.' Sa isip ni Consonant.

"Naka-handa na ang mga pantulog niyo sa ibabaw ng kama.Kaya bahala na kayong magpalit ng mga pantulog niyo at dumiretso na kayo mag sleep, ha?" Naniningkit siya tinitigan ng mga ito

"Saan po kayo Mama pupunta? Kung magpapakalayo layo kayo, huwag niyo ng tangkain." Saad ni Uranus.

Ngumiwi si Consonant sa anak at pinaypayan ang sarili.

"Hindi ako magpapakalayo layo. Diyan lang kami sa labas ni Ninang Letter mo. Magtsi-tsimisan." Nakatanggap siya ng thumbs up sa mga anak.

"Mag 'tabi-tabi po' kayo Mama. Mahirap na! Nasa paligid niyo lang ang mga elementong hindi natin nakikita. Awuuuu--- Mama matakot ka! Mama! Awuuuu?"

Ilang beses pa siya pinilit. Napakamot si Consonant sa kaniyang ulo na ginaya naman agad ng mga maliit na bata. Plastik na tinakpan niya ang bibig at pinamukhang takot na takot ang mukha niya. "Urur? Atakut ako! Halaaaaa, scared na me." Binulong niya lang ang unang salita. Mahirap ng magaya pa ng mga anak, eh mga lumalaki na ngang gaya gaya kahit yata paghinga niya ginagaya na ng mga ito.

Umiiling iling si Ikarus na hindi satisfied sa kaniyang acting skills, pinipilit ulit siya at gandahan na raw ang pagkakatakot. Ilang ulit niya pa ginawa ang takot takutan na acting. Hanggang sa badtrip na naman siya at gustong kurutin sa singit ang mga anak.

"Gabi ngayon Ikarus. Baka gusto mo matulog sa labas?" Ngumiti lang sakan'ya ang bulinggit.

"Baka mas gusto mo po Mama matulog sa labas?" Epel ni Arkus.

"Pinagbabantaan mo ako Arkus?"

Umiling si Arkus at nakasimangot na linapitan siya. Pinulupot nito ang dalawang braso sa kaniyang tiyan at napangiwi siya ng pinunas nito ang musmusing mukha sa kaniyang damit.

"Bawal si Mama lumabas!" Sunod-sunod naman nagsiyakapan ang mga bata sakaniya. Naiiling na lang siya sa mga trip ng mga anak. Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng mga isip nito.

Sa huli, sinamahan niya muna ang mga bata sa silid ng mga ito para patulugin at takpan din ang mukha--- charot. Sinenyasan na lamang niya si Letter na hintayin siya sa kanilang maliit na sala. Tumango lang ito at nag-sign ng 'okay' sa kaniya.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now