XXVII

9 1 0
                                    

C H A P T E R: 27

THIRD PERSON P.O.V


HINIHINGAL ang mag-jowang si Drape at Letter sa paghahabol nila sa bruhang kaibigan. Halos lumaki din ang mga mata nila ng makita ang hindi inaasahang tao--- walang iba kung hindi si Dalter Gray na may kausap na matanda at pinapalibutan ng security guards at dalawang pulis. Pamilyar din sa kanila ang matanda dahil nakita nila ito sa balita kaninang umaga lamang.

May hawak itong tarpaulin. Winawagayway pa ito ng lalaki. Napangiwi sila ng makita ang malasa-impa*tong mukha sa larawan.

"K-kuya," agad kinurot ni Letter ang braso ni Drape dahil sa nauutal nitong boses. Kunot noo silang hinarap ng seryosong mukha ni Dalter. Pansin nila ang namumulang leeg ng Kuya niya at may bakat pa ng kamay.

"Huhuhu! Tulungan niyu aku hanapin ang bruhang iyun!" Umiiyak na ani ng gurang.

Hindi nila iyon pinansin dahil nakatutok lang ang kanilang atensyon sa lalaki na nasa kanilang harapan. Naka-gray v-neck shirt si Dalter. Suot pa rin nito ang pants sa trabaho.

"Nandito kayo?" Nagtatakang saad ni Dalter. Tumango lang ang dalawa at iniwas ang tingin rito. Gusto nilang simulan ang panuntok sa mukha at pagdudurog ng eggnog ng lalaki. Ihulog sa 30th floor nitong building at itapon sa loob ng taal volcano.

"Huhu! Hulihin niyu pu ang babaeng iyun! Kulot pu ang buhok nung babae!"

Nagkatinginan ang dalawang mag-jowa at kuryusong naki-chismis din sa drama ng matanda.

"Kuya, ano ang problema rito?" Naiiling na hinimas ni Dalter ang noo at mukhang stress na stress na naman bago sinagot ang kapatid.

"There's one lady or young lady? I don't know but it seems like she's a thief or member of a cult? And this old man ask for help to our guards and some policemen. Nandito lang raw kasi iyong nambubudol." Mukhang naguguluhan pa ang mukha ni Dalter sa pag-e-explain.

Napalunok si Letter at sumabat sa pag-uusap ng dalawa. "Puwede mo ba ilarawan ang itsura noong magnanakaw?"

Sumabat ang matanda dahil epal din at isang bida-bida.

"Huhuhu! Kulot ang buhok niya. Maganda ang mukha! Payat at mukhang batang Ina! Kasama niya pa nga iyung limang anak niya e!" At nagsimula na naman ang nakakarinding hagulhul ng matanda. May pasa pa sa mukha si Mang Kepoy at putok pa ang labi nito dahil sa pagkakasemplang sa sinasakyan kanina na basurahan. Shunga kasi.

Magkasalubong ang kilay ni Dalter at Drape. Samantalang tumalikod si Letter at sumigaw ng walang sound sa inis.

Napabuntong hininga si Drape at sinulyapan ang nakakatakot na mukha ng kaniyang Kuya, madilim at mukhang linalamon na naman ng kung anu-anong thoughts sa life ang mood nito ngayon.

"Ang mata niya ba ay kulay itim pero iyung sa kanan ay kulay pale brown?" Kumunot ang noo ng matanda. At napapaisip sa sinabi ni Dalter.

"Ewan ku utoy. Malabo na mata ku e."

"Bakit Kuya? May ginawa ba sayo ang taong iyon?" Tanong ni Drape. Inayos niya ang reaksyon, pero deep inside kilala niya na ang tinutukoy nito. Kinakabahan din siya dahil baka may nalalaman na ang kaniyang utol--- Kuya sa kaniyang mga pamangkain.

Tumango ang kaniyang kuya.

"Yeah. She told me that inaanak ko raw siya. Ako raw ang Ninong niya. Nanghingi pa nga ang babae ng sampung libo but I only gave her 20 thousand instead."

