C H A P T E R: 40

CONSONANT P.O.V


HOLA! Ako si Dora! Ang bida bida niyong lakwatsera!

Juki juki lang!

Ako pa rin ito, ang magandang si Consonant. Ang super dyosang kaibig ibig niyong lingkod. Flex ko nga pala ang aking beauty.

Ang ganda at ang blooming ko nga pala ngayon.

Maiinggit kayo!

Kasi, dahil sa best day ever ito sa'min ng mga bebe boy ko. Excited ako.

Nakikita ko din kung gaano kalawak ang mga ngiti ng aking mga kabaranggay. May mga kaniya-kaniya pa silang hawak ng tupperware na I'm sure na gagamitin para sa pag take-out nila mamaya ng mga pagkain.

Napangiwi ako.

Grabehan lang talaga ang mga itow yow!

Inilibot ko na lang ang aking paningin sa paligid at pakendeng na linapitan ang stage. Umukit agad sa aking kissable lips ang nakakahalina kong ngiti.

Ang saya-saya ko talaga! Iyung tipo ba, na nakapag move on na ako sa guwapong may ari ng 30th floor na building, at isang CEO na may six pack abs, na may nanggagalaiting anaconda at tinataguan ng limang anak!

Ganoon kasi ang nararamdaman ko for today.

Napa flip-hair ako ng buhok. Worth it naman pala ang pagpapawis ng aking namamaho sa putok na kilikili na umaalingasaw din ng sobra sa baho- ang ganda plang at napaka lively ng surroundings. Nag flip-hair ulit ako. Ngayon lang ako ulit napagod ng ganito, maganda ang pagkakaayos sa maliit naming stage na pagaganapan mamayang salo-salo.

Kahit nakakapagod. Masaya naman. Ayoko kaya ng malungkot ngayon, noh!

Dahil new year na nga, siyempre lahat kami naka polka dots na damit. Walang KJ ngayong araw! Kahit ang kapitan namin with his gang ay hindi magpapahuli sa pagiging dugyot--- este kyut raw pala sila sa kanilang polka dots na barong. Shocking, ano?

Kulang na nga lang pati buong mukha nila gawin nilang polka dots, eh. Para aesthetic!

Todo ako ngiti sa mga napapadaan sa aking harapan. Kanina pa sa akin may bumabati at thank you naman ako ng thank you.

Nakakulo nga lang ng dugo ang iba. Iyung birthday greetings kasi nila sa'kin ay nakaka buwiset.

Napairap na lang ako. Kanina pa ako nakakaririg- ng mga gan'to tuwing lumalapit sila sa akin:

"Happy birthday Consonant! Huwaw! Kelan mo ibabalik ang hiniram mong batya?"

"Iyung utang mo naman pakibayaran!"

"Last year nag order ka sa'kin ng isang set ng panty? Aba! Uso din mag bayad be!"

"Akala ko ba effective iyung binili ko sa'yo na feminine wash para sa kepay ko- bakit hindi naman bumabango!"

Grabe! Hindi ba nila naiintindihan na best day ever ko nga ang araw na ito! Ba't ba naniningil sila? Diba, dapat day-off nila ngayon?

"Pakita nga 'te ng binili mo sa'kin! Baka hindi mo lang binasa ang instruction!" Pagkuway tanong ko sa kaniya. Busangot ang mukhang kinalkal niya ang nakasabit sa kaniyang leeg ang kulay pink na bag. Napansin ko ang ginintuan niyang hikaw at ang malaking bulaklak sa kaniyang ulo. Lawit pa ang dila niya sa paghahanap.

Pabalya niyang ibinigay sa akin ang isang purple na bottle na mukhang lotion. Agad kong pinakatitigan ang hawak at napasinghap sa nabasa. Napansin naman ni Aleng Shushubi na malaki din ang boobs ang pagkagulat sa aking magandang mukha.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now