C H A P T E R: 19

IPAALA niyo sa'kin bumili ng maraming paracetamol sa sakit ng ulo, ha. Nag-iinit bunbunan ko e.

Grabe naman. Sobra sobrang panunumbat ang inabot ko. Ilang oras ba ako nawala sa paningin nila at kung makapag-reklamo akala mo linayasan ko ng sampung taon?

"T-talong mahihimatay yata ako," sabay-sabay kaming mag-iina hinarap si Letter na hawak na ang dibdib. Gulat na gulat sila sa revelation. OA pa rin as ever ang bruha. Feeling niya kinagaganda niya 'yan.

Yinakap siya ni Drape. "Malayo ang hospital rito Tahong sa susunod ka na lang mahimatay,"

"Ilang oras ba ang biyahe? Mag helicopter na lang tayo--"

"Traffic sa langit, may next time pa naman...."

"Okay, fine. Madali naman ako ka-talk e."

Naiiling na lang ako sa dalawa. Ang ewi pa rin pala ng relasyon nila. Walang pinagbago. A*sahin ko na lang kaya 'to si Drape at pagkatapos magiging kawawa na si Letter. Char lang. Obvious naman na masayang masaya sila. Sirain ko kaya? Ano? Char char lang ulit.

Napagpasiyahan namin magkakaibigan na kumain na muna at mag-usap sa isang pribadong lugar. Dahil mayaman si Drape siya na ang nag-insist kung saan kami kakain ngayong tanghalian.

Dinala niya kami sa isang resto. Walang gaanong tao kaya puwede nila akong gisahin mamaya dahil alam kong marami silang gustong malaman sa'kin after 7 years na pagkakawala. Pa celebrity masyado buhay ko.

"Mga anak, doon muna kayo sa isang mesa." Paki-usap ko sa mga anak ko. Nagkatinginan muna sila bago ako tinaasan ng kilay. Mga nakapulupot din ang mga braso nila na akala mo mga mean girls sa drama. Nag-a-adik na naman.

"At bakit naman Mama?" Masungit nilang tanong. Sabay-sabay pa. Agad ko silang sinenyasan na lumapit para mabulungan ko. "Baka magkatotoo na kasi ang pinapangarap niyong I-phone."

Nagkatinginan muna sila at sa huli sinunod na din ako.

Sa isang malapit na mesa sila naupo. Napangiwi ako ng nagsilabasan sila ng mga binggo sheets/ cards galing sa suot nilang pantalon. Ginawa pa nilang pulutan ang fries at shot glass ang baso na may lamang fruit shake na libre ni Drape.

"Kampay!"

"Para sa susunod na eleksyon!"

"Para kay Mama!"

"Kay Mama!"

"Mabaho si Mama!"

"No comment!"

Sumigaw din ako. "Mga buwisit! Sasakalin ko mga alaga niyong manok! Tagay!" Nagtawanan sila.

"Si Mama feeling close na naman, 'di naman kasali." At nagsitawanan na naman ulit. Ibabato ko na sana ang flower vase ang kaso may pumigil sa'kin, madrama ko siyang hinarap. "Bitawan mo 'ko Drape," mag halong gigil na saad ko.

"Mahal 'yan Friend. Mga nasa 25 thousand 'yang paso," wala akong choice. Yinakap ko na lang ang vase at ngumawa.


"Sa letrang B . . bungal." Sigaw ni Uranus. Nagsihiyawan ng tumama si Arkus.

"Sa Letrang . . . N! Nokbuk?" (Notebook)

Hinarap ko ang dalawang kaibigan ko. Nakatutok ang mga mata nila sa limang bata. Nakaguhit ang tuwa at pagkamangha sa mukha nila. Ha! May sa kadiliman ang mga batang 'yan kung alam lang nila. Nakuha ko naman agad ang atensyon ng dalawa ng nagsalita ako.

"Huwag na kayong magtaka kung ganiyan mga ugali nila. Hehe." Natatawa akong hinarap ni Letter. Inayos niya ang buhok at naiiling sa'kin.

"Grabe Friend! Ikaw na ikaw 'yan! Mas malala ka pa nga! Grabe, totoo talaga pala ang kasabihan.... Na kung ano ang puno siya ang bunga!" Nagtawanan pa sila ng jowa niya. Napasimangot ako.

Nagbago naman agad agad ang reaksyon ng dalawa at seryoso na akong tinitigan. Napabuntong hininga ako. Ang bilis naman ng pagbabago ng reaksyon ng dalawang ito. Halatang mga chismosa.

"Friend, seven years- anong ginawa mo sa seven years?" Nangungunang tanong ni Letter.

Na sinundan naman ni Drape. "Ba't hindi ka namin ma-contact? Kakabalik pa lang namin galing bakasyon sa probinsiya ni Letter, nalaman na lang namin na pinalayas ka ni Mom.... kinabukasan, pagkatapos mismo ng kaarawan ni Kuya."

Parang may bumabara sa lalamunan ko. Plema itu. Malungkot kong sinulyapan ang mga anak---- nawala na sila sa mesa. Okay. Malungkot kong sinulyapan ang- ba't ba nakaharang ang kurtina ng restaurant na ito? Ihahawi ko na sana ng makakita akong pamilyar na mukha na umiiyak- nanliit ang magaganda kong mata ng makumpirmang mukha ni Mang Kepoy ang nakikita ko. Ba't may mga kasama yata siyang pulis? Sabi na e! Criminal ang matanda.

Pero anyway, naba-badtrip na ako dahil wala akong p'wedeng masulyapan na pagdadramahan. Sa huli, itinutok ko na lang ang dalawa kong hintuturo sa'king ulo. At pinaawa ko ang mukha. Parang ganito:
👉😌👈 at sinimulan ko na ang madramarama na kuwento.

"Ito ay rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng mga magulang ang kailangan. Maaring may maseselang Tema, Lengguwahe, Karahasan, Seksuwal, Horror at Droga na hindi angkop sa mga bata . . ." Narinig ko na lang ang pagpatugtog ni Letter ng "Pusong bato". Pinasalamatan ko siya.

"Noong ika'y ibigin ko🎶🎶
Mundo ko'y 'di magbabago,
Akala ko'y ika'y akin,
'yun pala'y sakit ng ulo🎶🎶"

"Ahuhuhu! Nakakaiyak!" Inirapan ko ang Letter. Excited ang boba.

"Hindi pa nga ako nagsisimula magkuwento!" Agad naman siyang humingi ng tawad.

"Ayy hindi pa pala." Nag-pout pa siya at siniksik ang sarili kay Drape. Talandi.

Tinutok ko na lang ang atensyon sa wine glass. Kinuha ko 'to at ininuman kahit walang laman. Ganito 'yung mga nasa drama. Dapat mayaman na ako e. Kaso na bankrupt ang negosyo kong paputok---charot.

"Taong 2015 ng Marso. Road 4, block 222, Subdivison El Entire. Naglalakad ako sa gitna ng dilim. Heto ako, basang basa sa ulan. Walang masisilungan, walang malalapitan. Sana'y may luha pa. Ako mailuluha at ng mabawasan ang aking kalungkutan---"

"Siraulo!" Asar na sabi ni Dalter. Muntik niya na ako ma-upper cut. Mabuti nalang talaga immortal ako at nakaiwas. Magic! Twalala . . .

Hiding Vowels Where stories live. Discover now