Nagkatinginan ang mag jowa at pasimpleng natawa. Hindi talaga nila mabasa ang mga trip sa buhay ni Consonant. Umabot sa ganoong level ang kabaliwan ng kanilang kaibigan. Sineryoso ulit nila ang mukha at nagtanong naman sa matanda ang isa sa kanila.

"Puwede po ba namin malaman kung anong ginawa sainyo noong babae?" Malumanay na tanong ni Letter sa matanda.

Hinawi hawi ni Mang Kepoy ang invisible niyang buhok dahil kalbo nga siya. Malungkot na tiningala ang chandelier. Nagkatinginan ang tatlo sa ginagawang pagdadrama ng kaharap. Naupo pa sa sahig si Mang Kepoy habang nakapulupot ang mga braso niya sa kaniyang hita. Sad boi si Mang Kepa---Kepoy. Sad boi po ang matanders natin.

"Aku si Kepuy Junjun TuVulin. 56 na aku sa darating na Abril. Isa akung bus driver. Naka-assign aku sa Centro. Byudu na aku pero ready pa rin jumingle. May mga anak peru lahat sila maaga ng nag-asawa. Mahilig aku manood ng drama sa gabi at manuud sa VivaMax. Isang araw habang linalaru ko ang aking Junjun---"

"Ano!? Kadiri ka Mang Kepoy! Matanda ka na!"

"Anung sinisigaw sigaw mu iha? Hindi aku bingi. Si Junjun ay asu ku!" Natawa si Drape. Samantalang napa-irap naman si Letter. Napaka dumi naman talaga ng utak ng babae.

"Ayy iha! Single ka pa ba? Puwede mu aku maging buyfrind. Kaya ko pa jumingle." Kumindat kindat si Mang Kepoy, pinapakita pa nito ang mataba tabang braso. Ngumisi pa sa kaniya ang dilaw nitong ipin (na mukhang ngipin ng isda) na siyang nagpangiwi sa kaniya. Nag-pogi sign pa ang matanda with labas ng itim nitong dila. Nakiki-uso din magmukhang hype beast. Mas mukhang naging beast nga lang ang hitsura nito.

"Gulat kayu anu?! Aku nga din nagulat! Akala niyu si Cucu Martin? Aku lang itu si Kepuy." Sabay sinutok suntok pa ng matanda sa sariling dibdib. Napangiwi sila. Nag-sexy dance pa ang matanda habang nakadila.

Naiinis si Drape lalo na ng lilandi pa nito ang jowa niya. "Magkuwento ka na Mang Kepoy. Nagdidilim paningin ko sayo e."

Napa-pout ang Mang Kepoy at pinagdikit ang dalawang hintuturo 👉👈. Nagpapa-cute.

"Ayun nga . . . Linalaru ku si Junjun, nagpakita sa'kin ang kapatid ku. Si Kefay. Ang bayut kung kakambal. Kailan niya raw ng pera, nakagat raw ni Junjun ang nubyu niya-----"

"Mang Kepoy, mag padala ka na lang ng sulat kay Tulfo. Doon ka na magkuwento sa talambuhay mo. Pakisagot na lang po iyong tanong namin." Nangingiwing saad ni Letter sa matanda. Gusto niya ng iumpog ang ulo nito sa pinagsasabi ng baliw na kaharap.

Nagsimula na namang umiyak ang matanda. Parang bata itong nagdadabog sa sahig. Nagpagulong gulong, nag tambling, nag split, twerking at nagpaka-unggoyan sa chandelier--- joki joki!

"Huhuhu! Nagda-drive nga aku. Napa-prenu aku ng may dumaang itim na pusa. Siyempre natakut aku kaya naghanap aku ng ibang madadaanan. Peru nagutom aku. Gutom din ang mga nakasakay sa bus kaya pinarada ku muna ang sinasakyan. Bumili kami duun ng bulalu. Ang sarap nuun! Pagkatapus ku kumain----"

"Nag drive ka na?" Naiinip na tanong ni Drape. Umiling ang matanda.

"Hindi! Um-order ulit aku. Sarap e." Napatampal na lang sa mukha ang dalawang mag-jowa. Habang busangot naman ang mukha ni Dalter.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon